CHAPTER 01
Natalia's point of view
"WAG kang kikilos," sabi ko kay James habang nakatalikod ito.
Nandito ako sa shooting range nila James, kababata at bestfriend ko. Pauwi na ako sa bahay galing sa trabaho sa isang resto-bar bilang waitress doon. Ngayon lang ako nakauwi ng maaga.
Biglang napaharap sa akin si James. Ngumiti ako sa kan'ya ng sinamaan n'ya ako ng tingin.
Umupo ako sa couch na nasa loob ng kulay gray na kwartong ito. Nakatayo sa depender stall si James na nagsasanay na bumaril.
"Natalia, sira ka talaga, akala ko mayroon ng pumasok na holdaper dito," sagot sa akin ni James.
Nginisihan ko lang s'ya. Masyado naman s'yang kabado. Binaba ko sa couch ang dala kong tinapay, hindi para kay James kung hindi sa kapatid kong si Jonny.
"Naks, salamat sa meryenda, hindi pa ako nag-di-dinner," nakangiting sabi ni James sa akin habang tinatanggal n'ya ang headphone sa tenga n'ya.
"Kay Jonny iyan," walang gana kong sagot kay James.
Tumayo ako sa pagkakaupo sa couch at naglakad papunta kay James. Pinitik ko ang noo n'ya bago ko kuhanin ang eye protection na suot nito at headphone na nakasabit na sa leeg n'ya.
Tumingin ako sa target retriever sabay iling ng halos daplis lang ang mga natamaan nito.
"Alam mo, masyado mong mahal si Jonny, dapat nga hinahayaan mo na mag-isa iyon; saka ilan taon na ba si Jonny? akala mong limang taon lang, eh pwede na nga mag-asawa si Jonny," natatawa na paliwanag ni James sa akin.
Kinuha ko ang modern pistol sa gun storage dito sa likuran. Naka-display iyon dito, pero ginalaw ko na. Sayang naman kung hindi gagamitin at baka mangalawang lang.
"Bagong bili lang iyan, lagot tayo kay Papa pag ginalaw ko iyan," pigil sa akin ni James.
Sinalpakan ko iyon ng magazine sabay harap kay James at tinutok ang baril sa kan'ya. Seryoso ang mukha ko, pero gusto kong matawa ng mapahinto at hindi maipinta ang itsura na pinapakita ni James sa akin.
"Mas mahal ko talaga si Jonny kesa sayo, ikaw kaya kong itumba, si Jonny, hindi," seryoso kong sagot kay James.
Tinaas nito ang kamay n'ya ng dahan-dahan. "N-nagbibiro lang naman ako, Natalia," sagot n'ya sa akin.
"Masyado ka naman kabado," sabi ko sa kan'ya.
Tinignan ko ang hawak kong modern pistol na sinasabi n'yang bago sa kanilang shooting range.
"Sa pag-mo-motor, pagkabado ka, it's either bumangga ka o matumba ka, ganoon din sa pagbaril makabaril ka ng iba o hindi mo tamaan," paliwanag ko kay James.
Muli kong tinignan ang target retriever at binalik ang tingin kay James. Tinarget ko ang ulo ng karton na hugis tao lahat ay pinaputok ko ang baril doon.
Mahina lang ang ingay na naririnig ko dahil sa suot ko na protection sa tenga. Pagkaubos ng seventeen ammo ay hinipan ko sa harapan ni James ang dulo ng baril na umuusok pa.
Bigla s'yang ngumiti at pumalakpak sa akin ng makita na n'ya na hindi nagkakalayo ang mga bala na pinakawalan ko. Isang kibit balikat ang binigay ko sa kan'ya bago ko tanggalin lahat ng nakalagay sa akin.
"Gun shooter ka talaga," masayang puri sa akin ni James.
"Hindi kasi ako duling," sagot ko sa kan'ya.
Bumalik ako sa pagkakaupo ko sa couch. Tumabi si James sa akin.
"Alam mo, kung hindi ka kilala ng mga tao pagkakamalan kang walang skill at alam," sabi sa akin ni James.
Humarap ako kay James sabay ngiti na parang isang sweet girl sabay kindat kay James.
"Alam ko na, mukha aking inosente?" pangunguna kong tanong sa kan'ya.
Marami na ang nagsasabi sa akin ng ganiyan kaya hindi na ako magugulat pa kung iyan ang sasabihin ni James.
Agad na tumango si James sa akin sabay thumbs up. "Isa kang mapanlinlang na tao," natatawa n'yang sabi sa akin.
Kinuha ko ang paper bag na mayroong laman na tinapay at tumayo na ako. "Binisita lang kita dahil alam kong nagsasayang ka lang ng bala dito," sabi ko kay James.
"Magaling ka lang ng konti sa akin," tugon ni James sa akin na nakapagbigay korte sa labi ko.
"Hindi konti," sagot ko kay James.
"Buti alam m—"
"Isang libong beses ang galing ko sayo," proud kong putol sa sinasabi ni James.
Tinalikuran ko si James, nagsimula na akong maglakad palabas ng boring na kwartong ito. Naramdaman ko ang mga yapak ni James na sumusunod sa akin hanggang sa makita ko s'ya sa gilid ng mata ko na nasa tabi ko na at sumasabay sa paglalakad sa akin palabas.
"Makapagsalita ka akala mong ilang tao na ang napatay mo. Hayop nga hindi magawang saktan," sagot sa akin ni James.
Binuksan ko ang pinto at lumabas kami. Hinarap ko muna si James bago kami tuluyan na iluwa ng kwarto na pinanggalingan namin.
"Don't try me, baka ikaw ang first," biro kong sabi kay James.
Lumiit ang tingin ko kay James dahil sa pangiti ko sa kan'ya sabay kindat sa lalaking kaharap ko.
"Akala mo naman kaya," natatawa n'yang sagot sa akin.
Hinawakan n'ya ang ulo ko at ginulo ang buhok ko na biglang na kapag seryoso sa itsura ko. Hirap ayusin ng bangs ko tapos guguluhin n'ya lang.
Hinawi ko ang kamay n'ya na nakahawak sa ulo ko at hinampas ang braso n'ya.
"Aww!" daing nito.
Sinamaan ko s'ya ng tingin habang inaayos ko ang buhok ko. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na guluhin mo na buhay ko wag lang ang bangs ko," irita ko sabi sa kan'ya.
"Lalaki ka ba?!" singhal n'ya sa akin. "Para kang lalaki sa lakas mong manghampas," sabi ni James sa akin.
Isang smirk lang ang binigay ko sa kan'ya. Tumalikod na ako at naglakad papunta sa motor ko. Kinuha ko ang helmet ko at sinuot iyon.
Sumakay na ako at papaandarin ko na sana ang motor ng maramdaman ko sa likuran ay mayroong sumakay. Kunot-noo kong tinignan si James na nakasakay na doon.
"Sabay na tayo," ngiting aso n'yang sabi sa akin.
Tinignan ko ang shooting range training nila. Tinuro ko iyon kay James.
"Sino magbabantay d'yan?" tanong ko kay James.
Balak n'ya bang malugi. Pasalamat nga s'ya at mayroon na s'yang business na gan'yan tapos pababayaan n'ya lang.
"Mukha ba akong tagabantay?" sagot nito sa akin.
Umiling na lang ako sa lalaking ito. Pinaandar ko ang motor ko iyon at mabilis na pinaharurot.
"Gusto mo ba akong ihulog?!" sigaw ni James mula sa likuran ko.
"Oo," sagot ko kay James.
Lalo kong binilisan ang pagpapatakbo ng motor dahil sa mas malakas na hampas ng hangin sa balat ko ay nawawala lahat ng pagod ko sa katawan. Madilim na rin ang kalangitan.
Ang Papa ko ang nagturo sa akin mag-motor. Kaya sa tuwing nagmo-motor ako ay s'ya ang naalala ko. Pag nakikita ko naman si Jonny si Mama ang naalala ko dahil s'ya ang kamukha ni Mama.
Dinama ko ang masarap na hangin na tumatama sa akin. Wala na rin mas'yadong dumadaan na sasakyan sa kalsada na ito kaya solong-solo ko.
Habang pauwi na kami ni James sa bahay. Mag kapit bahay lang kami nila James. Bakod lang nila ang pagitan, madalas kaming magkalaro nito at sabay na rin kaming lumaki kaya kahit anong pikon ko sa lalaking ito ay hindi ko maiwan-iwan. S'ya lang ang pinagkakatiwalaan kong kaibigan.
Naningkit ang mata ko ng mayroon akong mapansin na nakahintong kotse sa gitna ng kalsada. Mayroong dalawang lalaking nakababa sa kotse, hindi malinaw, pero sigurado akong lalaki iyon.
"Grabe nakakatakot talaga dumaan dito pag gabi na," sabi ng lalaki sa likuran ko.
Biglang lumaki ang mata ko ng inangat ng lalaki ang kamay nito na mayroong hawak na baril. Bigla kong napihit ang brake lever ng motor kahit na naka high speed ito.
Naramdaman ko ang pagsubsub ni James sa likuran ko, pero hindi ko s'ya pinansin at hindi maalis ang tingin ko sa dalawang lalaki. Hindi pa nila kami napapansin, dahil ilang metro pa ang layo namin.
"Hoy! Natalia, ano bang problema mo? Gusto mo bang ibaon ang mukha ko sa likuran mo?" inis na sigaw ni James sa akin.
"Kumapit ka!" sabi ko kay James.
"Anong sabi m—"
Bigla s'yang napahinto sa pagsasalita ng isang malakas na umalingawngaw sa kalagitnaan ng dilim at nababalot ng katahimikan na lugar ang isang putok ng baril ang narinig namin. Nagulat ako ng makita ko ang pag-ilaw ng dulo ng baril at pagtumba ng isang lalaki.
Ang hawak kong paper bag ay hinagis ko sa likuran ko kay James na kanina ko pa hawak-hawak sa kaliwa kong kamay. Mahigpit kong hinawakan ang throttle.
Hindi maliwanag ang mga mukha nila.
"H-huy! Ano pang inaantay mo, Natalia? Baka isunod tayo n'yan!" nauutal na sabi sa akin ni James.
Hindi ko inaalis ang tingin sa isang lalaki ng humarap ito sa amin. Tinutok nito ang baril sa direction namin ni James kaya wala na akong sinayang na oras pa at niliko ko na ang motor at pinaharurot iyon palayo sa lugar na 'yon.
Bigla kaming pinaulanan ng bala kaya napapayuko ako ng konti.
"Heck! Katapusan na yata natin!" kinakabahan na sabi ng kasama ko.
"Wag ka ngang magulo!" sigaw ko kay James dahil sa likot nito sa likuran ko.
Nawawalan ako ng balanse dahil sa gulo n'ya. Tinignan ko ang likuran namin kung sumusunod ba ito sa amin, pero mukhang hindi naman dahil walang ilaw ng kotse ang nakikita ko.
"Natalia!" sigaw ni James sa pangalan ko.
Pagkaharap ko sa daan ay mayroong isang lalaking nakaharang ang motor sa dadaanan namin. Pipihitin ko na sana ang brake, pero nakita kong mayroon itong hinuhugot sa likuran n'ya kaya ay lalo ko pang binilisan ang takbo ng motor.
"Katapusan na yata ng mundo!" sigaw ni James.
Ang lalaking ito. Akala mong bakla. Nakakairita pa ang ingay n'ya dapat kasi 'di ko na s'ya sinabay. Humugot ang lalaki ng baril kaya bigla kong pinihit ang preno ang motor, pero dahil sa bilis ay hindi iyon mapahinto kaya ginawang sixty degree ang position hanggang dumudikit na ang motor sa kalsada.
Tumalon ako sa motor nakita ko si James na walang ginagawa kaya hinila ko ang damit nito para hindi s'ya mapasama sa motor. Sabay kaming bumagsak sa kalsada. Nagkaroon ako ng gasgas sa binti ko at braso.
Tumama ang motor namin sa motor ng lalaki kaya natumba din ito. Tumakbo ako papunta doon sa lalaki. Agad kong nakita ang baril na nabitawan n'ya na nakalapag sa kalsada.
Balak na abutin iyon ng lalaki, pero tumakbo ako papunta sa baril. Inapakan ko ang kamay ng lalaki at sinimulan kong baklasin ang kalibre na baril.
"Ahhh!" daing ng lalaki.
Pagkakalas ko ay tinapon ko sa kalsada ang mga parte noon. Naka-mask ang lalaki kaya nilapitan ko ito at umupo para tanggalin ang mask n'ya ng itulak n'ya ako dahilan ng pag-upo ko sa sahig.
Tumayo ang lalaki kaya agad na rin akong tumayo. Susugod s'ya sa akin, pero agad ko itong sinipa sa mukha dahilan ng pagbagsak n'ya.
Kumunot ang noo ko ng makita na hindi na ito bumangon. Sinuot ko ang buhok ko sa gilid ng tenga ko ng mapangisi dahil sa bilis nitong mawalan ng malay o baka masyadong napalakas ang sipa.
Lalapitan ko sana ang lalaki kung buhay ba iyon, pero bigla kong naalala na mayroon pala akong kasamahan. Napatakbo ako kay James ng makita itong walang malay na nakahiga sa kalsada.
Hinawakan ko ang ulo nito kung mayroong dugo, pero nakahinga ako ng maluwag na wala naman. Pinagulong ko si James sa kalsada para i-check kung mayroon ba itong tama, pero okay naman ito bukod sa mga gasgas na natamo n'ya.
"James!" tawag ko sa pangalan ni James.
Chineck ko ang pulso n'ya. Buhay pa naman.
Kinuha ko ang motor ko. Kinuha ko ang braso ni James at hinila s'ya papunta sa motor. Mas'yadong mabigat si James. Hinubad ko ang suot na damit ni James at tinali ko si James sa akin para hindi ito mahulog sa motor.
Pinatakbo ko ang motor papunta sa pinakamalapit na hospital. Kinakabahan ako na baka mamatay na ang kaibigan ko. Iniwan ko na ang lalaking nakahandusay sa kalsada na walang malay. Hindi naman s'ya mamamatay doon, sigurado naman akong mayroong makakakita sa kan'ya doon. Pero isa lang ang sigurado ako, kasamahan n'ya ang lalaking nakita namin na bumaril sa isa pang lalaki.