-Natalia- "SAMAHAN mo ako." Umangat ang tingin sa nakakasilaw na parte nitong lugar dahil sa sinag ng araw. Nakatayo doon si Gray na parang kukuhanin ni Lord dahil sa liwanag. Tinignan ko muna ang hawak kong basahan. Nililinis ko ang motor ko ngayon dahil akala ko ay walang balak na umalis si Gray. Anong oras na, pero mayroon pang babae kagabi sa kwarto n'ya. Nakatambay ako sa labas para magpahangin. Pinikit ko ang mata ko para damahin ang malamig na simoy ng hangin. Ramdam ko ang kapayapaan ng paligid dahil sa katahimikan ng lugar. Muli kong dinilat ang mata ko para pagmasdan ang magandang lugar. Kahit na madilim ang paligid, pero mayroon namang mga kaunting mga lamp na nagbibigay liwanag sa paligid, isama pa ang liwanag ng buwan. Tinaas ko ang tingin ko para makita ang hindi mabi