Natalia's point of view
"NATALIA!"
Bumaling ang ulo ko sa taong tumawag sa pangalan ko. Tumigil ako sa pagtali ng sapatos ko. Naghahanda ako para umuwi na dahil tapos na ang trabaho ko sa resto.
Tinignan ko si Pauline na nakabihis na rin at handa ng umuwi, katabi n'ya si Joshua sa kanang bahagi ni Pauline.
"Bakit?" seryoso kong tanong kay Pauline.
Pansin ko ang mahinang pagtulak ni Joshua kay Pauline para lumapit sa akin. Tumayo ako para ayusin ang suot ko.
"Uuwi ka na?" tanong ni Pauline sa akin.
Muli kong tinignan si Pauline, alam n'ya naman na wala na akong pupuntahan pa na iba kung hindi ang umuwi.
"Oo, kailangan ko na kasing umuwi dahil walang kasama si Jonn-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng ma-realize ko ang sinabi ko.
Tinignan ko silang dalawa na nakatitig sa akin.
"Kailangan ko ng umuwi, gabi na rin kasi," pag-iiba kong sabi.
Tumalikod ako sa dalawa, isang buntong hininga ang pinakawalan ko dahil wala na nga pala akong kailangan ipag-alala sa bahay ngayon.
"Shot tayo," aya ni Joshua sa akin.
Humarap ako sa kanila at isang pilit na ngiti ang binigay ko. Umiling muna ako sa dalawa, kinuha ko ang bag ko sabay suot noon sa akin.
"Kailangan ko ng umuwi dahil napagod rin ako kanina, ang dami nating customers kaya nakakapagod din," paliwanag ko sa kanila.
Wala akong gana na pumunta sa kahit saan ngayon.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Pauline sa akin.
Tinignan ko si Pauline at nginitian. "Oo naman," sagot ko sa kan'ya. "Okay na ako kaya salamat sa pag-alala," dagdag ko pa.
Tinuro ko ang exit door para magpaalam na aalis ba ako.
"Mauna na ako sa inyo, enjoy kayo kung iinom kayo ngayon," sabi ko sa kanila.
"Ingat ka sa pag-uwi," sabi ni Joshua sa akin.
Tumango ako sa kanila, tumalikod ako at nagsimula na akong maglakad palabas ng stuff room.
Paglabas ko ng resto ay pakiramdam ko ay wala akong gana na uwi ngayon. Ang bahay ko ay tulugan ko na lang ngayon, iyon na lang ang dahilan ko para umuwi.
Nagsimula akong maglakad patungo sa motor kung saan ito naka-park, pagdating ko ay sumakay agad ako, pero bago ko paandarin ang motor ay nagsuot ako ng helmet.
Hindi ko na alam kung mararamdaman ko pa ang saya ng buhay sa situation ko na ito.
Pagkasuot ko ng helmet ay pinaandar ko na ang motor at umalis ako sa parking lot. Muli kong naramdaman ang malamig na hangin na tumatama sa balat ko.
Marami akong kasabayan na mga sasakyan sa highway, pero hindi ko iyon pinansin dahil sanay na rin akong makipagsabayan sa mga mabibilis nilang takbo.
Lumiko papunta sa looban kung saan ang daan patungo sa bahay namin habang umaandar ang motor ko ay bigla kong binagalan ang pagpapatakbo ng motor ng madaanan ko ang lugar kung saan nakita namin ni James ang pagpatay sa isang lalaki.
Dahan-dahan ang takbo ng motor ko hanggang sa tinabi ko iyon sa gilid ng kalsada at tuluyang hininto. Wala namang naghihintay sa akin sa bahay kaya ayos lang kahit na ma-late ako ng uwi.
Hinubad ko ang helmet na suot ko, sinipa ko ang stand ng motor para hindi ito matumba. Hinayaan kong naka bukas ang headlight ng lumang motor dahil madilim din sa parteng lugar na ito. Ilang metro pa ang kailangan kong takbuhin bago makarating sa bahay namin.
Bumaba ako sa motor, ang hawak kong helmet ay sinabit ko sa hand grip ng motor. Inayos ko ang buhok ko dahil medyo nagulo sa paghubad ko ng helmet.
Sumandal ako sa tank ng motor habang naka tingin sa madilim na lugar na ito. Wala akong takot na nararamdaman sa lugar kung nasaan ako.
Pinapalibutan ng mga puno ang paligid ng one way road na ito at mas'yado ring magkakalayo ang poste ng ilaw kaya mayroong parte na madilim at ang parte na iyon ay kung saan ako, kung saan ko nakita ang pagpatay sa isang lalaki.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko sa tahimik na lugar na ito. Maganda ang langit dahil maraming bituin na nakikita, bilog rin ang buwan kaya ang gandang titigan.
Pinaniniwalaan ko ang sinabi ni James na mayroon kinalaman ang pagpatay kay Jonny sa nakita ko, sa nakita namin ni James, kung ako ang target nila siguradong hinahanap nila ako kaya gusto kong makaharap kung sino man ang mga iyon.
Tumingin ako sa paligid ko at sa tuwing mayroon akong naririnig na paparting ay nagiging alerto ako, pero lahat ng iyon ay mga normal na napadaan lang sa one way road na ito.
Nawala ang katahimikan ng lugar ng isang malakas na tunog mula sa phone ko ang narinig ko. Umayos ako ng tayo, kinuha ko ang phone ko mula sa likurang bulsa ng suot kong black skinny jeans.
Pagkakuha ko sa phone ay tinignan ko kung sino ang tunatawag. Nakita ko ang pangalan ni James kaya agad kong sinagot at nilagay sa tapat ng tenga ko.
"Bakit?" bungad kong tanong kay James sa kabilang linya ng phone.
"Nasaan ka ba?" tanong din n'ya sa akin.
Nagdikit ang dalawa kong kilay sa tanong ng kaibigan ko. Bakit kailangan n'ya naman malaman kung nasaan ako.
"Bakit?" tanong ko ulit.
Hindi n'ya naman ako tinatanong dati kung nasaan ako.
"Anong bakit? Tinatanong kita kung nasaan ka? Gabi na, wala ka pa rin sa bahay mo," seryosong tanong n'ya sa akin. "Nandito ako sa tapat ng bahay mo, naka-lock, kanina pa ako tawag ng tawag tapos wala palang tao," dagdag na paliwanag ni James na halata sa boses nito na ang pagkairita.
"Tsk! Kung wala ako d'yan, umuwi ka na mamaya pa ako uuwi, nagpapahangin lang ako," seryoso kong sagot sa kaibigan.
Mas'yado naman s'yang nag-aalala sa akin.
"Walang mangyayari sa akin kaya wag ka ng mag-alala," dagdag ko pa.
Ilang oras na akong nakatayo dito, pero wala namang nangyayari kaya napagdesisyonan umuwi na rin since tumawag na si James.
"Tanga! Hindi ako nag-aalala sayo, mayroon lang akong ipapakita sayo," sagot n'ya sa akin.
Humarap ako sa motor ko para kuhanin ang helmet na nakasabit sa hand grip ng motor ko.
"Ano naman iyon?" tanong ko kay James.
Baka mamaya isa lang sa walang kwentang binili n'ya ang ipapakita n'ya sa akin.
"Umuwi ka na para makita mo," sagot n'ya sa akin.
Pagkakuha kong helmet ay sinuot ko sa ulo ko iyon.
"Sige na, uuwi na ako!" walang gana kong sabi kay James bago ko pinatay ang phone call at binalik ang phone ko sa bulsa ng skinny jeans na suot ko.
Sumakay ako sa motor at pinaandar ang engine. Hindi ko alam kung ano ang papakita ni James, pero siguraduhin n'yang mayroon kwenta iyon.
Hinigpitan ko ang paghawak sa hand grip, bago ako makaalis sa pwesto ko ay mayroong akong narinig na pagharurot ng isang motor hindi kalayuan sa pwesto ko.
Muling nagdikit ang dalawang kilay ko dahil ang ingay noon. Lumiit ang tingin ko dahil sa harapan ko ay naaninag ko ang yellowish light mula sa headlight ng motor na mabilis na paparating.
Bumitaw ako sa hand grip na hawak ko para iangat ang braso ko panakim sa nakakasilaw na liwanag ng headlight ng isang motor na tumatama sa mata ko.
Napangiwi ako dahil segundo lang ay nawala na agad iyon sa paningin ko sa bilis. Sinundan ko ng tingin ang motor sa likuran ko kahit na wala na iyon.
"Nakikipag-unahan ba s'ya?!" inis kong sabi sa sarili ko dahil sa ingay ng motor n'ya ay bawat dadaanan n'ya ay maabala n'ya.
Muli akong humawak sa hand grip at dahan-dahan niliko ang motor ko, handa na akong umalis ng muli akong tumingin sa kanan ko ng isang pahina na papalakas na tunog ang narinig ko.
Lalong kumunot ang noo ko dahil sa bilis ng takbo ng iyon. Kagaya ng naunang naka-motor ay ilang segudo lang ang lumipas bago mawala sila sa paningin ko.
Umiling ako dahil baka nga kabataan na nakikipag karera lang. Umalis na ako sa madilim na lugar na iyon para umuwi dahil naghihintay si James doon sa akin.
Wala naman akong napala sa lugar na pinag-stay ko ng ilang oras din, pero at least ay tumahimik ang paligid ko.
Mabilis akong nagpapatakbo ng muli akong mayroong narinig na naman na mabilis na pagharurot ng motor mula sa likuran ko.
Ako na ang nag-adjast para sa kanila dahil kung pustahan ang karera na iyan siguradong walang magpapatalo. Isang normal na takbo lang ginawa ko at hinihintay kong lumagpas sila sa akin. Isang hangin ang naramdaman ko na sinyales sa mayroong dumaan na isang mabilis sa gilid ko, pero bigla kong nahila ang brake para huminto bigla ang motor ko.
Gulat akong napatingin sa mga naka-motor ng harangan nila ang daan ko. Ang dalawang paa ko ay umapak sa kalsada at ang kanan kong kamay inangat ko para iharang sa mata ko na nasisilaw dahil nakatutok sa akin ang mga headlight ng motor nila.
Anong problema ng mga ito?
Bigla akong naging alerto. Lahat sila ay bumaba sa kan'ya-kan'yang motor. Silhouette lang ang nakikita ko dahil against the light ang lalaking naglalakad sa akin.
Hindi ako bumaba o gumalaw sa pwesto at tinignan ko lang ang isang lalaki na maglakad papunta sa akin.
"Sa tingin mo makakatakas ka sa amin?!" isang malaking boses mula sa lalaking naka all black attire from head to toe.
Hindi ko kilala ang lalaking ito. Lalo akong nagtaka ng papalapit na s'ya ng papalapit sa akin.
Hinubad ko ang helmet ko dahil hindi ko makita ng ayos ang lalaki, pagkahubad ko ng helmet ay biglang huminto ang lalaki sa paglalakad. Hindi ko makita ang reaction n'ya dahil sa ilaw na nakatapat sa akin.
"Sino ba kayo?!" matapang kong tanong sa lalaking ilang hakbang na lang ang layo sa akin.
Hindi ko pinakita na kinakabahan ako sa kanila, pero walang lugar ang takot lalo na sa ganitong situation.
"Babae!" sigaw ng isang lalaki sa tabi ng isang motor.
Tumingin ako sa lalaking lalapit sa akin ng bigla itong tumalikod para umalis na.
Pinagkamalan lang nila ako. Bumalik ang tatlo sa pagsakay sa motor hanggang sa umalis sila na parang walang nangyari.
Ayokong maghinala agad, pero gusto ko kikilos ako pagsigurado na ang lahat. Kinuha ko ang phone ko sa likuran ng skinny jeans ko para tignan ang oras.
10:07 in the evening.
Halatang nakakahinala ang kilos nila, pero simula ngayon mag-iimbistiga na ako sa nangyari sa lahat.
Ayokong mangialam ng una dahil wala akong paki-alam sa kanila, pero dahil sa nangyari sa kapatid ko, walang matatahimik hanggang walang nagbabayad ng lahat.
Muli kong sinuot ang helmet ko, binalik ko ng phone sa bulsa ko at pinaandar motor ko.
'Yung nangyari pagpatay ay halos ganitong oras din ang lahat kaya malamang na ganitong oras sila umaatake, pero kung sila iyon, bakit hindi nila ako nakilala kung ako ang target nila? Hindi lang ba nila ako napansin o iba lang talaga ang target nila ngayon? Hindi pa ako sigurado sa lahat kaya masmabuti siguraduhin ko muna ang lahat.
Mabilis kong pinaharurot ang takbo ng motor ko. Dahil sa nangyayari, dumadami ang tanong, gumugulo ang sitwasyon.
Ilang minutong pagtakbo ng mabilis na motor ay nakauwi na ako. Pagkahinto ng motor ko ay nakita ko si James na nakatayo sa tapat ng pintuan namin at nakatingin sa akin.
Napangisi naman ako dahil sa kaibigan ko. Wala akong idea sa ipapakita n'ya sa akin, pero mukhang mahalaga iyon kaya naghinatay s'ya sa tapat ng bahay namin.
I parked the motor in front of my house. Bumaba ako sa motor at tinggal ang helmet sa ulo ko.
Hindi ko muna sasabihin kay James ang lahat dahil sisiguraduhin ko muna na ang grupong humarang sa akin ay ang grupong pumatay sa lalaking nakita ko at kay Jonny.
Nagsimula akong maglakad palapit kay James na halata sa itsura ang pagkainim nito.
"Nag-o-over time ka ba?" tanong ni James sa akin.
Umiling ako sa kan'ya bilang sagot. Ilang hakbang na lang ay makakalapit na ako kay James ng mapahinto ako at biglang napatingin sa likodan ko dahil sa dalawang sunod na putok na baril.
Hindi iyon kalayuan sa pwesto namin dahil rinig ang alingawngaw ng putok ng baril.
"Putok ng baril iyon, hindi ba?" tanong ni James sa akin na nakatingin sa direction kung saan maaaring nangaling ang putok.
"I think so!"