CHAPTER 05

2009 Words
Natalia's point of view "JONNY!" sigaw ko sa pangalan ni Jonny. Tumingin ako sa paligid ko para hanapin si Jonny. Sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko ay parang lalabas na sa dibdib ko ang puso ko. Mabilis akong bumaba sa motor para hanapin si Jonny. Pagbaba ko sa motor ay parang gumuho ang mundo ko ng makita ang natitira kong pamilya sa kalsada na nakahandusay ay puno ng dugo ang dibdib nito. Biglang tumahimik ang paligid ko at wala na akong ibang nakikita kung hindi ang kaisa-isa kong kapatid na nakahiga sa kalsada. Kusang tumulo ang luha sa mata ko dahil sa nakikita ko ngayon, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko na makita ang kapatid ko sa ganoong position. "Jonny!" sigaw ko. Mabilis akong tumakbo palapit kay Jonny. Nanginginig ang kamay, napaluhod na lang ako sa harapan ni Jonny. "W-wala akong maramdaman, Ate!" nahihirapan na sabi ni Jonny sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Bakas sa mukha ni Jonny ang sakit na nararamdaman n'ya. Hindi ako makapag-isip ngayon. "D-dalin kita sa hospital!" umiiyak kong sabi kay Jonny. Hinawakan ko si Jonny na puno na ng dugo sa katawan n'ya. "Mahal kita, Ate," nahihirapan na sabi ni Jonny. Natigilan ako sa sinabi ni Jonny. Dahan-dahan na pumikit ang mata ni Jonny kaya hinawakam ko ang mukha n'ya. "Jonny!" sigaw ko at pilit ma ginigising si Jonny. Wala na akong pakialam kung nagkakagulo ang paligid ko o tamaan man ako ng bala. "Tulong please!" sigaw ko. Patuloy ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko ngayon. "Jonny, please wag mo akong iwan," umiiyak kong sabi. Tumingin ako sa paligid ko para humingin ng tulong, pero napatingin ako sa isang lalaking nakasuot ng white long sleeve at napansin ko ang hawak n'yang baril. Tinignan ko ang mukha ng lalaki na naglalakad papunta sa isang gray na kotse, pero bago s'ya tuluyang makapasok sa loob ng kotse ay tinignan n'ya ako. Bigla akong naghinala sa lalaking mayroong hawak na baril ng bigla n'ya akong nginisihan at kinindatan. "You— Tigil!" sigaw ko sa lalaki ng pumasok na s'ya sa loob ng kotse. Tumayo ako para pigilan ang lalaki dahil alam kong mayroon s'yang kinalaman dito at maaaring s'ya ang bumaril sa kapatid ko. Mabilis na tumakbo ang kotse palayo kaya hindi ko na ito naabutan. "Fvck!" inis kong sabi. Bumalik ang tingin ko kay Jonny kaya tumakbo ako palapit sa kan'ya. Wala akong panahon para hindi makapag-isip ngayon, pero natatakot ako para kay Jonny. "Jonny, gumising ka!" sigaw ko kay Jonny. Pero hindi na s'ya sumasagot sa akin. Puno na ng dugo ang kamay at ang damit ko dahil kay Jonny. Tumutulo ang luha ko na binuhat si Jonny at naghahanap ako na pwedeng tumulong sa amin. "Tulong!" sigaw ko. Pero ang mga tao ay nagtatakbuhan na dahil sa takot nila. "Natalia!" rinig kong sigaw sa pangalan ko. Tinignan ko kung sino ang tumawag sa akin at lalo akong naiyak ng makita ko si James. Agad akong tumakbo kay James na buhat si Jonny na walang malay. Bakas sa mukha ni James ang pagkabigla ng makita si Jonny. "Dalin na natin s'ya sa hospital!" nag-papanic na sabi ni James sa akin. Kinuha ni James si Jonny sa akin at s'ya na ang bumuhat kay Jonny. Tumakbo si James kung saan kaya sumunod ako sa kay James. Kahit anong gawin ko ay hindi maalis sa takot na baka mayroong mangyaring hindi maganda sa kapatid ko. Sumakay si James sa kotse n'ya kaya agad akong sumunod sa loob ng kotse. Nanginginig ang kamay ay tuhod ko dahil sa takot. "Okay lang s'ya, hindi ba?!" umiiyak kong tanong kay James. "Jonny, wag kang bibitaw!" sabi ni James kay Jonny kaya lalo tumulo ang luha sa mata ko. Nagsimula ang pagtakbo ng kotse at nasa back seat kami ni James. Hinawakan ko ang kamay ni Jonny, gusto kong maramdaman ni Jonny na nandito lang ako sa tabi n'ya, hindi ko s'ya iiwan. "Wag mo akong iwan, Jonny, please," nagmamakaawa kong sabi habang patuloy ang pagtulo ng mga luha sa mata ko. Tinignan ko si James na hinawakan n'ya ang leeg ni Jonny gamit ang daliri n'ya. Tumingin ako kay James na hindi maipaliwanag na reaction sa akin. "B-bakit?!" taka kong tanong kay James. "No pulse rate, fvck, Henry bilisan mo!" sigaw ni James sa driver n'ya. Para akong nabingi sa sinabi ni James. Ayokong maniwala sa sinasabi ni James dahil hindi ako iiwanan ni Jonny. Birthday n'ya ngayon kaya dapat masaya kami. Inihiga ni James sa upuan si Jonny. Lalo akong nanlumo ng makita ng dalawang mata ko ang paghiwalay ng kamay namin ng kapatid ko. Wala akong magawa kung hindi ang umiyak sa isang tabi na puno ng takot at pangamba. Nag-conduct ng CPR si James kay Jonny, pero ako ay nakatulala na lang dito sa pwesto ko. Puno na ng dugo si James at pagod na pagod na s'ya sa pag revive kay Jonny hanggang sa muling tinignan ni James ang pulse rate ni Jonny. "f**k!" sigaw ni James at napasuntok na lang sa upuan. Napahawak ako sa bibig ko at umiiling. Ayokong maniwala sa lahat ng nangyayari ngayon. "Hindi!" sigaw ko kay James. Nilapitan ko si Jonny at niyakap ko s'ya. "Walang iwanan, Jonny! please gumising ka na!" nagsusumamo kong sabi. Walang makakapag describe kung gaano kasakit ang nasa puso ko ngayon. Hindi ito totoo, gusto ko ng gumising sa bangungot na ito. Naramdaman ko ang yakap ni James sa akin, pero hindi ko pa rin binibitawan ang katawan ni Jonny. S'ya na lang ang dahilan kung bakit ako magsusumikap sa buhay, si Jonny na lang ang dahilan ko para umuwi ng bahay. "Lord! Please ako na lang, wag na si Jonny!" nagmamakaawa kong sabi. Dumating kami sa hospital, pero alam ko na ang lahat, pero hindi ko kayang tanggapin. Binuhat ni James si Jonny. Agad akong lumabas ng kotse at pumasok kami sa loob. Nagkakagulo sa loob ng hospital dahil lahat ng mga nasugat kanina sa nangyari ay dito dinala. Nakita ko ang isang nurse na nagmamadali na papalapit sa amin kaya agad kong nilapitan ang nurse. "'Yung kapatid ko—" "Sorry, Ma'am, kailangan po ako sa emergency room!" nagmamadaling sagot ng nurse sa akin. Tinignan ko ang ibang nurse na lahat ay abala sa mga ibang pasyente. Tumingin ako kay James na wala na sa tabi ko. Agad kong hinanap si James at nakita ko si James na nakatayo sa isang tabi na mayroong tinitignan. Agad akong napalapit kay James. Nakita ko si Jonny na pinapalibutan ng mga nurses at doctor. Nirerevive pa rin si Jonny, pero ng makita ko ang pag-iling ng doctor ay bigla na lang akong napayakap kay James. Niyakap ako pabalik ni James. "He's with his parent," malungkot na bulong ni James sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mahigpit kong niyakap si James. Bakit ang kapatid ko pa? sa dami ng tao doon, bakit kapatid ko pa? "Natalia!" rinig kong sigaw sa pangalan ko hanggang lumabo ang paningin ko. "J-jonny!" huling bigkas na nasambit ko bago mag-black out ang paligid ko. - Isang mabigat na pakiramdam ang gumising sa akin. "Jonny!" sigaw ko. Bigla akong napabangon dahil sa bigla kong naalala si Jonny. Tumingin ako sa paligid ko, tinignan kung nasaan ako at napagtanto ko na nasaloob ako ng kwarto ko. "Panaginip lang ang lahat?!" tanong ko sa sarili ko. Tinanggal ko ang kumot na nakacover sa akin. Balak kong tumayo ng mapalingon ako sa pinto ng kwarto ko na biglang bumukas. Nilabas noon si James na mayroong dalang pagkain. "Buti naman nagising ka na, kahapon ka pa walang malay, nag-alala ako sayo ng bigla ka na lang pass out sa hospital," sabi ni James sa akin. Muli akong nanghina ng marinig ang sinabi ni James. Napaupo ako sa kama at nareliaze ko na totoo ang lahat. "Si Papa na daw ang bahala sa funeral ni Jonny," saad pa ni James. "Totoo ang lahat?!" naluluha kong tanong kay James. Tulala lang ako, akala ko ay panaginip lang ang lahat, akala ko sa paggising ko ay kasama ko na ulit si Jonny, pero totoo pala ang lahat. Tumulo ang luha ko, hindi ko na pinigilan dahil ngayon ay nag-iisa na lang ako. "Wag kang mag-alala, iniimbistigahan ang lahat ng nangyari, mahuhuli rin ang gumawa noon kay Jonny," sabi ni James sa akin. Umupo si James sa tabi ko at nag-aalalang nakatingin sa akin. Puno ng lungkot akong tumingin kay James. "Bakit hindi na lang ako?" naghihinagpis kong tanong sa kaibigan ko na nasaharapan ko. "Aksidente ang lahat, walang nakakaalam na mangyayari iyon," mahinahon na sagot ni James sa akin. Hindi ko pinupunasan ang luha ko sa pagtulo at hinahayaan ko lang s'ya. Bawat patak ng luha ay katumbas ng kalungkutan ko sa pagkawala ni Jonny. "Masyado pang bata si Jonny, marami pa kaming gustong gagawin," humahagulgul kong sabi. Hindi ko na kayang pigilan ang emosyon ko. Parang mayroong pumipiga sa puso, sana kaya kong ibalik ang nakaraan. Naramdaman ko ang pagyakap ni James sa akin kaya lalo akong naiyak. "Nag-iisa na lang ako!" umiiyak kong sabi. Mahigpit akong yumakap kay James. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula ngayon sa buhay ko dahil iniwan na ako ng pamilya ko. Iniwan nila ako ng hindi dahil sa sakit kung hindi sa isang accident. Akala ko ay hindi mauulit ang nangyari sa magulang ko, pero bakit nangyari kay Jonny? "Nandito lang ako lagi sa tabi mo, Natalia, hindi kita iiwan, okay?" rinig kong sabi ni James sa akin. "Bakit nangyayari sa akin ito?" tanong ko kay James. "Hindi ko alam, pero ang alam ko lang ang lahat ng nangyayari ay mayroong dahilan," paliwanag ni James sa akin. Hindi ko alam kung ano na ang dahilan ko para magpatuloy sa buhay ko. Wala na akong pamilya, iniwan na ako. Nanghihina ako, wala akong lakas, namatay ang kapatid ko sa tabi ko na wala man lang akong nagawa para sa kan'ya. Hindi ko natupad ang pangako ko sa magulang na hindi ko pababayaan ang kapatid ko. "Masmabuting kumain ka muna, pinagluto kita," sabi ni James sa akin. Kumalas si James sa pagkakayap sa akin. Tumingin s'ya sa akin, hindi ko alam kung ano ang itsura ko ngayon sa harapan ni James, pero buti na lang nandito si James para damayan ako. "Wala akong ganang kumain," matamblay kong sagot kay James. Muli akong humiga sa kama. Wala akong ganang kumain o tumayo. Lalo akong naiiyak sa tuwing naalala ko na walang tatawag sa akin para paalalahanan akong mag-ingat, wala ng sasalubong sa pag-uwi ko, wala na akong ihahatid sa school; hindi ko na makikita ang ngiti nu Jonny, hindi ko na makikita at mararandaman ang kakulitan ni Jonny; Wala ng magtatanong kung kumain na ako, wala ng tatawag kung pauwi na ba ako galing sa trabaho. "Sige, masmabuting magpahinga ka muna, nasa labas lang ako pag kailangan mo ako," sabi ni James sa akin bago ko marinig ang yapak ng mga sapatos n'yang naglalakad palabas ng kwarto ko. Mariin akong napapikit dahil ang dami kong mami-miss kay Jonny, lalong sumasakit ang puso ko sa tuwing iniisip ko na wala na si Jonny na kahit kailan ay hindi ko na s'ya makikita pa ay parang wala ng kwenta pa ako dito. Kinuha ko ang unan at niyakap ko iyon. Patuloy pa rin ang luha ko sa pagtulo, hindi ko alam kung titigil pa ba ang pagtulo nito. Ang sakit sa puso ko ay hindi ko alam kung gagaling pa ito. Kukunin rin pala ang lahat ng pamilya ko, bakit hindi pa ako sinama? Tumingin ako sa taas ng kisame at nakatulala lang ako doon. Sana namatay na lang din ako, ayokong mabuhay mag-isa ng puno ng kalungkutan ang lahat, puno ng pasakit sa puso. "Jonny, please balikan mo na ako! please bumalik ka na sa tabi ko! mamimiss kita, kapatid ko!" nagsusumamo kong sabi. Lalo akong napaiyak. Rinig sa tahimik na apat na sulok ng kwarto ko ang sakit ng ingay na bawat pag-iyak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD