bc

Crossroads Paramour

book_age16+
105
FOLLOW
1K
READ
possessive
sex
family
billionairess
drama
tragedy
bxg
heavy
realistic earth
addiction
like
intro-logo
Blurb

Lubos ang sakit na dulot ng nakaraan ni Aena Carlisse Antacio sa kaniyang buhay. Alipin siya ng pag-ibig niya sa isang lalaking hindi siya kayang mahalin. Kahit na lumayo na siya ay hindi pa rin nawala sa isip niya ang kaniyang dating asawa.

Matapos ang kaniyang kontrata sa mansion ng mga Armano ay bumalik siya sa kanilang probinsiya. Mayaman ang angkan ni Carli subalit nilihim niya lang ito upang matakasan ang buhay niyang puno ng pasakit. Nabalitaan niyang namayapa ang kaniyang dating asawa kaya ay naisipan niyang bumalik sa Tierra de Antacio. Pinangalan sa angkan nila ang lugar dahil ang kanilang angkan ang pinaka-tanyag at pinaka-mayaman sa lugar.

Sa kaniyang pagbabalik ay isang lalaki ang muling magbubukas ng mga mata ng kaniyang puso upang makita ang tamis ng pagsinta sa ikalawang pagkakataon. Si Matheurozo Delguerra o kilala bilang si Rozo na caballero ng mga Antacio.

Madaling ibigin si Rozo dahil bukod sa matipuno ang katawan niya at biniyayaan siya ng mala-diyosong kaguwapuhan ay busilak ang kaniyang puso. Hindi nailagan ni Carli ang mapang-akit na mga titig ng caballero kaya’y tuluyan siyang iibig sa binata.

Ang pag-iibigan nina Carli at Rozo ay haharangan ng angkan ni Carli. Ayaw ni Don Lauro na umibig at mapunta sa isang caballero ang kaniyang anak kaya ay gagawin niya ang lahat para mapag-hiwalay ang magkasintahan.

Hanggang kailan kayang ipag-laban ni Carli at Rozo ang pag-iibigang pilit na hinahadlangan? Hanggang saan sila dadalhin ng pag-iibigang pinagigitnaan ng hindi patas na lipunan?

chap-preview
Free preview
Foreword
Foreword “0678, laya ka na!” Naka-hinga ako nang malalim dahil sa narinig ko. Daig pa nito ang musikang nagsasalaysay ng tagumpay. Napaluha na lang ako dahil sa sinabi ng isang pulis. Napatingin lang ako sa mga kasamahan ko at agad akong nagpaalam sa kanila. “Paano iyan, mga kosa, parang mauuna na ako,” ani ko. Humakbang papalapit sa akin ang isang babae na ka-edad ko. Sabay rin kaming pinasok sa seldang ito noong isang taon ang lumipas. Ngumiti siya pero nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot dahil magkakahiwalay na kami. Siya ang naging tunay kong kaibigan sa loob ng kulungan. “Sana kapag naka-laya na ako ay magkikita tayo, Carli,” aniya na nagpipigil ng emosyon. Niyakap ko na lang siya. Damang-dama ko kung paano umangat at bumaba ang magkabilang mga balikat ni Trishelle. Sa pagkakataong ito ay naluha na rin ako. Hindi ko rin kasi maiwasan na maisip na lalabas ako at maiiwan siya sa loob. Baka, kung ano na naman ang gagawin ng mga mapang-alipusta sa kaniya kapag wala na ako. Humiwalay ako sa kaniya. Hinawakan at marahan kong hinahaplos ang mga pisngi niya. Inaalis ko ang mga luha niya. Nanatili akong ngumiti habang inaayos ko ang bumuhaghag niyang buhok dahil sa mahigpit at malikot na pagyayakapan namin. “Umayos ka lang dito, Trish. Mabuti ang Diyos at alam ko na papalayain ka niya,” sabi ko sa kaniya. Mabigat ang kaso ni Trishelle. Napatay niya ang amo niya dahil pinagseselosan siya nito. Malaking pamilya ang nabangga niya kaya ay wala siyang kalaban-laban sa kanila. “S-Sana, Carli, at kapag nangyari iyon ay hahanapin kita. Ikaw ang rason kung bakit buhay pa ako hanggang ngayon,” aniya. “Magkikita tayo,Trish!” Ngumiti ako at muli siyang niyakap sa huling pagkakataon. Sabik na sabik akong humakbang papalabas matapos kong marinig paano naglingkisan ang mga rehas na bakal na sumelda sa akin sa loob ng apat na taon. Nandito na ako sa labas ngayon at halos maluhang muli nang makita ang labas ng kulungan. Nakita ko ang isang payphone sa kabilang gilid ng kalsada kaya ay tumakbo ako papunta roon. Dinial ko ang numero ng telepono sa bahay ng Pamilya Bennett. Mabuti naman dahil agad na sinagot ang tawag ko. “Yes, ma'am? This is Bennetts residence, how may we help you?” matigas na Ingles ng kasambahay nila. “Puwede ko po bang maka-usap si Jenissa?” ani ko. Ipapaalam ko lang kasi sa kaniya na didiretso na ako sa Tierra de Antacio at hindi na ako makakadaan pa sa bahay nila. “Ay… Ma’am Jen, may tawag ho. Kayo po ang hinahanap,” anang katulong niya. Narinig kong tumikhim si Jenissa kaya ay natuwa ako. Pinatigil na niya ako katatawag sa kaniya nang My Lady. Ingos pa niya, ayaw na raw kasi niyang balikan ang ala-alang dulot ng pangalan niyang iyon. “Hello? Jenissa Bennett is speaking. How may I help—" “Jenissa!? Ako ito…si Carli! Naka-laya na ako, Jen! Malayang-malaya na ako!” masaya kong imporma sa kaniya. “Carli!? Carli, ikaw nga!” masayang sabi ni Jenissa mula sa kabilang linya. “Susunduin kita. Nasaan ka ngayon–?” “Don’t bother, Jen. Hindi na ako dadaan sa bahay niyo,” sabi ko. “Bakit?” Biglang nawala ang sigla sa boses ni Jen nang sinabi ko na hindi na ako dadaan pa sa kanila. Huminga ako nang malalim. “Alam ko na namimiss mo na ako. Miss na miss na rin kita, Jen. Hayaan mo at dadalaw ako sa inyo kapag nagkaroon ako ng panahon,” sabi ko. Rinig na rinig ko ang kaniyang pagbuntong-hininga. “Hindi ba talaga kita mapipilit, Carli?” Umiling ako kahit tiyak naman na hindi niya ito makikita. “Hindi na talaga, Jen. Babawi ako sa inyong lahat. Paalam na. Hahabulin ko pa ang huling biyahe ng bus pauwing probinsiya,” sabi ko. “Mag-iingat ka,” malungkot na wika niya. “Kayo rin,” ani ko sabay baba ng telepono. Naka-ngiti kong tinahak ang daan. Nakatingala ako sa bughaw na kalangitan. Maganda ang sikat ng araw at tila ba’y masaya ito sa aking pag-laya. “Kuya, terminal sa bus, biyaheng Tierra de Antacio,” sabi ko sa drayber na huminto sa tapat ko. Tumango lang ang drayber kaya agad akong pumasok sa traysikel niya. Inisip ko si Andrew. Kalahating taon na ang lumipas noong namayapa siya. Napatay raw siya ng mga awtoridad. Ilang beses ko kasi siyang sinabihan na itigil na ang ilegal niyang gawain pero hindi siya nakinig. Mahal ko siya. Kahit na wala na kami ay hindi mawala ang pagmamahal ko sa kaniya. Dahil sa malalim na pag-iisip sa mga nangyari ay hindi ko namalayan na nakataring na pala ako sa terminal. Hindi ko inakala na babalik ako sa terminal na ito upang balikan ang lugar na nilisan ko noon. Ano na kaya ang hitsura ng lupang tinubuan ko? “Tierra de Antacio! Hali na kayo! Isa na lang ang kulang!” Tumalima ako nang nakapamasahe na ako at agad na tumakbo papunta sa konduktor. “A-Ako po!” “O, ticket!” sabi ng lalaki at binigay sa akin ang ticket. Binayaran ko na rin ito bago ako umakyat sa bus. Isa na lang ang bakanteng upuan kaya ay wala na akong ibang mapagpipilian pa. Huminga na lang ako nang malalim nang maka-upo ako sa tabi ng isang lalaki na may hawak pang bote ng beer. Amoy alak siya at may kapanghian. Tiniis ko na lang ang amoy at agad akong sumandal. “Psst, eneng?” Lumingon ako sa tumawag sa akin. Isang mama na mukhang nasa-singkuwenta anyos na. “Ako ho ba?” Tumango siya. “Hali ka. Palit tayo ng puwesto,” aniya. Tumayo ako at agad na akong nakipag-palit ng puwesto sa mama. Nag-pasalamat ako sa kaniya. Ngiti lang ang kaniyang ganti sa akin. Lumingon ako sa bintana. Sinimulan na ng drayber ang pagmamaneho. Napabuntung-hininga akong muli dahil sa biglaang kaba na dumalaw sa puso ko. Tanda ko pa ang ginawa naming pag-lalayas ni Andrew noon. Napa-iling na lang ako. Kailangan ko na siguro siyang palayain. Hindi ko na siya iisipin at hindi na rin babanggitin ang pangalan niya, kung makakaya. Uuwi na ako sa probinsiya at sisimulan ang buhay ko roon na kasama sina Mama At Papa. Kailangan ko ring bumawi sa kanila. Siyam na oras ang biyahe papuntang Tierra de Antacio. Mabuti na lang dahil may mga binebenta sa bus at may pagkakataon na humihinto ang bus para sa tawag ng kalikasan. Isang mahabang biyahe ang binyahe ko. Bumaba ako mula sa bus habang hila-hila ang aking maleta. Humakbang ako papunta sa tindahan ni Aling Bebang. Alas nueve na pero bukas pa ang tindahan niya. Natuwa naman ako dahil hanggang ngayon ay may tindahan pa rito. “Tao po,” tawag ko. “Ano na naman ang bibilhin mo, hija? Ano’ng oras na? Hindi na ito oras ng pagbili ng alak. Babae—” Natigilan siya nang bahagya matapos na nag-tama ang mga sulyap namin. Hindi siya nag-salita. Agad siyang lumabas mula sa bahay niya at agad niya akong niyakap. “Eneng? Naku, eneng! Ikaw nga! Sa haba nang panahon na lumayas ka ay akala ko na hindi ka na babalik,” aniya. Humiwalay siya sa akin. Hindi ko mapigilan ang mga luhang nais na gumulong sa aking magka-bilang pisngi. “Wala palang masyadong nag-bago, Aling Bebang, ano?” tanong ko. “Oo naman,” masayang sabi niya. “Alam mo ba na matutuwa ang mga magulang mo kapag nalaman nilang umuwi ka na?” Nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. “H-Hindi ba sila galit sa akin?” nag-aalangan kong tanong. Inabot ni Aling Bebang ang kaliwang kamay ko at hinimas-himas niya ito. “Iba ang galit sa tampo, eneng. Hindi galit ang nararamdaman ng mga magulang mo sa iyo. Nagtatampo sila dahil sa ginawa mo. Inaabangan nila ang pagbabalik mo at alam ko na ikatutuwa nila ito,” sabi niya. “Ang problema ko ay masyadong gabi na at wala na sigurong maghahatid sa akin—” “Haw!” “Kabayo!” Napalundag ako patungo sa kinatatayuan ni Aling Bebang nang may nangabayong biglang pinatigil ang pagpapatakbo niya sa kaniyang kabayo sa likod ko. Inagaw ko ang aking kamay na hawak-hawak pa ni Aling Bebang at agad kong ginamit ito upang ituro sa lalaki. “Hoy, ikaw! Bulag ka ba? Nakikita mo naman siguro na may nag-uusap hindi ba?” naiinis kong bulyaw sa lalaki. Tumingin ako kay Aling Bebang nang suwabeng bumaba ang lalaki at sumandal pa siya sa kaniyang kabayo. Humalukipkip pa siya sabay tanggal ng kaniyang cowboy hat. Nakangiti siya na para bang nakikipagbiruan ako sa kaniya. “Sino ba itong hambog na ito, Aling Bebang?” tanong ko kay Aling Bebang. “Bakit hindi mo sabihin sa dayuhan na iyan na ako si Matheurozo Delguerra. Ang guwapong—Aray naman, Aling Bebang!” reklamo niya nang bigla siyang pinalo ni Aling Bebang sa kaniyang braso. Makapal ang mga kilay niya, ang bilog na bahagi ng kaniyang mga mata ay kulay berde, matangos ang ilong niya, makisig ang kaniyang pangangatawan, halos pumutok na ang kaniyang suot na damit dahil sa kakisigan niya, bakat na bakat ang katawan niya, matangkad siya at ang kaniyang balat ay kulay kayumanggi. Masasabi mong siya ay isang tall, dark and handsome. Pero iyon nga lang, minus points dahil sa ka-hambugan niya. “Uuwi ka ba sa hacienda ngayon?” tanong ni Aling Bebang kaya ay napatingin ako sa kaniya. “Yes, Madam Bebs!” Tumingin sa akin si Aling Bebang. Binulong niya sa akin kung sino ang hambog na ito. “Mabait naman si Rozo, eneng. Pala-kaibigan din iyan. Masyado nga lang bilib sa sarili niya,” anang Aling Bebang. Nalaman ko na nagtatrabaho pala siya sa hacienda ng pamilya namin. Kinilatis ko siya. Kumunot ang noo ko nang bigla siyang kumindat. “Ano po ba ang sadya mo sa aking mahal na amo, señorita?” tanong niya. Malamang ay nakikinig siya sa usapan namin ni Aling Bebang. “Bukod pala sa hambog ay tsismoso ka pa?” mataray kong sabi. “Rozo, anak iyan ng mga amo mo! Matagal iyang hindi nakita nina Don Lauro at Doña Mariesse. Uuwi sana siya sa hacienda pero wala na siyang masasakyan pa,” sabi ni Aling Bebang. Tumikhim ang caballero at agad siyang tumabi sa akin. “My bad, señorita! Bago pa lang kasi ako kaya ay hindi kita nakilala. Please forgive me, My Baby Angel!” “FC!” diing bulong ko. Napa-pikit ako dahil sa amoy niya. Amoy rosas siya. Nagulat nga ako dahil sa amoy niya. Ang mga caballero kasi namin dati ay amoy kabayo. Iba ang isang ito. Para siyang nakababad sa talulot ng mga rosas. “Puwede namang sumabay sa akin si señorita, Madam Bebs. Iyon nga lang ay bukas pa ako nang madaling araw dideretso sa hacienda. Magpapahinga pa ako sa kubo ko mamaya,” sabi pa niya. “Okay ba iyon sa iyo, eneng?” Pinag-isipan ko ang tanong ni Aling Bebang. Muli kong tinitigan mula ulo hanggang paa at pabalik ang lalaki. Hindi naman siguro niya ako ipapahamak dahil alam niyang malilintikan siya kay Papa kapag nagkataon na may hindi magangdang mangyari sa akin. “Don’t worry, señorita, maalaga ako sa mga babae,” aniya sabay kindat. Inisip ko na masyadong masakit ang init ng araw kapag magpapabukas pa ako. Ayaw ko ring