CHAPTER 14

2034 Words
Natalia's point of view DALA ko na ang ilang gamit. Mayroon pa akong dalawang oras bago bumalik sa bahay ng mga Parelta. Bago ako umalis dito ay gusto kong makita si James. Hindi ko alam kung ito na ang huling pagkikita namin, pero kung maswerte ako baka magkita kami, pero kung hindi malas. Naglakad ako papunta sa main gate nila. Pader lang ang pagitan ng bahay namin, isang malaking pader. Padating ko sa tapat ng gate ay agad akong nag-doorbell. Malaki ang bahay nila, pero kumpara sa bahay ng mga Parelta ay masmalaki iyon. "Magandang araw po, Yaya Aira," bati ko kay Yaya Aira ng pagbuksan n'ya ako ng gate. S'ya ang nag-alaga kay James. "Ikaw pala, Natalia. Pasok ka," pagpapatuloy ni Yaya Aira sa akin. Agad naman akong pumasok sa loob. "Ano po ba ang ginagawa ni James?" tanong ko kay Yaya Aira habang naglalakad kami papasok sa loob ng bahay ng mga Gonzales. "Ngayon lang nagising ang batang iyon, lasing umuwi kaninang umaga," sagot ni Yaya Aira sa akin. Pagpasok namin sa bahay ay mayroon na akong ingay na naririnig. Dinala ako ni Yaya Aira sa dining room ng mga Gonzales. "Wala ka bang matinong gagawin sa bubay mo?!" galit na sigaw ng papa ni James na si Tito Hernando. Napatigil ako sa paglalakad ko. Nakaupo si James habang kumakain ito at mukhang hindi iniintindi ang sinasabi ni Tito Hernando. "Isang anak na nga lang ang binigay sa akin ay palpak pa," inis na saad ni Tito Hernando. "Walang mangyayari sa 'yo sa pagbabantay mo sa shooting range na iyon!" "Ayoko ngang gawin ang gusto mo!" galit rin na sagot ni James. Hindi na sana ako makikialam ay pero hindi rin naman tama na sigawan n'ya ang papa n'ya. Hindi ako napansin ni James na papalapit ako dahil ang mata n'ya ay nasa pagkain. Hinampas ko ang ulo nito at muntik ng masubsob sa pagkain n'ya. "Tang-in—" Pinanlakihan ko nang mata si James ng balak n'ya akong murahin. "Anong ginagawa mo dito?" tanong n'ya agad sa akin. "Magandang tanghali po, Tito," sabi ko kay Tito. "Magandang hapon," bati ni Tito sa akin. Tinignan ko si James na nakasimangot na. "Mag-uusap tayo mamaya," saad ni Tito kay James bago ito umalis ng dining room. "Ano bang ginagawa mo?" tanong ko kay James. Kinuha ko ang plato n'ya para kumain na rin. Dahil sa nangyari ay nakalimutan ko ng kumain. "P'wede ka namang kumuha ng sarili mong pagkain. Bakit nang aagaw ka pa?" singhal nito sa akin. Hinarap ko si James na halatang bagong gising pa lang. "Ayaw ba nito Tito sa business mo?" tanong ko kay James. Wala naman sinasabi si James sa akin kaya akala ko ay maayos s'ya. "He thoughts that was wasting a time," sagot ni James sa akin. Tinapik ko ang balikat n'ya. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit s'ya naglasing kagabi at madalas na magbantay sa shooting range n'ya. "Just do your best," payo ko kay James. Pinagpatuloy ko ang pagkain ko. Kumuha na rin s'ya ng sarili n'yang pagkain. "Okay ka na ba?" tanong ni James. "Hindi pa," sagot ko agad. Hindi ako magiging okay hanggang walang nagbabayad sa nangyari sa kapatid ko. "Mayroon akong bagong trabaho," saad ko kay James na hindi tumitingin sa kan'ya. "Lahat ba ng trabaho ay balak mo ng kuhanin?" tanong ni James sa akin. "Kailangan ko ng pera para sa kaso ni Jonny," sagot ko kay James. Hindi ko na sasabihin kay James ang lahat para hindi na ito madamay, pero alam kong hahanapin n'ya ako. "Stay in ako, bilang bodyguard kaya wag mo na akong pupuntahan sa bahay," paliwanag ko kay James. "What the heck?" Hinarap ko si James. Tapos na ako kumain kaya ininom ko na rin ang juice n'ya. Kailangan ko ng umalis dahil baka hanapin na ako doon. "Seryoso ka ba?" tanong n'ya pa sa akin. "Oo. Tawagan na lang kita pag nandoon na ako," paalam ko kay James bago ako tumayo. "Wag mo nga akong binibiro," hindi naniniwalang saad ni James. "Maniwala ka man o hindi, sa tingin mo mayroon akong paki?" nakangisi kong tanong kay James. "Sige na," paalam ko. Lumabas na ako sa bahay nila. Kailangan kong pang magpaalam sa boss ko sa pinagtatrabahuhan kong restaurant. Motor ang gamit ko para papunta doon. Mabilis ang pagpapatakbo ko at sa hangin na tumatama sa mukha ko ay gumagaan ang pakiramdam ko. Pagdating mo sa restaurant ay agad akong nagpaalam sa boss ko. Marami s'yang tinanong sa akin, pero dahil nagmamadali na rin ako ay gusto ko lang magpahinga muna ang sagot ko sa kan'ya. After kong magpaalam ay lumabas na ako sa restaurant. Tumapat ako sa harapan noon para tignan ko sa huling pagkakataon. Dito ko kinuha lahat ng pangangailangan namin ni Jonny kaya isang malaking parte sa akin ang restaurant na ito. Muli akong sumakay sa motor ko para bumalik na sa bahay ng mga Parelta. Pagliko ko ay muntik ko ng masagasaan ang isang babae. "Ano ba?!" galit na sigaw ng babae sa akin. Pagtingin ko sa kan'ya ay napakunot ang noo ko hindi dahil sa babae, pero sa kasamahan nitong lalaki. "Wow! Sinusundan mo ba ako?" nakangising tanong ni Gray sa akin. Sa likod n'ya ay mayroon itong kasama na tauhan n'ya. "Pasyensya na, Miss," paghingi ko ng pasensya doon sa babae. "Nagsasalita ka pala," natatawang saad ni Gray sa akin. Hindi ko na s'ya pinansin at umalis na ako sa lugar na iyon dahil sa nakaramdam na naman ako ng galit. Ayokong gawing basta-basta ang lahat, pagplaplanuhan ko ng mabuti ang pagpatay ko kay Gray. Lalo kong binilisan ang pag-andar ng motor ko. Gray's point of view "KINILIG siguro s'ya sa akin?" nakangiti kong tanong habang ang mata ko ay nakatingin sa kan'ya na papalayo na. "Sino iyon, Babe?" tanong ng babaeng kasamahan ko. Tinignan ko s'ya at ngumiti ako kay... anong pangalan nito? "Wala, Babe. Bagong tauhan lang namin sa bahay," sagot ko sa babaeng kasama ko. Hinawakan ko ang kamay n'ya at sabay kaming naglakad papunta sa unit n'ya. Kasunod ko si Jefferson, pero marami pa akong tauhan sa paligid. Ang iba ay nagkakape ang iba naman ay nagpapanggap na naglalakad, nagwawalis. Pagdating namin sa tapat ng isang malaking building ay tumigil muna ako sa tapat doon. "Agad ganda pala ng lugar mo?" puri ko sa paligid na pura usok, alikabok lang malalanghap ko. "Dito ka na lang kasi mag-stay, Babe," mapang-akit na sagot n'ya sa akin. "Clear na, Sir," rinig kong sabi ng isang tauhan ko sa suot kong mini bluetooth earbud invisible. Isang tingin lang ang binigay ko kay Jefferson ay alam n'ya na. Nauna itong pumasok sa loob habang abala ako sa babaeng kaharap ko. "Tignan ko ang lugar mo. Pag nagustuhan ko ay bibilhin ko ang buong building na ito para solo lang kita," pagsisinungaling ko sa kan'ya. Kinilig naman ito sa sinabi ko. Hindi ako tanga para gawin ang bagay na iyon. "Baka naman sinabi mo na iyan sa ibang babae?" tanong n'ya. Paano mo nalaman? "Hindi, ikaw lang ang babae ko," sagot ko sa kan'ya. Nagsimula kaming pumasok sa loob ng building at pansin ko ay wala ng mga ilaw ang mga CCTV sa loob. Sumakay kami sa elevator ng babae kasama si Jefferson. Dahil unit naman n'ya naman ang pupuntahan namin ay s'ya na ang pumindot. Pagdating namin sa ika-apat na palapag ay tinignan ko muna ang paligid kung mayroon bang tao doon. Ang mapaglaro kong mukha ay lahat iyon ay naging blangko. "Nandito ba ang kapatid mo?" tanong ko sa babae. Biglang nag-iba ang itsura n'ya sa tanong ko. Kumunot at nagtaka ito na tumingin sa akin. "Who are you?" takang tanong ni Babe sa akin. Tinapat ko ang hintuturo ko sa labi n'ya. "My name is Gray," sagot ko sa kan'ya. Bigla s'yang napaatras sa takot sa akin. "Sisigaw ako!" banta n'ya sa akin. "Go ahead, scream as long as you can," seryoso kong sagot sa kan'ya. Natatakot na ang mukha nito dahil sa akin. "Don't be afraid, Babe. Ako lang ito," nakangiti kong saad, pero mabilis kong ring tinanggal ang ngiti ko dahil boring na. Kumpara sa babaeng bago sa bahay namin ay ang babaeng kaharap ko ay takot agad ang nakikita ko. "Pag nalaman ito ng kuya—" "Kung malalaman n'ya pa," putol ko sa kan'ya. Napatingin s'ya sa paligid ng mayroong janitor ang lumabad sa pinto at mga staff ng lugar. "Please, help me! Pinagbabantaan n'ya ako!" sigaw niya. Napapikit ako dahil sa ingay ng babaeng ito. "Bubuksan mo ba o ano? Isang minuto na lang sasabog na ako sa pikon sa 'yo," kalmado kong banta sa kan'ya. Lahat ng taong lumabas ay lahat iyon ay kasama ko. Ilang araw na naming plinano ang bagay na itong pagpasok namin sa unit ng kapatid n'ya. "Paano kung ayoko?" nagmamatapang n'yang tanong sa akin. "Patayin man kita ngayon ay mabubuksan ko pa rin iyan kaya wag na lang nating sayangin ang oras ng isa't isa," paliwanag ko sa kan'ya. Hinawakan ko ang braso ng babae ay hinarap sa pinto ng unit ni Eman. Dahil masunurin ang babe ko ay agad n'ya iyong binuksan. Naunang pumasok doon sila Jefferson at mabilis silang kumilos para kuhanin ang lahat ng pera nito. Pinahawakan ko sa tauhan ko ang babae para hindi na mang gulo pa. "Mag nanakaw ka pala!" Natawa naman ako sa saad ng babae. Hinarap ko s'ya at ngumiti ako. "Hindi ako magnanakaw. Isa akong mabait na tao dahil kinukuha ko ang ninakaw ng kapatid mo," paliwanag ko sa babaeng ito. Nakalimutan ko ang pangalan n'ya, pero mabuti na rin iyon. Ayoko ng pang gulo sa buhay ko. "Hindi ako pumapatay ng walang kalaban-laban na tao, pero kung maghaharap kami ng landas ng kapatid mo at tauhan pa rin s'ya ni Nelson, ay magdasal s'yang wag kaming magkita," paliwanag ko sa kan'ya. Tinignan ko ang buong paligid ng bahay na ito. "Lahat ng konektado sa pumatay sa tatay ko ay hindi makaliligtas," dagdag ko pang saad. Pinikit ko ang mata ko at isang pagbagsak ng katawan na lang sa floor ang narinig ko. Tinignan ko si Samuel na umuusok pa ang dulo ng baril na mayroong silencer. "Sino pa ang taong gumawa noon kay Mama?" seryoso kong tanong kay Samuel. Hindi ako masamang tao, pinoprotektahan ko lang ang taong mahal ko, at gagawin ko ang lahat para hindi mabaliwala ang pagkawala ni Papa. "Si Eman na lang, Sir," sagot ni Samuel sa akin. Naglakad ako papunta sa sofa at komportableng umupo doon. "Let just wait up here," kalmado kong sabi sa kanila. Tinignan ko sila Jefferson ng maalala ko si Wordless. "Anong ginagawa ni Wordless dito kanina?" taka kong tanong sa kanila. "Hindi maganda pakiramdam ko sa babaeng iyon, Sir," sabat ni Samuel. "Sa tingin ko, Sir Gray nakita ni Ma'am Loretta kung paano kumilos si Natalia," paliwanag ni Jefferson sa akin. Tinignan ko si Jefferson na tinawanan lang ni Samuel. "Walang kahirap-hirap ko ngang nakuha iyon," pagyayabang ni Samuel. Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Mama kay Wordless, pero duda pa rin ako sa kan'ya. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. "Mark, ikaw na ang bahala kay Eman," utos ko sa tauhan ko. Agad naman s'yang tumango bilang sagot sa akin. Biglang mayroong pumasok na idea sa utak ko na hindi ko naman kailangan, pero mukhang mag-eenjoy ang grupo. "Pustahan tayo kung sino mananalo mamaya," aya ko sa kanilang lahat. Dahil mga sugarol ang mga tauhan ko ay biglang sumigla ang mga mukha. "Magkano, Sir?" tanong ni Samuel. "Sino pupusta kay Samuel?" tanong ko sa kanilang lahat. Lahat ng tauhan ko dito ay nagtaas ang kamay maliban sa isa. "Seryoso ka, Jefferson? Baka kursunada mo lang si Natalia?" biro ni Mark kay Jefferson. "Kung sino ang mananalo ay paghahatian ang nakuha natin ngayon," paliwanag ko sa kanila. Tinapik ko ang balikat ni Jefferson. "Pag natalo ka, wala kang sahod ng tatlong buwan," seryoso kong sabi kay Jefferson. "Paano pag panalo ako, Sir?" tanong n'ya sa akin. "Sa 'yo na iyan lahat, at doble ang sahod sa loob ng tatlong buwan," sagot ko sa kan'ya. "Pero pag si Samuel ang nanalo, ang susunod na makukuha mula sa grupo nila Nelson ay paghatian n'yo lahat."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD