-Natalia- "KASALANAN mo iyan," sisi ko kay Gray. Tumalikod ako para umahon na sa tubig. Basa na ang buong katawan dahil sa kalokohan ng kasama ko. Nagtataka tuloy ako kung lalaki na ba ang kasama ko o bata pa rin dahil sa kinikilos nito. Pagkaahon ko ay muli kong sinulyapan si Gray. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko ng makita na hindi pa rin na umaahon si Gray. "Hoy! Wag mo nga akong niloloko!" kinakabahan kong sigaw kay Gray. Nakalutang si Gray, pero ang mukha nito ay naka-lublob sa tubig. "G-gray!" Hindi na ako nag-isip pa ulit, at pinuntahan ko na si Gray. Hindi kaya napalakas ang pagsiko ko sa kan'ya? Paglapit ko kay Gray ay hinila ko ito paangat. Nakapikit ito, at pansin ko na nagkaroon s'ya ng sugat sa gilid ng labi nito. "Gray," mahinahon kong tawag, pero ang totoo ay