CHAPTER 06

2056 Words
Natalia's point of view MAHIGPIT akong nakayakap sa urn kung saan nakalagay ang abo ng kapatid kong si Jonny. Walang humpay ang pagtulo ng luha ko habang ayokong bitawan ang yakap-yakap kong urn l. "Masaya s'ya ngayon dahil kasama ni Jonny ang parents n'yo," sabi ng lalaking nasa tabi ko na si James. Nasa tabing ilog kami ngayon, dito ko rin nilagay ang abo ng mga magulang namin at ngayon naman ang abo ng kapatid ko. Naramdaman ko ang paghawak ni James sa balikat ko. Kaming dalawa lang ang nandito sa ilog dahil gusto kong masolo ngayon ang kapatid ko, pero hindi pumayag si James na ako lang mag-isa ang pumunta dito. Walang humpay na pagtulo ng luha ko, hindi ko kayang bitawan ang urn na hawak ko, hindi ko kayang gumalaw. "Hanggang sa muli nating pagkikita, Jonny," nagyuyumamot kong saad bago ko pinuksan ang urn na laman ang abo ni Jonny. Kinuha ko ang abo ni Jonny at hinayaan kong tangayin ng hangin ang abo sa kamay ko. Mahal na mahal ko ang kapatid ko. Bawat paglisan ng abo sa kamay ko ay bumabalik sa akin ang alaala ng aming pamilya na masaya at buo kami, pero ngayon nag-iisa na lang ako na nagluluksa sa pag-iwan nila sa akin. "H-hindi ko kayo makakalimutan!" sigaw ko sa kawalan hanggang sa maubos ang abo ni Jonny sa loob ng jar na hawak ko. Mawala man sila sa tabi ko ay mananatili pa rin sila sa puso at isipan ko. Mabubuhay ako na kasama pa rin sila sa puso ko. Napaupo na lang ako sa lupang kinatatayuan ko dahil sa panghihina ng tuhod ko. "Natalia!" tawag ni James sa akin. Inalalayan ako ni James para tumayo ulit. Nang biglang mayroon akong maalala na isang lalaki. Nakahawak si James sa akin at inaalalayan akong maglakad papunta sa kotse n'ya. Hindi mawala sa isip ko ang isang lalaking nakita ko noong araw na nabaril si Jonny. "Masmaganda kung sa bahay ka muna namin," sabi ni James sa akin. Binuksan ni James ang pinto ng passenger seat at pinaupo ako sa loob. Hindi ako sumagot kay James dahil wala akong gana na magsalita ngayon. Sumakay si James sa kotse n'ya at pinaandar ang sasakyan. Tumingin ako sa binta ng kotse. "Hindi ko maalala ang itsura ng lalaki," walang gana kong sabi. Nakatingin pa rin ako sa bintana. "Sinong lalaki?" takang tanong ni James sa akin. Hindi ko matandaan ang mukha ng lalaki, pero pag nagkita kami ay sigurado akong matatandaan ko na ang lalaking iyon. "'Yung lalaking nakita ko noong araw na nabaril si Jonny, isang kindat at ngisi ang binigay n'ya sa akin bago s'ya umalis!" galit kong sagot kay James. Muling tumulo ang luha ko ng bumalik sa alaala ko ang trahedyang nangyari sa akin at sa kapatid ko. "Wag mag-alala, kumikilos na ang mga pulis para sa krimen na nangyari," sabi ni James sa akin. "Mabuti pang magpahinga ka muna, magiging ayos din ang lahat," dagdag na sabi ni James sa akin. Dahan-dahan kong tinignan si James na nagmamaneho ng kotse n'ya pauwi sa bahay. "Hindi magiging ayos ang lahat hanggang walang nagbabayad sa pumatay sa kapatid ko!" seryoso kong sagot kay James. "'Yung lalaking nakita ko noong araw na nabaril si Jonny, alam kong mayroon s'ya kinalaman sa nangyari," seryoso kong paliwanag kay James. "Anong balak mong gawin?" tanong ni James sa akin. Umiwas ako ng tingin kay James. Hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko sa ngayon, pero sana ay mayroon ng mahuli ang mga pulis sa mga nangyari, hanggang walang nagdudusa sa gumawa noon sa kapatid ko ay hindi ako matatahimik. "Nagiging magulo na ang lugar natin, pero iniisip ko kagabi na baka ang nangyari sa nakita natin noong nakaraan ay konektado sa nangyari sa McArthur highway," paliwanag ni James sa akin. Napayukom ang kamao ko, hindi ko kayang pigilan ang luha ko. Marahan kong pinunasan ang luha ko at tinignan si James. Huminto sa pagmamaneho si James ng damating kami sa tapat ng bahay ko. "Baka iisang grupo lang ang pumatay sa lalaki at ang nakapatay kay Jonny, iba ang target nila, pero si Jonny ang tinamaan," dagdag na paliwanag ni James sa akin. "Baka ako 'yung target nila?!" seryoso kong tanong kay James. "Paano mo nasabi?" takang tanong sa akin ni James. "Nakita ko lahat ng nangyari noong gabi na iyon, pero wala akong balak na mangialam sa kanila," seryoso kong sabi kay James. "Hindi iyon ang tingin nila," sagot ni James sa akin. "Pero bakit si Jonny pa? kung ako ang kailangan nila?!" inis kong tanong kay James. "Hindi ko alam," sagot ni James sa akin. Bumaba ako sa kotse n'ya. Kung ako ang target nila, bakit kailangan nilang idamay ang walang kasalanan na bata? Naglakad ako papunta sa loob ng bahay ko. Nag-iisa na lang ako sa tahimik na bahay na ito. "Gusto mo samahan kita?" tanong ni James sa akin. Mabigat ang kalooban kong huminto sa paglalakad, nakayukom ang kamao kong humarap kay James. "Gusto kong mapag-isa," puno ng lungkot kong pagtanggi kay James. Tumalikod ako kay James, muli kong hinakbang ang mga paa ko paabante sa pintong nag-aabang sa akin. Napakagat labi ako ng patuloy ang pagbuhos ng luha ko sa kirot ng nararamdaman ko. "Tawagan mo lang ako kung kailangan mo ako," mahinahon na sabi ni James mula sa likuran ko. Pagkahawak ko sa malamig na doorknob ay pinihit ko iyon at dahan-dahan na binuksan, rinig ko sa tahimik na lugar ba kinatatayuan ko ang langitngit ng pintuan. Pagtingin ko sa madilim na loob na lalong nakakapagpabigat ng damdamin ko. Pumasok ako sa loob at sinarado ko ang pinto. Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa malakas na iyak na tanging nagbibigay ng tunog sa apat na sulot ng bahay ko. "J-jonny..." iyak kong bangit sa pangalan sa kaisa-isa kong kapatid. Sumandal ako sa pintuan at napaupo na lang sa sahig. Puno ng luha ang mata ko, para akong binabaril ng paulit-ulit sa sakit. Nanlalambot ang tuhod ko, pero pilit akong tumayo at naglakad papunta sa kwarto ko. Tinapon ko ang katawan ko sa kama at doon ako umiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko, pinikit ko ang mata ko, hinayaan kong mahulog ako sa pagtulog. Sa dami-dami ng tao, bakit si Jonny ang nawala? "I miss you, Ma... Pa... Jonn..." Dinilat ko ang talukap ng mata ko na marandaman ko ang maliwanag na sinig ng araw na tumatama sa mata ko. Mabigat ang pakiramdam ko, parang wala akong lakas pa na tumayo pa sa kama. Napatingin ako sa tapat ng pinto ng kwarto ko ng mayroon akong marinig na ingay mula sa labas ng kwarto ko. "J-jonny?" bangit ko sa pangalan ni Jonny. Tinanggal ko ang kumot sa akin at nagmamadaling bumangon mula sa kama. Muntik pa akong madapa dahil sa pagmamadali kong buksan ang pinto ng kwarto. Hindi ko alam kung ano ang itsura ko ngayon, pero umaasa ako na panaginip lang ang lahat at sa pag ginsing ko ito ay nandito si Jonny. Paglabas ko sa kwarto ay pumunta ako sa sala, pero wala akong nakita kung hindi ang mga gamit doon. Bumaling ang ulo ko ng makaritig ng ingay mula sa kusina namin, muli akong nagmadali papunta sa kusina. "Jonny!" tawag ko sa pangalan ni Jonny pagdating ko sa kusina. "Huh?" Natulala ako ng hindi si Jonny ang nakita ko. Si James na nagulat ng makita ako, mayroon s'yang kagat na tinapay sa bibig habang hinihintay na uminit ang tubig sa takuri. Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko at walang ganang naglakad sa dining table, umupo ako sa dining chair. "K-kape?" alok ni James sa akin. Tinukod ko ang dalawang siko ko sa ibabaw ng table, yumuko at napasabunot sa sarili ko. Muling mabigat na paghinga ang pinakawalan ko. "Mas'yado akong nag-aalala sayo kahapon, hapon palang ay natutulog ka na kaya naisip kong dito na lang matulog para bantayan ka," paliwanag ni James sa akin. Inangat ko ang ulo ko at tinignan si James. Hindi ko alam kung nakaka-awkward ang tingin ko sa kan'ya, pero bigla s'yang umiwas ng tingin sa akin. "Wala na ba talaga s'ya?" malungkot kong tanong kay James. Kasabay ng pagtunog ng takuri ay napayuko ako diretso sa wooden table dahil alam ko naman ang sagot sa tanong ko. Tatlong araw ng wala si Jonny. "Hindi gusto ni Jonny na makita kang ganiyan," rinig kong sabi ni James. Naamoy ko ang kape na tinitimpla ni James. Wala pa rin akong gana ngayon para sa buhay ko. Ang yakap ni James ay naramdaman kong lumapit sa akin at ang pag patonong ng baso sa table ay rinig na rinig ko. "Nami-miss ko na s'ya," naiiyak kong sabi kay James. "Gusto mo punta tayo sa shooting range? O kahit saan mo gusto sabihin mo lang sa akin," sabi ni James sa akin. Inangat ko ang ulo ko at isang natamblay na tingin ang binigay ko sa basong mayroong laman na mainit na kape na kitang-kita ang usok nito na nag-e-evaporate. Nilipat ko ang tingin ko kay James na nakaupo sa tapat ko. "Gusto kong magpahinga," walang buhay kong sagot. "Hindi uso sayo ang pahinga," sagot ni James sa akin. "This time, I wanna take a rest," seryoso kong sagot kay James. "Mayroon akong good news sayo," masiglang saad ni James. Kinuha ko ang mainit na baso at humigop ako habang hinihintay ko ang sasabihin ni James. Pagkahigop ko ng kape ay tinitigan ko ang kapeng nasa harapan ko. Si Jonny ang nagtitimpla ng kape ko sa umaga habang pinagluluto ko s'ya ng pagkain. "Mayroon ng lead ang mga pulis, na pag-alaman nila na hindi lang isang tao ang may gawa sa nangyari, kung hindi isang grupo," salaysay ni James. Nakatingin pa rin ako sa baso habang hinihintay ang susunod na sasabihin ni James, pero ilang sigundo ang lumipas ay wala pa rin at muling naging tahimik ang kusina ng bahay ko.   "Wag kang mag-alala, malapit ng mabigyan linaw ang nangyari," saad pa ni James. Binaba ko ang hawak kong baso sa table. Seryoso kong tinignan si James. "Bakit sobrang bagal kumilos ng otoridad? Iyon lang ang alam nila? Isang grupo? Tang-ina sino bang hindi nakakaalam na hindi grupo ang may gawa ng pesteng insedeteng iyon?!" sunod-sunod kong galit na tanong kay James. Hindi ko mapigilan ang galit ko sa tuwing naaalala ko ang pangyayari na iyon. Walang katumbas na halaga ang pagkawala ng kapatid ko. "Hindi ganoon kadali ang mahuli, lalo na't malaking grupo," mahinahon na sagot ni James sa akin. Hinawakan ko ang basa para magpainit ang palad ko dahil nanlalamig iyon sa galit ko. "Hindi ganoong kadali? O baka nabayaran na sila!" malamig kong sabi kay James. Sumandal ako sa inuupuan ko at bumuntong hininga. Nakatitig lang ako sa kapeng nasaharapan ko. "Alam kong puno ng lungkot ang puso mo kaya nasasabi mo iyan, pero wala naman na tayong magagawa kung hindi maghintay at magtiwala sa mga otoridad," paliwanag ni James sa akin. Tumingin ako kay James. Bakas sa mukha n'ya ang pag-aalala kaya umiwas ako ng tingin kay James. Alam kong tunay ko s'yang kaibigan. "'Yung lalaking nakita ko, s'ya ang pumatay kay Jonny," matigas kong sabi kay James. "Saan naman natin hahanapin ang gagong lalaking iyon kung alam mo lang ay lalaki s'ya?" tanong ni James sa akin. Tumingin ako ng diretso kay James. Puno ng pag-aalala ang mata ni James, pero ang puso ko ay puno ng lungkot at galit. Wala akong pakialam kung malaking grupo man sila o hindi, hanggang hindi nabibigyan ng hustisya ang kapatid ko pareho kaming hindi matatahimik. I remembered his freaking face. "Magkikita ulit ang landas namin," walang emosyon kong sagot kay James. "Paano kayo magkikita saka kung makikita pa kayo delikado," nag-aalalang sabi ni James sa akin. Isang mapait na smirked ang binigay kay James. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tinignan ko ng seryoso si James. Kapatid ko ang usapan dito. "Sabi mo maaaring ako ang target nila, kung ganoon ay sigurado akong magkikita pa kami, unahan na lang kaming mamatay dahil pagbinigyan n'ya akong pagkakataon na patayin s'ya, hindi ako magdadalawang isip na gawin iyon," walang takot kong sabi kay James. Tumalikod ako kay James, pero bago ako maglakad palayod sa kusina ay sinabi ko kay James, "Buhay ng kapatid ko ang kinuha nila, buhay n'ya ang kabayaran." Nagsimula na akong umalis sa kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD