CHAPTER 13

2016 Words
Natalia's point of view "WALA akong pakialam kung anak ka pa n'ya," walang takot kong sabi. Marami na akong nasaksihan na bagay sa buhay ko, kaya bakit pa ako matatakot sa isang ito. Tinaas nito ang kanan n'yang kamay at bigla akong nginitian. Isang ngiting mapanlinlang sa iba, pero hindi sa akin. Hinawakan n'ya ang pisnge ko gamit ang likod ng kanan n'yang kamay. "Okay. Mas'yado kang mainit," sagot nito sa akin sa aking habang naka smirk. Napipikon ako sa ngiti n'ya. "Fearless, huh? Ngayon alam ko na kung bakit kinuha ka ni Mama. But for me, you are too weak," malumanay nitong hayag sa akin. Mabilis kong tinapik ang kamay n'ya palayo sa balat ko. Niyukom ko ang kamao ko dahil sa pikon na ang isang ito. Hinawakan n'ya ang balikat ko. "Kalma, baka mamatay ka agad. Ako lang ito, Gray Parelta. You must remember my name," mapaglaro n'yang saad. Nalipat ang tingin namin ng bumukas ang pinto ng kwarto, at niluwa noon si Yaya Luz. Napataas ang kilay n'ya ng makita kaming dalawa sa loob na ito. "Gray, hinahanap ka ni Ma'am Loretta," bungad na saad nito sa amin. Muli akong tinignan ni Gray. "See you," paalam n'ya sa akin. Pero wala akong akong respond doon. Naglakad s'ya palabas ng kwarto at si Yaya Luz naman ang lumapit sa akin. "Wag mong pansinin ang batang iyon. Mabilis maiba ang mood noon, pero mabait iyon. Wag mo lang pipikonin," paliwanag ni Yaya Luz sa akin. "Para pong sira ulo?" walang gana kong tanong. Umiling lang sa akin si Yaya Luz. "Lahat ng kailangan mo, pati ang susuotin mo ay ipapadala ko dito. Sa ngayon ay utos ni Ma'am Loretta ay magpahinga ka muna," paliwanag ni Yaya Luz. Nilibot ko ng paningin ang maliit na kwartong ito. Bukod sa pang isahang kama, table at chair ay wala ng ibang nakalagay dito maliban sa isa pang pinto na sa tingin ko ay bathroom. "Payag ba ang pamilya mo na dito ka tumira?" tanong n'ya sa akin. "Wala na akong pamilya," seryoso kong sagot. Umupo ako sa kama. Tinignan ko ang suot ko na mayroon pang konting blood stain doon. "Sige, maiwan na kita," paalam nito sa akin. Mayroon s'yang nilapat na damit sa table bago ito umalis ng silid. Kinuha ko ang damit at dumiretso ako sa bathroom para maligo. Lahat ng kailangan kong gamitin ay nandito na lahat. Mukhang pinaghandaan talaga nila ang pagdating ko. "Ako ang sisira sa maganda n'yong samahan," mahina kong saad. Nagsimula akong maligo. Habang binabalot ako ng malamig na tubig ay ramdam ko ang mainit na tubig na tumutulo sa luha ko. Ngayon ay nakaharap ko na ang taong pumatay sa kapatid ko. Gagawin ko ang lahat para s'ya naman ang ibaon ko sa lupa. Halos kalahating oras ako sa loob ng bathroom bago ako lumabas. Suot ko ang isang classic pair of black jeans, plain black round neck s**t and white pair sneaker shoe. Katawan ko lang ang dala ko sa loob ng bahay na ito. Tumingin ako tapat ng pinto na mayroong ingay na nagmula doon. Naglakad ako palapit doon para buksan ang pinto. "Ano kailangan mo?" tanong ko sa lalaking kalbo. Hindi ko alam ang pangalan n'ya, pero wala akong interest na tanungin sila sa mga pangalan nila. "Sumunod ka sa akin," utos n'ya. Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko at pinanuod lang itong tumalikod sa akin sabay lakad. Napansin siguro n'ya hindi ako kumikilos kaya huminto ito sa paglalakad at muling tinignan ako. "Susunod ka ba o susunod ka?" inis na tanong n'ya sa akin. Mayroon na s'yang bond aid sa gilid ng tenga n'ya na ako ang may gawa. "Hindi ikaw ang boss ko kaya bakit ako susunod sa 'yo?" walang gana kong tanong sa kan'ya. Alam kong kanina pa s'ya napipikon sa akin. Pero naiinis na rin ako sa pagmumukha n'ya. "Hinahamon mo ba talaga ako ng away?!" galit nitong tanong sa akin. "Wala akong panahon para pag-aksayahan ka ng oras," sagot ko dito. Bigla itong namula dahil sa inis n'ya. Mabilis itong naglakad at inangat ang kamay n'ya para sampalin ako. "Tumigil ka, Samuel!" Nilipat ko ang tingin kay Ma'am Loretta na mayroong kasamang isang maid sa likuran n'ya. "Pasyensya na, Ma'am. Ayaw kasing sumunod nitong babaeng ito," sumbong sa akin ni Samuel. Tinignan ako ni Ma'am Loretta. "Sumunod ka na sa kan'ya. Ibibigay n'ya sa 'yo ang gagamitin mo," paliwanag sa akin ni Ma'am Loretta. Tango lang ang sagot ko dahil tinatamad akong magsalita. Isang matalim na tingin ang binigay sa akin ni Samuel bago ito maglakad. Sumunod naman agad ako sa kan'ya. Mayroon isang kwarto kaming pinasukan. Para lang itong isang normal na kwarto na walang ibang gamit kung hindi isang kama. Napatingin ako sa pinto na bigla n'ya iyong ni-lock. "Anong gagawin natin dito?" tanong ko sa kan'ya. Nginisihan n'ya ako sabay turo sa kama. "Ano ba ang ginagawa sa kama, bukod sa tulugan?" bastos nitong tanong sa akin. "Wag mong sayangin ang panahon ko," seryoso kong sagot sa kan'ya. "Ako ang personal bodyguard ni Ma'am Loretta, pero hindi ko alam kung bakit ikaw ang pinalit n'ya sa akin?" saad nito. Tinignan n'ya ako ng seryoso sa mukha ko. Nilapitan n'ya ako para harapin ako. Mayroon ba talagang mga sira ang ulo ang mga tao dito? "Baka pag nalaman mo kung gaano kadelikado ang trabaho mo ay mamaya pa lang ay mamatay ka na," pananakot n'yang paliwanag sa akin. "Edi kamiramay ka," walang kwenta kong sagot. Tinawanan n'ya ako ng mahina. "Minsan ang lakas ng loob lang talaga ang nagdadala," saad pa n'ya. Tumalikod ito sa akin. Inangat n'ya ang kama at mayroong pinto doon. Binuksan n'ya rin iyon at parang hagdan pababa. "Sumunod ka," utos n'ya sa akin. Agad naman akong sumunod sa loob na iyon kahit na hindi ko alam kung ano ba ang nasa loob. Pagbaba namin ay nakita ko ang iba't ibang uri ng baril na naka-display doon. "Pag-aari ito ni Sir Gray. Dahil ikaw ang papalit sa akin ay p'wede kang mamili ng isang baril para gagamitin mo," paliwamag n'ya sa akin. Tinignan ko ang kanan ko na mayroong pistol doon. Iyon lang ang kinuha ko at agad na akong umakyat na ako sa taas. Pag-akyat ko ay anak ni Santanas ang nakita ko. Nakaayos na s'ya ng suot ngayon at sa tingin ko ay mayroon itong pupuntahan. "Anong ginagawa mo d'yan?" tanong sa akin ni Gray. Umayos ako ng tayo at pinakita lang ang baril na hawak ko sa kan'ya. "Gaano ba kahirap sa 'yo ang magsalita?" tanong n'ya sa akin. "Hindi ako nagsasalita kung wala naman kwenta ang kausap," sagot ko sa kan'ya. Isa lang ang boss ko dito at hindi s'ya kasama. Muli na naman n'ya akong tinawanan. "Mayroon pala akong kwenta ngayon dahil sinagot mo ako?" tanong n'ya sa akin. Hindi na lang ako kumibo at balak ko s'yang lagpasan, pero hinawakan n'ya ang kamay ko. "Later, I will test your skill. Ayokong ipagkatiwala ang Mama ko sa babaeng wala naman kayang gawin," seryoso n'yang paliwanag sa akin. Hinila ko ang braso ko sa kan'ya. "Hindi ko kasalanan iyon. Pinadukot ako ng mama mo para gawing personal bodyguard n'ya at hindi ako ang nagpumilit," singhal ko. Inirapan ko ito at tinalikuran ko s'ya para maglakad na paalis sa harapan nila. Ayokong magsalita hanggang maaari dahil pag galit ako ay mas gusto kong natihimik na lang ako. Gray's point of view PINANUOD kong alikuran ako ng isang babae sa mismong pamamahay ko. Huminga ako ng malalim para patuloy na ikalma ang sarili ko dahil mayroon akong meeting ngayon. "Itumba ko na iyan, Sir Gray?" tanong ng lalaking sumulpot sa gulid ko na si Samuel. Tinignan ko s'ya. "Kung hindi ka tatanga-tanga sana ay wala ang babaeng iyan," inis kong sagot sa kan'ya. Muling binalik ko ang tingin sa babaeng iyon na naglalakad na ito palayo. Hindi ako naniniwala na mas magaling pa ito kaysa sa mga tauhan naming lalaki. Well, mukhang hindi naman s'ya tatagal dito. Isa pa parang mas okay na inisin ang isang ito kaysa sa pamangkin ni Yaya Luz. "Nasaan si Jefferson?" tanong ko kay Samuel. "Baka po nasa labas na," sagot ni Samuel sa akin. Naglakad na rin ako paalis. Pagdating ko sa living area ay naabutan ka na naman si Miss Wordless. Hindi kaya A B C D lang ang alam n'yang bangitin? O baka nga hindi pa ito sanay magbasa. Kausap n'ya si Mama. Seryoso ang mukha n'ya, pero sumasagot naman ito kay Mama. Bakit sa akin ayaw n'yang magsalita? Pasalamat lang talaga s'ya at babae s'ya, pero kung lalaki lang ito ay ginulpi ko na s'ya. "Lahat ng pupuntahan ko ay dapat nasa paligid lang kita, pero kung nasa public tayo ay dapat nasa tabi kita," paliwanag ni Mama. "Are you serious, Mama?" tanong ko kay Mama. "Yes, son," sagot ni Mama sa akin. Tinignan ko si Miss Wordless at natawa ako ng bigla n'ya akong irapan na naman. Dinadaan ko na lang sa tawa, pero gusto ko ng balian ng buto ang isang ito. Buti na lang ay maganda at sexy ang isang ito. "I doubt to that girl," seryoso kong sabi kay Mama. Nawala na si Papa kaya ayoko na pati si Mama ay mapahamak. Tinitigan ko si Wordless, napakunot ang noo ko na parang medyo pamilyar ang mukha n'ya. Nagkita na ba kami? Umiling ako sa sarili ko dahil malabong magkakilala o nagkita na kami. Hindi naman s'ya ang tipong babae na madaling dalhin sa ibang lugar kaya malakas ang loob ko na hindi s'ya sa isa sa mga babaeng nakalaro ko sa kama. "Do you want to try me?" tanong n'ya sa akin. Bigla yatang nagkaroon ng liwanag dahil hindi ko naman s'ya kinausap, pero bigla itong nagsalita. Hindi kaya nagwapuhan sa akin? Ayos pa naman kasi ang porma ko ngayon. After ng meeting ko ay mayroon pa akong date, pero mukhang ilagpapaliban ko dahil sa babaeng kaharap ko. "What do you think, Son? We will come home early?" tanong ni Mama sa akin. Hindi ko inaalis ang tingin ko kay Wordless. I saw nothing, but an innocent girl. "Samuel vs. you. Kung mananalo ka kay Samuel papayag na ako na ikaw ang maging kasama ni Mama," paliwanag ko sa kan'ya. Hindi ko na kailangan lumaban sa kaniya dahil baka ma-in love lang s'ya sa galing ko. I gave her my killer smile, all girls want to see. Nawala ang ngiti ko ng ilipat n'ya agad kay Mama ang tingin nito. Baka kaya dating lalaki ito? "Sige na, Natalia. You can go home, but make sure you'll manage your time until three," paliwanag ni Mama. Nag-bow lang ng konti si Natalia kay Mama bago ito umalis. Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin. "Saan mo ba nakuha iyong babae na iyon?" tanong ko kay Mama. "Mayroon ka na bang interest sa buhay ng mga tauhan natin?" tanong ni Mama sa akin. "Napakasuplada," sagot ko kay Mama. "I told you, hindi lahat ng babae ay makukuha mo," natatawang saad ni Mama sa akin. "Baka lalaki iyon na nasa katawang babae," nakangisi kong sagot kay Mama. Hinalikan ko sa pisnge si Mama dahil kailangan ko ng umalis ngayon. "Mayroon lang akong meeting ngayon," paalam ko kay Mama. "Sige, mag-iingat ka," sagot ni Mama sa akin. Naglakad ako palabas ng bahay, pero bago ako makarating sa kotse ko ay isang ingay na nagmumula sa motor ang narinig ko. Bigla akong napangisi ng makita ko si Natalia na nakasakay sa motor. "I wish, I can drive motor too," sabi ko sa sarili ko. "Sir Gray, aalis na po ba tayo?" Napapikit ako dahil sa gulat ng biglang lumitaw si Jefferson sa harapan. "Papatayin mo ba ako sa gulat?" singhal ko kay Jeff. "Pasyensya na, Sir. Sabi kasi ni Samuel hinahanap mo daw po ako," paliwanag n'ya sa akin. "Oo, aalis na tayo. Mayroon akong date ngayon," sagot ko kay Jeff. "Sabi n'yo po meeting?" tanong pa ni Jeff sa akin. "Wala akong sinabi. Kung mayroon man akong sinabi ay kalimutan mo na," sagot ko kay Jefferson. Sumakay ako sa kotse at umalis na kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD