Natalia's point of view
"MAGPAHINGA ka na," utos ni Ma'am Loretta sa akin.
Kagagaling lang namin sa office n'ya ngayon. Wala pang oras ang tinagal n'ya sa loob ay umuwi na rin kami sa bahay nila.
Kahit mayroon itong sugat ay nakakaya pa ring magtrabaho.
Tumango ako kay Ma'am Loretta. Balak kong lumabas ng bahay nila para tignan ang madilim na labas.
Wala akong kilala sa bahay na ito kaya wala akong nakakausap. Wala rin akong balak na pagkatiwalaan silang lahat.
Saktong paglabas ko ay ang pagdating ng kotse ng mga peste sa buhay ko. Hindi ko sila pinansin at patuloy lang ako sa paglalakad ko.
Malaki ang labas nila, mayroong fountain at maraming halaman. Maganda ang pagkaka-design ng landscape nila.
"Wordless!" sigaw ni Gray.
Hindi ko s'ya hinarap, pero napatigil ako sa paglalakad ko ng bigla na lang itong sumulpot sa harapan ko.
"Hindi ako tide, pero gulat ka noh?" biro nito sa akin.
Paano n'ya nagagawang ngumiti sa kabila ng pagpatay n'ya sa inosenteng bata?
"Alam kong hindi ka na naman magsasalita, pero sumama ka sa akin," hayag nito.
Seryoso ko s'yang tinapunan ng tingin. Gusto kong iparamdam sa kan'ya, he was nothing.
Iniba ko ang tingin ko. Ayokong magsayang ng oras sa mamamatay tao.
Lalagpasan ko na s'ya, pero hinawakan n'ya ang braso ko para hindi ako matuloy sa paglalakad ko.
Tinignan ko si Gray na iba na ang awra nito. Ang kaninag bright ay ngayon ay blangkong mukha.
"Kung hindi ka sasama, kakaladkarin kita," mahina n'yang banta sa akin.
Tinignan ko ang kasamang tauhan nito na nakabantay lang sa isang tabi.
"Sumama ka na lang, Natalia," saad ng isang lalaki sa akin.
Hinila ko ang braso ko kay Gray. Seryoso itong nakatingin sa akin habang naglalakad paalis.
Labag naman sa loob kong sumama sa kanila. Wala rin ako sa mood makipag-away sa mga lalaking ito kaya pagbibigyan ko na lang, since hindi naman na tatagal ang mga buhay nila.
Pumunta kami sa likuran ng bahay ng mga Parelta. Mas lalo akong na mangha sa makita ko dahil mas malawak pa pala ang lugar sa likuran kaysa sa harapan.
Mayroon isang malaking stadium doon.
"Bilisan mo maglakad."
Napapikit ako sa inis ng bigla akong tinulak ni Samuel. Isang masamang tingin ang binigay ko sa kan'ya, pero nginitian lang ako nito.
Napayukom ang kamao ko dahil konti na lang ang pasyensya ko sa mga lalaking ito, pero na natili pa rin akong kalmado at nagpatuloy sa paglalakad ko.
Pag pasok namin sa loob ay makikita mo agad ang malawak na gym na halos kumpleto na ang lahat ng gamit, pero kung titingin ka sa bandang kanan ay doon mo makikita ang isang shooting range.
Glass wall ito kaya kita ko agad kung ano ang nasa loob noon.
"You can use those things, dahil mabait ako at gwapo pa," nakangiting sabi ni Gray sa akin.
Wala naman akong binanggit na salita sa kan'ya.
"Okay, no words," hayag pa nito. "Alam mo pikon na ako sa 'yo," sabi n'ya sa akin.
"Ako rin," sagot ko sa kan'ya.
Tinalikuran ko silang lahat at pumunta ako sa shooting range.
Narinig kong tumawa si Gray, pero dating sa akin ay tawa ng kanang kamay ni Santanas.
"Baka bago ka lang sa mga ganitong lugar?" tanong ni Gray sa akin.
Hindi ako nakikinig sa sinasabi n'ya, pero naka-focus ako sa mga baril na naka-display dito.
Napakarami, pero sa tingin ko ay mas marami ang baril sa gun storage na pinuntahan namin kanina.
Napatingin ako kay Samuel ng hawakan n'ya ang kamay ko.
"Ang lambot ng kamay n'ya, Sir Gray. Halatang walang kayang gawin," pag-iinsulto nila sa akin.
Hinila ko ang kamay ko. "Wag ka pura yabang kalbo," tukso ko dito.
Mayroon akong isang hawak na baril kaya sapat na iyon para labanan sila kung magkataon man magkapikunan kami.
"Samuel, tama itong si Babe."
Kumunot ang noo ko sa tinawag sa akin ni Gray.
"Let's make a deal," saad ni Gray sa akin.
Muli na naman akong hinarap ni Gray at mapaglaro na naman ang tingin n'ya sa akin.
"I give you one wish, if you win over Samuel, but if you lose then let's play me on my bed?" tanong nito sa akin.
Tinignan ko ang mukha ni Samuel na mukhang nagsasaya na dahil akala n'ya panalo na ito.
"Deal or no deal?" tanong pa n'ya sa akin.
"Pagnanalo ako, give me that knife butterfly knife and that modern pistol gun," turo ko kay Gray.
Wala pa akong sarili kong baril at ang butterfly knife ang gagamitin ko sa kan'ya para matapos na ang buhay n'ya.
Hahayaan ko pang ma-enjoy n'ya ang buhay n'ya, at gusto ko ay masurpresa ito.
Tinignan n'ya ang tinuro ko na isa sa mga naka-display sa akin.
"Gamit ko 'yan," sabi n'ya sa akin.
"Deal or no deal?" hamon ko sa kan'ya.
Tinignan ako sa mata ko ni Gray. "Since two things ang hihingin mo, two nights ang hihingin ko," sambit nito.
Inangat n'ya na ang kamay n'ya para makipag-deal sa akin.
"Mukhang masaya ang gabi mo, Sir Gray!" sigaw ng isang lalaking hindi ko alam kung ano ang pangalan n'ya.
Tinapik ko lang ang kamay n'ya para i-accept ang hamon nito.
Pagkatapik ko noon ay nagsimula ng kumilos ang dalawang tauhan ni Gray.
Nilagay nila ang mga hiwa-hiwalay na baril sa table na nasa stall defender.
"E-easy-han ko lang sa 'yo, since babae ka," pagmamaliit na naman ni Samuel sa akin.
Tinignan ko ang baril na sa harapan ko. Sa ganitong situation ay si Papa ang naaalala ko.
"Mukhang nagdadasal ka na ah?" natatawang saad ni Samuel sa akin.
Dahil sa pikon ko sa lalaking ito ay binigyan ko s'ya ng isang middle finger para tumahimik ito.
Tinignan ni Samuel si Gray na ngayon ay komportable ng nakaupo sa couch dito.
"Papasayahin ko gabi mo, Sir," pagyayabang ng isang ito.
"Siguraduhin mo lang," seryosong sagot ni Gray.
Tinignan ako ni Gray, pero muli kong binalik ang tingin ko sa mga part ng baril.
Pansin ko na mabilis ngang mag-iba ng mood si Gray o baka strategy n'ya lang iyon?
"Pagbilang ko ng tatlo ay iyon na ang hudyat na game na," paliwanag ng bodyguard ni Gray.
Mayroong seventeen ammo ang nasa harapan namin.
"Kailangan bang ubusin ang bala? Saan? Sa ulo ng gagong ito?" tanong ko sa bodyguard ni Gray.
Mahina itong natawa dahil sa tanong ko.
"Kung mauunahan mo ako. Hindi ko naman gagawin sa 'yo iyon dahil si Sir Gray ang puputok sa 'yo," natatawang sabi ni Samuel, pero s'ya lang naman ang natawa.
"Kailangan n'yong ubusin iyan," sagot ng bodyguard ni Gray.
Sa lahat ng lalaki dito ay s'ya lang yata ang pinakamatinong tignan dito.
Tumango ako sa kan'ya. Umayos na ako ng p'westo ko.
"Isipin mo lang ang malambot na kama," sigaw ni Gray.
Pinikit ko ang mata ko at mariin kong pinagdikit ang ngipin ko dahil si Jonny ang naiisip ko.
"One... two... three, go!"
Pagkarinig ko nood ay mabilis kong dinilat ang mata ko. Inuna ko ang magazine na ilagay ang bala.
One...
Sampong segudo lang ang turo sa akin ni Papa kaya sampong segudo lang ang gagawin ko.
Two...
Nalagay ko na labat ang bala.
Three...
Hibdi ko kailangan maging malakas ng physical kaysa sa kanila dahil isa sa payo ni Papa sa akin ay maging mautak ka lang ay lamang ka na.
Four...
Naka-focuse ako sa pagbuo ko ng baril hanggang sa ilang part na lang ang naiwan.
Five...
Isang ngisi ang lumabas sa labi ko.
Six...
Focus lang ang kailangan ko para manalo.
Seven...
Wala akong pakialam sa mga kasama ko dito sa loob.
Eight...
Pangalawa sa huli ang paglalagay ko ng barrel.
Nine...
Kinuha ko ang magazine at iyon ang huli kong nilagay para mabuo ang baril.
Isang mabilisang kasa ng baril ang ginawa ko.
"10!" sigaw ko.
Hindi ko tinutok sa target retriever ang hawak kong baril kung hindi sa taong katabi ko sa kabilang stall defender.
Napatigil ito sa gulat dahil sa ginawa ko. Pansin ko rin ang pagkagulat ng mga taong kasamahan ko ngayon sa loob ng shooting range.
"Masmabilis talaga ang bibig kaysa sa kilos," seryoso kong saad.
Hindi s'ya makapagsalita sa akin. Nilipat ko ang tingin ko sa hawak n'yang baril na wala pa sa kalahati ang naayos n'ya.
Napangisi ako bilang insulto sa kan'ya.
"What a shame," pang-aasar ko sa kan'ya.
Binaling ko na ang tingin ko sa target retriever at sinimulan kong ubusin ang lahat ng bala sa mismong ulo ng karton.
Umalingawngaw ang putok ng baril sa apat na sulok ng kwartong ito.
Naubos na ang bala ng baril ko, pero ang lalaking katabi ko ay ngayon pa lang natapos.
Hinarap ko sila Gray na nakatingin sa akin. Isa lang ang iba ang reaction 'yung bodyguard ni Gray.
Hinagis ko sa harapan nila baril na hawak ko.
"Don't be little the person by appearance. Nobody know how's strong the person are," walang gana kong paliwanag sa kanila.
Nilipat ko naman ang tingin ko kay Samuel na pura hangin lang ang laman ng ulo.
"Mouth can lie, but performance doesn't," sabi ko pa.
Naglakad ako papunta sa butterfly knife at modern gun para kuhanin na iyon.
Pagkakuha ko noon ay huminto ako sa tapat ni Gray.
"Wordless is better than nonsense," sabi ko sa kan'ya. "Kung ikaw ayaw mong mapikon sa akin, wag mo akong kausapin. Wag kang nagtatanga-tangahan," seryoso kong sabi sa kan'ya.
Naglakad na ako paalis sa shooting range dahil lalo lang umiinit ang ulo ko dahil sa mga gagong iyon.
"ANO ka ba naman, Honey! Kababaeng tao ng anak mo pinapahawak mo ng baril!" sermon ni Mama kay Papa.
Mayroon akong hawak na laruang baril dahil balak namin pumunta ni Papa sa shooting range para turuan akong bumaril.
"Honey, mas okay na itong matuto s'ya para naman hindi s'ya dumepende sa atin, o sa ibang tao. Masmaganda ng kaya n'yang ipagtanggol ang sarili n'ya," paliwanag ni Papa kay Mama sabay ngiti sa akin.
"Pag mayroong nangyaring hindi maganda d'yan kay Natalia ay humanda ka sa akin," banta ni Mama kay Papa.
Lumapit naman ako kay Mama na nakaupo sa sofa. Hinawakan ko ang tyan na malaki na.
"Mama, wag ka na pong magalit kay Papa. Gusto ko rin naman po ito para maipagtangol ko si Jonny pag labas n'ya sa tyan mo," nakangiti kong sabi kay Mama.
"Talaga gagawin mo iyon?" tanong ni Mama sa akin.
Mabilis akong tumango bilang sagot kay Mama.
"Pangako, pag busy kayo ni Papa sa trabaho ako ang magpro-protekta kay Jonny," masaya kong sagot kay Mama.
"Binobola mo lang ako para payagan ko kayong mag-ama. Sige na at umalis na kayo, basta kailangan ay walang masasaktan sa iyon kung hindi ay wala ng makakaulit," paalala ni Mama.
Tumango kami ni Papa bilang sagot. Lumabas kami sa bahay at motor ang gamit namin ni Papa.
Ilang bahay pa lang ang nalalagpasan namin ay huminto si Papa sa pagmamaneho ng motor.
"Ikaw na ang magmaneho para masanay ka lalo," sabi ni Papa sa akin.
Mabilis naman akong napangiti dahil sa ginawa ni Papa.
Mangha kong hinawakan ang handle ng motor. Dahan-dahan kong pinaandar iyon at lalo akong sumigla ng maramdaman ko ang paghampas ng hangin sa mukha ko.
"Papa, sa tuwing magmomotor ako ay ikaw ang iniisip ko," masaya kong sabi kay Papa.
"Bakit naman?" tanong ko kay Papa.
"Alam ko kasing ligtas ako pag alam kong nasa likuran lang kita," nakangiti kong sabi kay Papa.
Nagpunta kami sa shooting range ni Papa at napahawak ako sa tenga ko ng marinig ko ang mga malalakas na putok ng baril.
Nasa open field kami ngayon. Napangiti ako ng maamoy ko ang pulbura na ng gagaling sa bala ng baril.
"Pag nasa harapan ka ng mga taong mayroong hawak na baril ay dapat maging neutral ka lang," payo ni Papa sa akin.
"Bakit po?" taka kong tanong.
"Para mahirapan silang basahin ang tunay mong kakayahan," sagot ni Papa sa akin.
Tinignan ko si Papa na abala ito sa pagtingin sa mga nag-eensayong bumaril.
"Focus, and strategy will give you a great performance, less word and more on action are best tactic."