Natalia's point of view
TINIGNAN ko ang papalubog na araw sa kalangitan, kulay orange na ang sinag ng araw na nagkalat sa paligid. Pinikit ko ang mata mo habang dinadama ang malamig na hangin na dumadampi sa balat ko.
Wala akong naririnig kung hindi kapayapaan. Nakaupo ako sa damuhan, nandito ako ngayon kung saan ko nilagay ang mga abo ng magulang at kapatid ko.
"Ate!"
Napayukom ang kamao ko ng marinig ko ang boses ng kapatid ko sa isipan ko. Muli kong naramdaman ang tubig sa mata ko na unti-unting bumabagsak sa pisnge ko.
Isa sa kinakatakot ko ang maging mag-isa na lang ako, pero ngayon ay mag-isa na lang ako. Hinayaan ko ang sakit ng tubig na bumababa sa mga mata ko.
Ilang araw na simula ng mawala si Jonny, pero ang sakit ay nananatili pa rin dito sa puso ko, hindi ko alam kung paano matatanggal ito o matatanggal pa ba ang sakit ng iniwan ng trahedya na iyon.
Biglang dumilat ang mata ko ng mayroon akong maramdaman na papalapit sa akin. Agad kong pinunasan ang luha ko gamit ang daliri ko.
Nilingon mo kung sino ang papalapit sa akin at nakita ko si James na paparating sa lugar ko.
Nakasuot s'ya ng plain white shirt at plain maroon cotton short. Mukhang nasa bahay lang s'ya at naisipan n'yang pumunta dito.
Inayos ko ang sarili ko dahil ayoko ng makita ng ibang tao na umiiyak ako.
Nakangiting naglalakad si James sa akin habang mayroong dalang pizza box at soft drinks.
"Akala ko nasa bahay ka lang, pero buti na lang at alam ko na ang amoy mo kaya nahanap kita," masiglang sabi ni James sa akin.
Tinignan ko lang ng seryoso si James hanggang sa umupo s'ya sa tabi ko. Iniba ko ang tingin ko mula sa kan'ya ay nilipat ko ang tingin sa ilog na payapang umaagos.
Huminga ako ng malalim.
"Anong ginagawa mo dito?" seryoso kong tanong kay James habang hindi nakatingin sa kan'ya.
Narinig ko ang pagbukas ng isang softdrink at napatingin ako sa harapan ko ng itapat ni James ang isang bukas na softdrink sa harapan ko.
"Malamang sasamahan kita," sagot ni James sa akin.
Seryoso kong tinignan si James. Gusto kong matawa sa lalaking ito dahil araw-araw n'ya na lang akong pinupuntahan. Hindi ko alam kung mayroon ba s'yang GPS na nakakabit sa akin para mahanap ako.
Kinuha ko ang softdrink na binigay n'ya sa akin.
"Cheers!" masiglang sabi ni James sa akin.
Tinaas ni James ang hawak n'yang bote kaya natawa ako ng konti sa lalaking kaharap ko.
"Hindi mo na kailangan sundan ako kung saan man ako magpunta," sabi ko kay James sabay pinagdikit namin ang bote na hawak namin.
Uminom ako ng konting softdrink bago muling pagmasdan ang paligid. Walang mas'yadong nakakapunta sa lugar na ito dahil tago. Ang papa ko ang nagsabi sa akin ang lugar na ito at ito rin ang favourite kong lugar dahil mararamdaman mo ang kapayaman na gusto mo.
"Kinakabahan kasi ako sayo," tugon ni James sa akin.
"Kaya ko sarili ko, saka kung magkikita man kami ng lalaking iyon..." Tumigil ako sa pagsasalita, tinignan ko si James.
"Ano gagawin mo?" tanong ni James sa akin.
"Hindi ko alam kung ano ang kaya kong gawin," walang gana kong sagot.
Muli akong umiwas ng tingin kay James at uminom ng malamig na softdrink na hawak ko.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni James sa gilid ko kaya binalik ko ang tingin sa kan'ya. Bakit naman s'ya natawa sa sinasabi ko? Hindi ako nagbibiro kay James.
umiiling si James na nakatingin sa malayo. Kunot-noo ko s'yang tinignan dahil nakakapikon ang ngiti n'ya.
"Alam kong kaya mo ang sarili mo kaya nag-aalala ako sa mga taong sinasabi mo," natatawang saad ni James sa akin.
Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi n'ya, biglang uminit ang ulo at nainis na lang bigla kay James.
Tinapon ko ang hawak kong softdrink sa damuhan para tumapon ang liquid na laman ng bote.
Sinamaan ko ng tingin si James, taka n'ya naman akong tinignan na parang hindi n'ya alam ang dahilan ko.
"Bakit?" inosenteng tanong n'ya sa akin. "Mayroon ba akong nasabing mali?" dagdag pa n'ya.
Huminga ako ng malalim, tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. Malapit ng magdilim kaya kailangan ko na rin umuwi.
Tumayo si James para pumunta sa tapat ko. Isang matalim ng tingin ang binigay ko sa kan'ya.
"Hindi pa natin nakakain ang pizz-"
"Bakit ka mag-aalala sa taong pumatay ng walang muwang na bata?!" inis kong tanong kay James.
Biglang umamo ang mukha ni James dahil sa tanong ko, mukhang na-realize n'ya ang sinabi n'ya sa akin.
Wala yatang balak sumagot si James kaya nagbalak na akong aalis, pero hinawakan n'ya ang braso ko para pigilan n'ya ako sa paglalakad.
"Sorry, mali 'yung sinabi ko. Gusto ko lang naman na sumaya ka na," sagot ni James sa akin.
Hinawakan ko ang kamay ni James na nakahawak sa braso ko habang seryoso ang tingin sa mata n'ya.
"Sa tingin mo ba sasaya ako sa sinabi mo? Hindi! Pinikon mo lang ako!" irita kong sagot sa kan'ya.
Tumalikod ako kay James, nagsimula akong maglakad paalis, pero ilang hakbang palang ang nagagawa ko ng magsalita si James dahilan ng pagtigil ko sa paglalakad.
"Ituloy mo na kasi ang buhay mo, nag-aalala na ako sayo dahil lagi ka na lang ganiyan!" sigaw ni James sa akin.
Pinipigilan ko ang luha sa mata kong nagbabadya na naman tumulo. Huminga ako ng malalim bago harapin si James.
"Paano ko itutuloy ang buhay ko kung mag-isa na lang ako?!" sigaw ko sagot kay James.
Kasabat ng salitang sinabi ko ng muling pagbagsak ng luha sa mata ko, marahan kong pinunasan iyon at seryoso kong pinagmasdan si James.
Wala akong oras makipagbiruan ngayon. Hindi na alam kung saan ko ilulugar ang sakit na nararamdaman ko.
Isang linggo ng wala si Jonny at hanggang ngayon sariwa pa rin ang sugat ng pagkawala ni Jonny.
"Kaya nga, mag-isa ka na lang kaya wala ng tutulong sayo kung hindi ang sarili mo!" sagot ni James sa akin.
Tinignan n'ya ako, naglakad s'ya palapit sa akin. Iniwas ko ang tingin kay James at muling pinunasan ko ang luha sa mata ko.
"Hindi magugustuhan ni Jonny kung palagi ka na lang malulungkot, kaibigan mo ako kaya nasasaktan din ako sa tuwing nakikita kitang ganiyan," mahinahon na sabi ni James sa akin.
Hinawakan ni James ang magkabilang balikat ko, tinignan n'ya ako sa mata ko at nilapit n'ya ang kamay n'ya sa mukha para punasan ang luha sa pisnge ko lalong bumuhos ang luha ko ng hilahin ako ni James palapit sa kan'ya at kinulong ako sa bisig n'ya.
"Wag kang mag-alala, pinangako ko kay Jonny na nandito lang ako para sayo," bulong ni James sa akin.
Niyakap ko pabalik si James. Padilim na ang paligid namin. Naramdaman ko ang paghimas ni James sa likod ko na nakakapagpagaan sa kalooban ko.
All this time we're been together for each other, I'm lucky to have friend like James. Kahit na madalas kaming magkainisan dahil sa isa't-isa, but I know myself that James is one of my special person in my life.
"Tumigil ka na sa pag-iyak naiiyak na rin ako, baka pagkamalan pa ng taong makakakita sa atin ay bakla ako."
Bigla akong mahinang natawa sa sinabi ni James. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kan'ya at pinunasan ko ang luha ko na nagkalat na sa mukha ko.
James felt me that I'm not alone even Jonny was gone. I chuckled when I peek James wiping his cheek secretly.
He shifted his gaze on me. "Ang pangit mong umiyak," natatawang sabi ni James sa akin.
Patuloy lang ako sa pagpunas ng luha ko hanggang sa tumigil na rin ang paluha ng mga mata ko.
"Maspangit ka pag umiiyak," tugon ko kay James sabay mahinang tawa.
Nakita kong kinuha ni James ang panyo sa back pocket ng short na suot n'ya. Kinuha ko ang panyo ni James ng walang paalam at pinapunas ko iyon ng sipon ko.
"Seryoso ka ba?" hindi nakapaniwalang tanong ni James sa akin.
Tipat ko sa harapan ni James ang panyong mayroon ko ng sipon para ibalik sa kan'ya. Napailing na lang si James sa akin.
"Pasalamat ka talaga, kaibigan kita," sagot ni James sa akin.
Lalo akong napangiti ng ginamit n'yang pamunas sa sipon n'ya ay ang suot nitong puting damit dahil umiiyak rin s'ya kanina.
Iyakin rin si James, madalas kaming umiyak magkasama lalo na pag mayroong malaking problema sa isa.
"Salamat," seryoso kong sabi kay James.
Bigla s'yang napatingin sa akin.
"Tang ina! Grabe kinikilabutan ako sayo!" masayang sabi ni James sa akin.
Ngumiti ako ng konti kay James. "Seryoso salamat," sabi ko pa kay James.
Ginulo ko ang buhok ni James at tinapik ang braso n'ya.
"Hindi ako sanay sayo pag ganiyan ka kabait. By the way, I know, one day will come that everything's go back in normal," nakangiting sabi ni James sa akin.
Hindi ko alam kung babalik ba sa normal ang lahat lalo na't wala na si Jonny. Sa tingin ko ay hindi na magiging normal ang lahat.
"Okay! Nakita na kitang ngumiti, saan mo gustong pumunta bukas? Lilibre kita sabihin mo lang sa akin," inbita ni James sa akin.
Tinignan ko si James na naglakad papunta kung nasaan ang kahon ng pizza bago pumunta pabalik sa pwesto ko.
"Gusto mong kumain tayo sa labas?" tanong pa ulit ni James sa akin.
Binuksan ni James ang box ng pizza at binigyan ako ng isang slice na agad kong kinuha. Nagsimula kaming maglakad paalis sa tabi ng ilog para umuwi na dahil tuluyan ng nawala sa kalangitan ang araw.
Habang naglalakad kami ni James ay umiling ako sa kan'ya.
"Babalik na ako sa trabaho bukas," sagot ko kay James.
S'ya na rin ang nagsabi na magpatuloy ako sa buhay ko.
"Kaya mo na? Okay lang naman kung wag ka munang bumalik, kakausapin ko ang manager mo," sabi ni James sa akin. "Maiintindihan naman nila ang situation mo ngayon," dagdag na saad ni James.
Umiling ako kay James. Kumagat ako sa pizza na binigay n'ya na pepperoni ang flavor sa akin.
"Naubos ang ipon ko dahil sa bill sa hospital ni Jonny kaya kailangan kong bumalik sa trabaho," sagot ko kay James.
Medyo malaki ang binayaran ko sa hospital kasama na ang cremation n'ya.
"Tsk! Ano pang silbi ng pagiging magkaibigan natin? Bibigyan kita, magkano ba gusto mo?" alok ni James sa akin.
Tinignan ko ang hawak ni James na kahon na pinasa sa akin, agad ko namang hinawakan iyon. Napahinto ako sa paglalakad ng makitang mayroon s'yang kinukuha sa bulsa n'ya.
Pagkahugot ni Jamas ay nakita ko ang black leather wallet n'ya, binuksan n'ya iyon at balak na kumuha ng pera ng mahina kong hinampas ang karton na hawak ko sa ulo n'ya.
"Ahh!" gulat n'yang banggit dahil sa ginawa ko.
Sinamaan ko s'ya ng tingin ng tumingin s'ya sa akin.
"Hindi ako nanghihingi sayo, saka hindi ako pulubi para bigyan mo ng pera. Kaya kong magtrabaho sa sarili ko," sabi ko kay James.
Nagpatuloy ako sa paglalakad ko dahil baka ihampas ko na kay James ang kahon ng pizza.
"Gusto ko lang na tumulong!" sigaw ni James sa akin.
Alam kong sumunod s'ya sa akin hanggang sa maramdaman ko na lumapit na si James sa tabi ko at muli kaming naglakad papunta sa kotse n'ya.
"Salamat na lang, pero kaya ko ang sarili ko..." Huminto ako sa paglalakad ko ng makarating ako sa tapat ng kotse ni James.
Sinundan ko ng tingin si James na naglalakad papunta sa side ng driver seat, nakatingin ako kay James sa kabilang side nitong kotse.
"Gusto ko rin na magtrabaho na dahil sa tuwing nag-iisa ako sa bahay ay lalo ko lang nami-miss si Jonny, masmabuting maging abala na lang ako sa trabaho," seryoso kong pagpapatuloy na saad kay James.
"Okay, I let you work if doon ka magiging okay," sagot ni James sa akin.
Ngumiti ako sa kan'ya. Buti na lang at mabilis makaintindi si James.
"Shooting range?" tanong ni James sa akin.
"I'm in!" nakangiti kong sagot bago ako pumasok sa loob ng kotse.