-Natalia- HINALA ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Gray sa akin. Kanina ay kaya n'ya pang magbiro, pero ngayon ay sobrang seryoso na ng kaniyang mukha. "Bitawan mo ako!" inis kong utos kay Gray. Hinawakan n'ya ang damit ko sa likuran at doon ako hinila. Hinawakan ko ang kamay n'ya para tanggalin ko iyon, pero muntik-muntikan pa akong matumba dahil minsan ay nawawalan ako ng balanse. Buti na lang ay hawak ako ni Gray ang suot ko. Binuksan nito ang pinto ng passenger seat ng kotse n'ya sabay pasok sa akin sa loob. "Ayokong sumama!" giit ko. Hinawakan n'ya ang pinto ng kotse, ang isang kamay ay sa bubong ng kotse n'ya at konting nag-bend ito para magpantay ang mukha namin. Parang agila ang tingin n'ya sa sama nito. Hindi ko inatrasan ang tingin n'ya. Wala na akong makita