tawagan ang kaibigan kong si Handrei para magpahatid sa kaniya sa hacienda. Isa pa, marami na ang nangyari at matagal na kaming hindi nagkita ng lalaking iyon. “S-Sige! Basta, Aling Bebang, kapag hindi ako nakarating sa mansion bukas mismo ay ipaalam mo kay Papa ang nangyari. Alam mo naman kung sino ang kasama ko,” ani ko pero sa caballero ako tumingin. “Ouch naman ng mga titig mo, señorita,” reklamo niya. Parang kidlat lang kung makalundag siya paibabaw sa kabayong dala niya. “Hali ka na,” aniya at nilahad ang kaniyang paa. Tumitig ako sa kaniyang paa na nakakubli sa loob ng combat shoes niya. Umapak ako sa ibabaw ng paa niya. Tumingin ako sa kaniya na para bang tinatanong ng mga sulyap ko kung saan ako kakapit. Mabuti na lang dahil nakuha niya ang aking ipinahiwatig. Nilahad niya ang kaniyang palad. Kumapit ako sa kaniyang kamay at agad akong umakyat sa ibabaw ng kabayo. Mabuti na lang dahil mahaba ang saddle na gamit niya kaya ay sakto kami sa loob nito. Inabot ni Aling Bebang sa kaniya ang maleta ko. Buti na lang dahil nag-iisa lang ito, baka mahirapan kami kapag marami akong gamit. “Paalam, Aling Bebang. Dalawin mo ako sa mansion ha,” sabi ko. “Oo, eneng. Mag-ingat kayo, eneng! Paalam din.” Tumalikod si Aling Bebang pero lumiko siya sa aming gawi. “Hoy, Rozo! Ingatan mo ang perlas ng mga Antacio!” Humagikgik ang caballero dahil sa sinabi ni Aling Bebang. Binigyan niya yata ito ng iba pang kahulugan. Lalaki nga sisa, matapos ang lahat. “Seryoso ako, Rozo!” alma ni Aling Bebang. Tumango ang lalaki at sinuot na niyang muli ang kaniyang sumbrero. “Hiyah!” Napakapit ako sa kaniya dahil halos mahulog ako. Hindi ko napaghandaan ang biglang pagtakbo ng kabayo kaya halos atakihin ako sa puso sa gulat. Masama kong tinitigan ang batok niya. “Ehem,” tikhim niya kaya ay namulat ako sa katotohanan. Bahagya kong inalis ang mga kamay ko na nakapulupot sa kaniyang katawan. Dahil sa gulat ay hindi ko alintana na napa-yakap ako sa kaniya. Sa kaniyang polo na hindi nakabutones na ako humawak. Wala siyang imik. Pinapatakbo niya lang ang kabayo niya. Maya-maya ay naramdaman ko ang kaniyang kaliwang kamay na nakasuporta na sa likod ko. “Humawak ka sa akin nang mabuti, baka mahulog ka, señorita,” sabi niya. Ginawa ko ang sabi niya. “Mas mabuting sa akin ka mahulog kontra sa lupa, señorita. Kapag sa akin ka nahulog ay tiyak na ligtas ka at mamahalin pa kita nang sobra,” aniya. Wala akong na-imik sa kaniyang sabi dahil tinatangay ng amoy niya ang isip ko papunta sa lugar na gusto kong puntahan ngayon, sa kuwarto. Gusto ko kasing matulog at magpahinga para mawala na ang pagod ko. “Señorita,” bulong ng isang malalim na boses. Marahan kong minulat ang mga mata ko. Nakayakap pala ako kay Mister Caballero. Ramdam ko rin ang pag-ipit niya sa mga kamay ko upang hindi ako mahulog. Tumikhim ako upang ipa-alam sa kaniya na gising na ako. Humikab ako. Nang bumalik ako sa katinuan ay namangha ako sa nakita ko. Natatanaw ko na ang ilaw sa buong hacienda. Pati ang ilaw sa mansion ay tanaw na tanaw ko na rin. Ilang oras na lang, makikita ko na ulit ang mga magulang ko, makakatapak na ulit ako sa aking lupang kinalakihan at mamumuhay ako nang payapa sa aming hacienda.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
135.5K
bc

His Obsession

read
86.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
78.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
176.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
26.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook