Chapter 3

2491 Words
Chapter 3 Carli’s POV Nanatili akong nakatitig sa kaniya. Ang pangamba niya kanina nang binantaan ko siyang isusumbong ko siya kay Papa ay pareho ng pangamba na nakikita ko sa kaniya ngayon. “Bakit tila ikaw ay nangangamba, Rozo?” malalim kong tanong sa kaniya. Inabot niya ang mangga at sinimulan niya itong balatan gamit ang kutsilyong nakatago sa loob ng kaniyang jacket niya. “Huwag mo nang intindihin ang sinabi ko, señorita. Alam ko naman na wala kang hilig sa ganoon,” sabi niya at pinilit pa ang pag-tawa sa dulo. Tumayo ako at pinagpag ang kamison na suot ko. Oo, naka-kamison ako at ngayon ko lang napansin. Mabuti na lang dahil may cycling akong sinuot. Hindi ko na lang pinahalata kay Rozo na ngayon ko lang napansin ang suot ko. Kaya siguro niya iniiwasang titigan ang bandang dibdib ko dahil manipis ang tela ng suot kong kamison na de-strap lang ito. Bahala na nga! Hindi bale na, guwapo naman ang tumititig at mabait. Parang natatabunan ng kaguwapuhan niya at kabaitan niya ang kahambugan niya. “Nanalo na ba si Zoro?” tanong ko sa kaniya. Naramdaman ko kung paano siya tumayo. Narinig ko rin ang huni ng kaniyang paghakbang sa ibabaw ng mga tuyong dahon ng mangga na tila ba nababasag sa tuwing natatapakan sila ng malalaking mga paa ni Rozo. Naalala ko na naman ang lalaking iyon. Kahit na imposibleng hindi marinig ang mga yapak niya ay nagagawa niya iyon. At saka ko na lang siya napapansin kapag naka-pantay na siya sa aking gilid, tulad nitong ginawa ni Rozo ngayon. “Ang karerang sasalihan niya ang siyang unang magiging laban niya. Natatakot ako para kay Zoro pero kailangan ko kasi ang perang magiging gantimpala sa karerang iyon,” malungkot na sabi ni Rozo habang inaabot sa akin ang mga piraso ng manggang hiniwa niya palihis. “Salamat,” sabi ko. Namaha ng laway ang loob ng bibig ko nang kinagat ko ang isang hiwa ng mangga. Ang asim pero ang sarap. Napa-ngiwi ako at naluha rin ako nang kaunti dahil sa asim ng mangga. “Saan mo pala ilalaan ang perang gantimpala sa karera kung papalarin kayo ni Zoro?” tanong ko sa kaniya. Ang bawat segundo at minutong nakakasama ko si Rozo ay para bang mga potion na nagiging dahilan ng aking pagka-interesado sa kaniya at sa kuwento ng buhay na mayroon siya sa kabila nitong personalidad na pinakikita niya sa mga taong nasa paligid niya. “Mahirap lang kami, señorita,” simula niya. Parang tinusok ng matulis na bagay ang gitna ng puso ko matapos kong marinig mula sa kaniya ang panimulang mga salitang sinambit niya. “Simula bata pa lang ako ay nakita ko paano kumayod ang mga magulang ko. May tatlo pa akong kapatid na nag-aaral, isa sa hayskul at dalawa sa kolehiyo. Mabuti na lang dahil puro sila matatalino at hindi nag-mana sa akin.” Nagawa niya pa ang tumawa nang mahina sa gitna ng kaniyang pagkukuwento. I glare at him, tumango rin ako bilang senyales na nais ko siyang magpatuloy sa kaniyang pagkukuwento. “Iskolar ang mga kapatid ko. Sa bayan sila nag-aaral dahil doon sila naka-pasa ng eksaminasyon para sa iskolarsyip. Walang problema sa pang-matrikula nila pero ang inaalala ko ay ang pang-pamasahe nila araw-araw, pagkain, allowance at renta sa boarding house na tinutuluyan nila, wala pa sa bilang ang bayad sa tubig at kuriyente. Ayaw ko ring i-asa sa mga magulang ko ang pang-tustos sa pangangailangan ng mga kapatid ko. M-May sakit si Inay, may gamot siyang minemaintain. K-Kapag nanalo kami ni Zoro ay malaking tulong na iyon sa mga kapatid ko, sa mga magulang ko at sa akin na rin,” sabi niya. Parang nilukot na papel ang puso ko habang pinakikinggan si Rozo. Mapalad ako sa buhay pero sinayang ko lang ang pera ng mga magulang ko noon. Hindi ko alam na habang nagwawaldas ako at tinakwil ang mga magulang ko ay may tao pala na naglalayon ng buhay na matiwasay, makapag-aral ang mga kapatid niya at mabilhan ng gamot ang kaniyang ina na may dinadalang karamdaman. Gusto ko man tulungan si Rozo ay hindi ko alam kung paano, hindi ko pa nakukuha ang mga ATM ko sa Maynila at wala rin akong cash. Ganda lang talaga ang mayroon ako ngayon. Nahihiya na akong humingi sa mga magulang ko dahil kababalik ko pa lang mula sa paglalayas kasama ang lalaking niloko lang ako. Sumulyap ako sa kaniyang gawi pero tinago niya ang kaniyang mukha at pasimple siyang tumitig sa kaliwang banda upang maikubli sa akin ang kaniyang mukha na ginulungan ng mga luha. Hays, mga lalaki nga naman, ayaw talaga nilang nakikita ng kahit na sino na mahina sila. Itinago niya ang kaniyang tunay na emosyon sa pamamagitan ng pag-pulot ng panibagong mangga at binalatan niya ito. “Hayaan mo, ipagdarasal ko na mananalo kayo ni Zoro!” masaya kong sabi sa kaniya nang hinarap ko na siya. Nakaupo na siya kaya ay tumingala siya sa akin at halos na sabay kung umangat ang magkabilang dulo ng kaniyang mga labi. Ang bilis naman niyang mag-iba ng emosyon. Kanina ang lungkot ng mukha niya habang nagkukuwento, ngayon naman ay ang sigla niya na ulit tingnan. “Talaga ba?” tanong niya. Tumango ako at umupo sa tapat niya. Malapad siyang nakangiti patingin sa akin. Diyos ko, bakit ang guwapo nitong hambog na ito? “Oo! Ipagdarasal kita sa mga anito, sa mga santo at sa mga anghel! Kung puwede lang na ipagdasal kita sa mga litrato ng mga bayani ay gagawin ko para manalo lang kayo ni Zoro!” sabi ko sa kaniya na puno ng emosyon. Ang kaniyang mga ngiti ay naging tawa na. Likas na siguro sa kaniya ang umiiling habang ngumingiti, ito kasi ang napansin ko, ang guwapo niya lalo kapag ginagawa niya ang bagay na ‘yon. “Ayaw mo talaga sa mga taong nag-aalaga ng kabayo, ano?” Tumaas ang dalawang kilay ko matapos niyang sinambit ang katanungan niyang ‘yon. “Sa tingin mo ba magkakaroon ako ng sarili kong kabayo kung ayaw ko sa mga tulad mo? Hays, palibhasa kasi ay mabilis lang sa iyo na husgahan ako. Hindi mo pa nga naririnig sa akin ang totoo ay agad ka namang kumokonklusiyon diyan,” kunwa’y nagtatampo kong wika. “G-Gusto mo ako?” Natigilan ako sa pag-nguya ng manggang nasa bibig ko dahil sa tanong ni Rozo. Muli kong inisip ang sinabi ko. Patay! May nasabi nga ako. “Mister Hambog na caballero, ang ibig kong sabihin ay gustong maka-sama, maging kaibigan at maging—” “Nobyo?” Tinapunan ko siya ng balat ng mangga dahil pinangunahan niya ang aking nais sambitin. Mabuti na lang dahil nagawa niyang iharang ang kaniyang bisig kaya’y hindi napuruhan ang mata niya. “Sira ka talaga, Rozo!” Tumayo ako at tumalikod ako sa kaniya. Naramdaman ko kung paano niya hawakan ang kamay ko at hinila niya ako patakbo sa kung saan. “Rozo, ano ba? Kapag nadapa ako rito ay makukurot ko talaga iyang balat mo sa may baiwang,” banta ko sa kaniya. Hindi siya nag-salita. Tawa lang siya nang tawa habang patuloy siya sa pag-hila sa akin. Tumigil kami sa ibabaw ng munting bundok. “Ano ang ginagawa natin dito?” tanong ko sa kaniya. “May gusto akong ipakita sa iyo, señorita,” sabi niya. “H-Huwag, Rozo! A-Ayaw kong m-makita iyan! B-Bago pa lang tayong nagkakilala! U-Umuwi na t-tayo,” nauutal kong sabi habang nakapikit. Mas lalong kumabog ang dibdib ko nang maramdaman ang mga kamay ni Rozo na nakahawak na sa aking mga braso. Pinatalikod niya ako sa kaniya habang nanatiling naka-sara ang mga mata kong natatakot sa bagay na ipapakita ni Rozo. “Huwag kang mag-alala, señorita, mali po ang iniisip niyo. Reserved na po itong bagay na ayaw niyong makita,” aniya. May kaunting lungkot akong naramdaman nang sinabi niya ‘yon. “Ano ba kasi ang ipapakita mo, Rozo?” Umakbay siya sa akin. Gusto kong tanggalin ang kamay niya pero parang panghihinayangan ko na gawin iyon, baka hindi na niya ako akbayin pang muli. “Buksan mo na kasi ang mga mata mo, señorita,” utos niya. “Naku, Rozo, kapag ito ay kabulastugan ay—Wow! Ang ganda!” Ang sarap pagmasdan ni Haring Araw kapag palubog na siya. His Yellow-Orange rays are brushing above the green grasses and trees. Lumingon ako kay Rozo. He extended his arm like he is reaching the beautiful sunset. Maging ang mukha niya ay sinayadan din ng ng sinag ng araw. Hindi lang ang araw na Lumulubog ang maganda pagmasdan, kun’di pati rin ang lalaking nasa tabi ko ngayon. “Palagi akong pumupunta rito kapag dapit-hapon na. Simula noong nagtatrabaho ako sa hacienda niyo ay ayaw kong kaligtaan ang pag-lubog ng araw,” malalim niyang wika. Nakatitig pa rin ako sa kaniya. Kung puwede lang na ungkatin ang mga sasabihin niya mula sa ilalim ng kaniyang dila ay ginawa ko na. Gusto ko siyang pakinggan na kumuwento tungkol sa mga hinanakit niya sa buhay. “Huwag ako ang titigan mo, señorita. Tingnan mo ang araw na lumulubog,” aniya nang mahagilap na nakatanaw ako sa kaniyang mukha. Bumitaw ako ng buntung-hininga bago ko binalik sa patuloy na lumulubog na araw ang aking titig. Matagal na ako sa Tierra de Antacio pero ngayon ko lang natagpuan ang lugar na ito kung saan matatanaw ang buong scenario ng paglubog ng araw. “Ang ganda ng pag-lubog ng araw,” sabi niya at ngumiti. “Maganda nga, pero natatapos rin naman. That only shows that even the beautiful things has an end, Rozo,” bigla ko na lang sabi. “Para sa akin ay simbolo naman ng pag-asa ang sunset. Kapag lumubog ang araw ay magkakaroon ulit ng bagong umaga. Sa buong araw na darating ay gagawin mo ang mga bagay na nakakabuti, upang kahit na lumubog man ang araw at matatapos ito ay masasabi mong, may nagawa ka,” he said. “Palagi ko ring sinasabi sa sarili ko na sa susunod na pag-lubog ng araw ay sasabihin ko sa kaniya na nakamit ko ang pangarap ko at salamat sa pag-asang binigay niya,” he goes on. Sino ba ako para makipag-talo sa lalaking ito? Dito nga siya sa probinsiya namuhay at siguro’y tumanda rin pero parang sakop na ng kaniyang kaisipan niya ang buong mundo. Puno siya ng pananaw at pangarap sa buhay. “Tara na?” he asked. Ngumiti ako. May nakita akong pilik mata na nahulog sa kaniyang pisngi kaya ay kinuha ko ito. Napapikit siya nang nahawakan ko ang kaniyang mukha. “Ano ang ginagawa mo?” tanong niya nang pumikit ako at yumuko. I whispered wishes while holding the small hair in the middle of my point finger and thumb. Hinipan ko ang pilik mata niya at hindi ko na alam kung saan na iyon nagpunta. I just wished him a good luck. “Tara na?” Tumango siya at sinimulan na naming tumungo kung saan namin iniwan si Zoro. Nang makarating kami sa ilalim ng mangga ay nagmadali kaming sumakay sa ibabaw ni Zoro. Sumisipol si Rozo. Binibigyang himig ng sipol niya ang kantang Bed of Roses. Paboritong kanta iyon ni Andrew kaya ay naisip ko na naman siya. Malungkot ang pagkakasipol ni Rozo sa kantang iyon kaya ay napaluha ako, mabuti na lang at hindi niya napansin iyon. “Señorita,” banggit niya sa aking pangalan. “Rozo,” tugon ko naman. “Mabuti ka pa, ano? Mayaman at nakukuha mo ang gusto mo,” sabi niya sa malungkot na tono. Inisip ko ang sinabi niya. “Mayaman lang ako, Rozo, pero hindi ko nakukuha ang gusto ko,” sabi ko. “Ano ang ibig mong sabihin, señorita?” Makulimlim na nang dumating kami sa mansion. Hindi ko sinagot ang tanong ni Rozo dahil hindi pa ako handa na ikuwento sa kaniya ang buhay ko. “Rozo, papasok na ako,” sabi ko at agad na siyang iniwan sa labas ng mansion. Naglalakad ako sa gitna ng sala namin. Nakita ko si Mama at Papa na naka-upo sa sofa. Nagbabasa ng diyaryo si Papa habang si Mama naman ay nagbabasa ng nobela. “Ilang beses mo na iyang natapos, Mariesse, hindi ka ba nagsasawa? Basahin mo na lang ang mga liham na pinadala ko sa iyo noong mga araw,” naiinis na sabi ni Papa. Tandang-tanda ko pa kung paano magselos si Papa sa mga karakter sa nobelang binabasa ni Mama. Panay ngiti kasi si Mama kapag nagbabasa. Minsan ay nakakalimutan niya na nasa paligid lang si Papa. “Naku, Lauro. Ilang beses ko na ring nabasa ang mga iyon. Mabuti pa itong nobelang binabasa ko dahil walang kakupas-kupas ang linya at diskarte ng lalaki, hindi tulad mo na pinaulanan mo lang ako ng liham at mga tsokolate,” sabi ni Mama. “Aysus, Mariesse, kilig na kilig ka nga noong mga araw,” pagtatanggol ni Papa sa sarili. “Ahm!” Napalingon silang dalawa sa akin. Lumapit ako kay Mama at hinalikan ko siya sa pisngi. Si Papa naman ay hinalikan ako sa noo nang dumako ako sa kaniya. “Nagbabangayan pa rin kayo tungkol sa liham at nobela?” tanong ko sa kanila. “Ito kasing Papa mo, Aena Carlisse, ayaw akong tigilan. Panay selos pa rin sa karakter sa loob ng nobelang ito.” Pinakita pa ni Mama ang lalaking nakasakay sa kabayo at ang likod nito ay ang araw na lumulubog. “Paano ba ay mas may oras pa iyang Mama mo sa nobela,” anang Papa. Natawa na lang ako dahil sa sinabi ni Papa. Matagal na silang nag-sama at sa tingin ko ay ang panay na pagbabangayan nila ang pangunahing sangkap kung bakit sila nagtagal ng napakahabang panahon. “Iyan ba iyong lalaking kumakarera at mahilig sa sunset, Mama?” usisa ko. “Oo, Aena Carlisse. Ang pag-iibigang tungkol sa anak ng alkalde at ng guwapong kabalyero.” “Saang kabanata ka na, Mama?” tanong ko rito. “Tinapos ko ang pagbabasa ko sa kabanata kung saan nakatanaw ang dalawa sa magandang paglubog ng araw. Kinuwento ng bidang lalaki ang kaniyang karanasan sa buhay habang taimtim namang nakikinig ang dalaga.” Hindi ako nakaimik sa winika ni Mama. Para akong estatwa sa aking kinauupuan; tahimik at lumilipad ang isip. Lumitaw kasi sa isip ko ang scenario kanina. Para tuloy akong baliw na inisip na kami ni Rozo ang nasa nobela. “Aena Carlisse, bakit panay ngiti ka riyan at parang tinangay ng hangin ang iyong pag-iisip?” Nataranta akong sumandal. “W-Wala, Mama. May naalala lang ako,” rason ko. Ilang minuto na ang lumipas pero hindi ko makalimutan ang sabi ni Mama. Ang kuwentong binabasa niya ay tungkol sa isang lalaking caballero at babaeng anak ng alkalde. Ang lalaki ay mahilig sa sunset, parang si Rozo. Alkalde na rin si Papa ngayon. Diyos ko, ano itong naiisip ko? “Imposible,” bulalas ko nang mahina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD