Natalia's point of view
PUMASOK ako sa loob ng bahay ko na parang walang narinig na putok ng baril.
Pakiramdam ko ay nawawalan na ako ng gana sa lahat ng bagay pagkatapos ng pagkawala ni Jonny.
"Doon ka muna kaya sa bahay namin?" offer ni James sa akin.
Matamblay akong umupo sa sofa at napatitig na lang ako sa family picture namin, na naka display sa living area.
Tinignan ko si James ng parang sobrang pagod na ng mata ko, at gusto ng matulog na lang.
"Mayroon akong bahay," mahinahon kong sagot sa kan'ya.
Alam kong nag-aalala lang s'ya sa akin, pero hindi naman n'ya kailangan dahil wala na rin naman akong pakialam sa lahat ngayon.
Sino pa ba ang gaganahang mabuhay kung alam mong mag-isa ka na lang naman na.
Isinandal ko ang ulo ko sa header ng sofa at pinikit ko ang mata ko.
"Delikado, baka mamaya ay puntaha—"
Mabilis kong dinilat ang mata ko, at tinignan si James.
Naiirita na ako sa boses n'ya kahit na concern lang naman ito sa akin.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. "Ayos lang sabi ako," putol ko sa kan'ya. "Umalis ka na. Magkita na lang ulit tayo bukas, dahil kailangan ko ng magpahinga," paliwanag ko kay James.
Hindi kumilos si James sa kinatatayuan n'ya kaya tinulak ko na ito para palabasin sa bahay ko.
"Nag-aalala lang ako sa 'yo—"
"Kung hindi ka pa aalis ay ikaw ang magiging delikado sa akin," banta ko sa kan'ya.
"Concern lang ako sa 'yo!" singhal n'ya sa akin.
Inambahan ko ito ng suntok dahil naiinis na ako sa kakulitan n'ya.
"Ayos nga lang ako!" pikon kong sagot sa kan'ya.
Sinamaan ko na ito ng tingin dahil ang hirap n'yang makaintindi.
"Oo na," buntal nito sa akin.
Labag sa loob n'yang naglakad ito palabas sa bahay ko kaya ako naman ay lumapit sa pinto para isarado ang pinto.
"Mag-ingat ka," paalam ko kay James.
Napangisi ito sa akin. Humarap si James sa akin na mayroong ngiti sa labi n'ya.
"Minsan ka lang maging concern sa akin, kailangan kong i-record ito," natatawa n'yang biro sa akin.
"Aalis ka na o babarilin ko ulo mo?" banta ko sa kan'ya.
Hindi na n'ya natuloy ang pagkuha ng phone nito.
"Oo na. Magkita na lang tayo bukas," paalam n'ya sa akin.
Tumango ako kay James bilang sagot. Tinatamad na rin naman kasi akong magsalita.
Hindi ko na hinintay na makaalis si James at sinarado ko na ang pinto dahil baka magsalita pa ang isang ito.
Tumalikod ako sa pinto, at tinignan ko ang buong sala na sobrang tahimik ng paligid.
Tahimik akong naglakad papasok sa kwarto ko para matulog.
Dati pag-uwi ko sa bahay ay makita ko lang si Jonny ay hindi ko na maramdaman ang pagod, pero ngayon ay ramdam na ramdam ko ang pagod ko sa buong araw.
Nagpalit lang ako ng damit bago ako humiga sa kama. Nakatulala lang ako sa taas ng kisame habang inaalala ang mga masasayang alaala namin ni Jonny.
Hindi ko namalayan na tumulo na ang isang malungkot na tubig mula sa mga mata ko.
Mabilis kong pinahid ang luha ko, at pinikit na ang mata ko.
Itulog ko man ang lahat babalik at babalik din ang sakit.
"Pangako, Jonny. Hindi ako papayag na ganoon lang ang lahat," mahina kong saad bago ako tuluyang nahulog sa tulog.
Naalipungatan ako ng mayroon akong marinig na kumakatok mula sa pinto ng bahay ko. Mabilis akong napabangon na halos inaantok pa ang diwa ko.
Tinignan ko ang oras at alas dos pa lang ng umaga kaya sino naman ang may sira sa utak ang kakatok sa ganitong oras?
Wala akong nagawa kung hindi ang bumangon sa pagkakahiga ko.
Napakamot ako sa ulo ko dahil parang kilala ko na kung sino ang sira ulong ito.
Pipikit-pikit pa akong naglakad palabas ng kwarto.
Tinignan ko ang pinto ng bahay ko. Hindi naman malakas ang pagkakatok, pero wala itong tigil kaya medyo na gising ang diwa.
Hindi dahil sa ingay kung hindi sa inis.
"James, sarap mong balatan!" inis kong sabi sa sarili ko.
Paglapit ko sa doorknob ay in-unlock ko iyon, pero tuluyan akong nagising ng biglang bumukas agad ang pinto na iyon.
Napaatras ako ng ilang hakbang ng mayroong lumitaw na isang babae na biglang pumasok sa loob ng bahay ko.
Nabigla ako sa kan'ya kaya hindi ako maka-react. Nalipat ang tingin ko sa pinto na agad n'yang sinarado ito at ni-lock ang pinto.
Hindi ako kumikilos sa kinatatayuan ko dahil sa gulat ko. Pinagmasdan ko ang babae na mayroong tumutulong dugo mula sa braso nito.
Hindi ako mabilis mag-panic sa ganitong eksena, pero nabigla ako sa kan'ya, lalo na sa kalagayan n'ya.
Isang white cotton stretch broadcloth shirt ang suot nito kaya kitang-kita ang blood stain, pero isang bagay ang na pukaw ng attention ko. Ang hawak nitong handgun.
Napaatras ako ng bigla akong tignan ng babae na bakas sa kaniya ang sakit na dinadanas nito.
Sa tingin ko ay nasa forty or fifty plus na ang edad nito, pero fit ang katawan n'ya.
"T-tulungan mo ako," puno ng sakit nitong hingi ng tulong sa akin.
Napaupo s'ya sa floor dahil sa panghihina n'ya. I heard her heavy breathing while moaning in pain.
I walked towards her to help her. Hinawakan ko ang kabilang braso n'ya para alalayan ko itong makaupo ng ayos sa sofa ko.
Hindi ako takot sa hawak n'yang baril, dahil sanay na akong makakita ng baril.
"Lady, please send me to the hospital," nanghihina n'yang saad sa akin.
Hindi ko alam kung masamang tao ba s'ya o ano, pero agad kong kinuha ang susi ng motor ko.
"Kaya mo po bang maglakad pa?" tanong ko sa ginang.
Puno na ito ng pawis, at dugo ang braso n'ya.
Hindi ko na hinintay pang sumagot s'ya. Inalalayan ko na lang ito para muling lumabas.
Pansin ko ang pagiging alerto n'ya sa paglabas namin.
Pinaandar ko ang motor ko at sinakay ang babae sa likuran.
I started the engine. Nakahawak ito sa suot kong damit.
Habang nasa motor ako ay bigla kong naalala si Jonny. Kung na dala ko agad s'ya sa hospital ay baka mayroon pang pag-asa na buhay ito.
Mabilis kong pinapaandar ang motor. Ayoko ng mangyari pa ulit ang nangyari sa kapatid ko.
Sa pinakamalapit na hospital ko dinala ang ginang para magamot ito agad.
Inalalayan kami ng mga nurse para ilagay s'ya sa wheelchair at dahil sa emergency room dahil mukhang malala nga ang sugat niya sa braso.
"Don't leave me," mahinang saad ng ginang sa akin habang tulak-tulak s'ya sa wheelchair.
Hindi ko na lang ito pinansin. Hindi ko nga s'ya kilala tapos balak n'ya pa akong pagbantayin.
Bumalik ako sa motor ko para umuwi na. Ang suot kong pantulog ay mayroon na ring bakas ng dugo dahil sa pagkakahawak ng babae sa akin.
Balak ko ng umalis sa hospital, pero napansin ko ang handgun sa baba ng tapat ng motor ko.
Bigla kong naalala ang narinig kong putok ng baril kanina, at ang mga naka-motor na lalaki.
Hindi kaya ay ang babae na iyon ay mayroong kinalaman sa narinig kong putok?
Tinago ko ang handgun sa suot kong panjama bago ako pumasok sa loob ng hospital.
Gusto kong ibalik ang baril na ito sa kan'ya. Masama man s'ya o hindi ay wala akong interest sa kan'ya.
Bigla akong napahinto sa hallway.
"Kung wala akong interest sa kan'ya, bakit ko pa s'ya pupuntahan?" taka kong tanong sa sarili ko.
Napailing na lang ako. Muli akong lumiko para lumabas ng hospital.
Nasa exit na ako, pero biglang mayroong dumating na naka-motor na lalaki sa tapat ng entrance.
Mabilis na huminto ang paa ko sa paglalakad at hindi ko alam, pero naging duda ako sa alertong kilos ng lalaki sa pagpasok n'ya.
Agad akong tumalikod para kunwari ay mayroong akong tinitignan.
Napapikit ako. "Wala kang nakita, wala kang kinalaman dito," pigil ko sa sarili ko.
Huminga ako ng malalim. What if, 'yung babae na iyon ay isang inusenteng babae o biktima lang pala ito.
Umupo muna ako sa waiting area. Hihintayin ko kung mayroong gulong mangyayari.
Halos isang oras akong naka-upo, pero payapa naman ang lahat sa paligid.
Tumayo na ako at saktong nakita ko ang nurse na kanina ay tumulong sa ginang.
"Excuse me. Ano na ang lagay ng babaeng sinugod dito na mayroong sugat sa braso?" tanong ko sa kan'ya.
"Maayos na po ang lagay ni Mrs. Parelta, nasa room 309 po s'ya," sagot ng nurse sa akin.
Napatango naman ako sa kan'ya. "Salamat," sagot ko.
Nagsimula akong maglakad para puntahan si Mrs. Parelta.
Bawat nadadaanan kong room ay tinitignan ko ang number. Ibabalik ko lang ang baril nito.
Nang makita ko na ay pinihit ko ang doorknob, pero napakunot ang noo ko ng naka-lock iyon.
"Bakit nagla-lock pa ito?" taka kong tanong sa sarili ko.
Napapamewang ako. Itapon ko na lang kaya 'yung baril n'ya? Kaso baka hanapin sa akin lalo na at alam n'ya ang bahay ko.
Hindi ko naman siguro kasalanan ito. Tumulong na nga ako eh.
Balak ko na lang itapon. Aalis na sana ko ng mayroon akong marinig na pagkilos mula sa loob ng kwarto.
Tinignan ko ang pinto. Dapat ba talaga naka-lock ang pinto sa hospital.
Mabilis kong kinatok ang pinto dahil parang duda ako.
Minuto rin ang tinagal bago bumukas iyon. Napataas ang isang kilay ko ng isang lalaki ang lumabas. Ito 'yung lalaki kanina.
"Bakit?" seryoso nitong tanong sa akin.
Sa tingin ko ay thirty pataas na ang edad na ito, pero sa itsura n'ya ay duda na agad ako.
"Hinahanap ko kasi ang uncle ko, sabi ng nurse 300 something, medyo nawala kasi dahil mayroong dumating na pasyente kaya iniisa-isa ko na lang," paliwanag ko na pura kasinungalingan.
Kunwari ay kinamot ko ang ulo ko dahil sa hiya.
"Wala dito ang uncle mo," malamig n'yang saad sa akin.
Agad akong tumango sa kan'ya. Nag-bow ako ng konti, pero pansin ko ang medyo magulo sa loob ng kwarto.
Konting uwang lang ginawa ng lalaki, pero bakas sa loob ng mayroong kaguluhan na nangyayari.
Mariin kong pinipigilan ang sarili ko at kinukumbinsi na wag na lang makialam.
Isasarado na ang lalaki ang pinto, pero agad kong hinawakan ang doorknob at pinihit iyon para hindi ma-lock.
Huminga ako ng malalim. Hinawakan ko na ang baril na dala ko. Nang marinig ko ang kalabog sa loob ay agad akong pumasok.
Naabutan ko ang lalaki na sinasakal ang ginang kaya agad ko itong tinutukan ng baril sa ulo n'ya.
"Ititigil mo iyan o ititigil ko ang paghinga mo?" seryoso kong banta sa lalaki.
Mabilis n'yang binitawan ang babae na biglang naghabol ng hininga n'ya.
Umatras ako ng konti para lumayo sa lalaking iyon. Hindi ko alam kung ano ang problema nito, pero ngayon na pumasok sa ako sa loob ng kwartong ito ay siguradong mayroon na akong kinalaman sa lahat.
Nanlilisik ang mata ng lalaking nakatingin sa akin.
"Alam mo bang gumamit n'ya?" pang-aasar na tanong sa akin ng lalaking ito.
Isang smirk lang ang binigay ko sa kan'ya. Ang totoo ay natatakot ako ngayon, pero ayokong ipahalata dahil maari n'yang gamitin iyon laban sa akin.
"Hindi," tipid kong sagot.
Napatingin sa akin ang ginang.
"Kung ako sa 'yo ay umalis ka na, dahil malaking gulo ang papasukin mo," sagot ng lalaki sa akin. "Marami kami sa paligid ng hospital kaya ano mang gawin mo sa akin ay patay pa rin kayong dalawa," paliwanag n'ya sa akin.
Tinignan ko si Mrs. Parelta na umiling sa akin.
Naalala ko ang sinabi n'yang wag ko s'yang iiwan.
"Personal bodyguard ako ni Mrs. Parelta, lahat ng magtatangka sa buhay n'ya ay tatapusin ko ang buhay," matapang kong sagot.
Pero gusto ko na lang mapamura dahil sa katangahan ko.
Natawa ito ng mahina dahil sa sinabi ko. Tinignan n'ya ako mula ulo hanggang paa. Isang insulto ang dating sa akin.
"Isang mahinang babae?" question n'ya sa akin.
Natawa na lang ako. "Mahina?"
Mabilis kong kinalas ang baril sa harapan nilang dalawa. Ang ngiti nito ay biglang naglaho.
"Fight me."