Gray's point of view
"WHERE'S my Mama?" I asked Jefferson, my personal bodyguard in sleepy toned.
I went through the dining area to have my breakfast. Pagdating ko doon ay nakahanda na ang pagkain ko. Inaasahan kong hinihintay na lang ako ni Mama.
"Boss, dumating po si Madam na injured," sagot ni Jefferson sa akin.
Hindi ko na tuloy ang pag-upo ko ng marinig ko ang sagot n'ya sa akin. Hindi ako nagsalita at naglakad na ako papunta sa kwarto ni Mama.
Ang paalam n'ya sa akin ay mayroon lang itong meeting kagabi sa akin.
Pagdating ko sa kwarto n'ya ay naabutan kong nakahiga si Mama sa kama habang mayroong isang nurse na ginagamot ang sugat n'ya sa braso n'ya.
"What happened?" I asked her, seriously.
I got her attention, even her personal nurse turned her gaze on me.
"Akala ko ba mayroon lang kayong meeting?" tanong ko pa kay Mama.
"You may leave my room," she ordered to her nurse.
I sat down on her bed, looking at her injured arm.
Pagkaalis ng nurse ay umupo sa kama si Mama.
"You just remain laying," I worriedly said.
"Tama ba na ituloy natin ito?" tanong ni Mama sa akin.
Umiwas ako ng tingin sa kan'ya, at nilipat ko sa malaking picture nan aka-display sa loob ng kwarto ni Mama. That picture was taken at my fifteenth birthday, our last family picture with my father.
"Bumalik ka na lang sa America, I will take accountable," seryoso kong sabi kay Mama.
"No, pupunta lang ako doon kung kasama kita, but kung hindi ay mananatili ako dito," sagot ni Mama sa akin.
Binaling ko ang tingin ko sa kan'ya. "Look what happened to you, ayokong magaya ka kay Papa. I promised to him, I will protect you," sagot ko sa kan'ya.
Biglang ngumiti si Mama sa akin. "That's not your responsibility. I am your parent, and my duty is to protect you." Iniwas n'ya ang tingin sa akin at nilipat sa family picture naming. "Like your father did to us," dagdag pa n'ya.
Lihim na napayukom ang kamao ko ng maalala ko na naman ang pangyayari na iyon.
Naramdaman ko ang mainit na palad ni Mama na humawak sa kamay ko. Agad kong nilipat ang tingin ko sa kan'ya. Agad akong kumalma ng bigyan ako ng isang ngiti ni Mama.
"Calm your heart," payo ni Mama sa akin.
Tumango ako sa kan'ya. Si Mama lang ang nag-iisang babaeng nagpapakalma sa akin, siya na lang ang natitira kong pamilya kaya ayokong masaktan s'ya, pero ayoko naman mabaliwala si Papa.
Huminga ako ng malalim para tuluyan na akong kumalma, tumayo ako mula sa pagkakaupo.
"Papadalhan na lang kita ng breakfast dito," sabi ko kay Mama.
Tumango lang si Mama sa akin bilang sagot. Nagsimula akong maglakad palabas ng kwarto n'ya.
Marami na akong napatay at nakuha sa mga tauhan ni Nelson, but still not satisfied for everything I've been done in my life, my biggest dream is to get avenge my father, at mangyayari lang iyon pag napatay ko si Nelson Mendiola.
Naglalakad ako pabalik sa dining area ng bahay naming ng makasalubong ko si Samuel na nakasuot pa ng Amerikano.
Huminto ito sa tapat ko para mag-bow sa akin, pero agad ko itong sinuntok sa mukha sanhi ng pagkatumba n'ya sa floor. Ang mga maid na naglilinis sa bahay ay napatigil sa ginagawa nila dahil sa gulong nangyari.
Masama kong tinignan si Samuel na hindi kumikibo. Hinawakan ko s'ya sa kwelyo n'ya at sinimulan kong ayusin ang nagusot nitong suot.
"Sa oras na umuwi ulit si Mama na mayroong sugat, at buhay ka pa. Ako ang papatay sa 'yo," I calmly warned him.
"Naiintindihan ko po, Sir Gray," tugon n'ya sa akin.
Tinapik ko ang balikat n'ya bago ako maglakad paalis. P'wede lang magasgasan si Mama pag patay na silang lahat, kaya kung uuwi si Mama na mayroong sugat sa bahay ay ako mismo ang papatay sa kanila dahil sa hindi nila ginawa ng maayos ang trabaho nila.
Bumalik ako sa dining area para kumain na, pero ako na lang ang mag-isa doon.
Saktong dumating si Yaya Luz na mayroong dalang juice.
"Yaya!" sigaw ko.
Natawa ako ng magulat s'ya sa sigaw ko.
"Ano ka bang bata ka!" saway n'ya sa akin.
"Sabayan mo akong kumain," sabi ko sa kan'ya.
Hindi ako sanay kumain mag-isa at si Yaya naman talaga ang madalas kong kasabay pag wala si Mama.
"Mamaya na ako kakain. Marami pa akong gagawin sa labas," pagtanggi n'ya sa akin.
Binitawan ko ang hawak kong kutsara at sumandal sa inuupuan ko. "I need to leave this house? Seems you doesn't care about me anymore. I felt, I'm useless," drama ko kay Yaya Luz.
Tinignan ko si Yaya Luz na napapailing sa akin.
"Nag drama pa naman ang alaga ko. Oo na, dadalhan ko lang nagpagkain ang Mama mo," sagot n'ya sa akin.
Napangisi naman ako dahil mas effective talaga ang drama pag gwapo.
"Utos mo na lang iyon sa iba. Ang tanda-tanda mo na, hindi na kaya ng rayuma mo ang umakyat sa section floor," biro ko kay Yaya Luz.
"Sinong matanda?"
"Ikaw. Malamang na ako, eh wala pa naman akong anak," natatawa kong sagot kay Yaya Luz.
Naghanda ito ng pagkain para kay Mama at tinawag ang isang maid naming babae.
"Dalhin mo ito kay Ma'am Loretta," utos ni Yaya Luz sa babae.
Tinignan ko naman iyon mula ulo hanggang pa, dahil mukhang bago lang ito sa paningin ko.
Nawala ang tingin ko sa babae ng hawakan ni Yaya Luz ang mukha ko para iharap sa kan'ya.
"First time n'yo yatang kumuha ng bata?" tanong ko kay Yaya Luz.
Nagsimula kaming kumain na dalawa. Simula unang araw ko sa mundo ay magkasama na kami ni Yaya Luz sobrang close naming.
"Tumigil ka. Eighteen pa lang iyan," paalala sa akin ni Yaya Luz.
Napangisi naman ako na parang alam na alam n'ya ang balak ko.
"Wala akong balak na patulan iyon," depensa ko kay Yaya Luz.
"Kung ang mama ay hindi alam ang mga kalokohan mo, ibahin mo ako," sagot naman n'ya sa akin.
"Should I call you Mama na ba?" natatawa kong tanong kay Mama.
"Tigilan moa ko, bata ka. Kung gusto mo ng mag-asawa ay mag-asawa ka na, hindi iyang napakarami mong babae," sermon ni Yaya.
"Over naman 'yung napakarami," singhal ko kay Yaya. "Madami lang," natatawa kong sagot ko.
Napailing na lang ito sa akin. "Binabalaan kita, Gray. Pag iyan ginalaw mo, aalis talaga ako dito. Pamangkin ko iyan," banta ni Yaya sa akin.
"Wag mo akong tinatakot, Yaya Luz. Kahit pumunta sa langit ay susunduin pa rin kita. Saka alam ko naman hindi mo kayang iwan ang pinakagwapo mong alaga."
"Seryoso ako," seryosong saad ni Yaya sa akin.
"Oo na. Hindi ko papatulan 'yung pamangkin mo," sagot ko kay Yaya.
Nagpatuloy kami sa pagkain. Mamaya ay papasok pa ako sa office ko.
Isa akong managing partner sa limang partnership. Si Mama naman ay isang CEO sa naiwan ni Papa na corporation.
Ako naman ang susunod kay Mama, pero gusto ko munang mag-practice sa isang partnership bago pumasok sa corporation.
After kong kumain ay agad pumunta ako sa likod ng bahay namin at doon mo makikita ang shooting range na pinatayo ko para doon ako mag-practice na bumaril.
Pag sobra ang galit ko ay lahat dito ko binabaling.
Pumapatay ako ng tao, pero hindi ibigsabihin ay masama na ako. Pumapatay ako dahil iyon ang nararamdaman ko.
Hinawakan ko ang balikat ko na mayroong peklat mula sa tama ng baril noong bata ako.
Pinikit ko ang mata ko.
"Happy birthday, Grayzon," bati ni Mama sa akin.
Suot-suot ko ang itim na bago ko. kakalabas ko lang ng school, pero si Mama na agad ang bumungad sa akin.
Napangiti ako ng makita ko si Mama kaya agad akog tumakbo palapit sa kan'ya.
"Ma!" bati ko.
Tumingin ako sa paligid para hanapin si Papa dahil nangako s'ya na kumpleto kami sa birthday ko.
"Busy si Papa?" malungkot kong tanong kay Mama.
"Hindi naman maaaring mawala ako sa special na araw ng nag-iisa kong anak."
Napatalikod ako at muling sumigla ang mukha ko ng makita ko si Papa na nakatayo.
Agad akong tumakbo palapit kay Papa.
"Akala ko busy ka," masaya kong sabi kay Mama.
"Hindi namang pwede iyon," sagot n'ya sa akin.
"Saan mo gustong pumunta?" tanong ni Papa sa akin.
"Kain na lang tayo ng dinner sa Japanese restaurant," request ko kay Papa.
"Ikaw ang masusunod ngayon," masayang saad ni Papa sa akin.
Sumakay na kami sa loob ng kotse at agad na nagmaneho si Papa papunta sa lagi naming kinakainan na Japanese restaurant.
Sobrang saya naming nagkukulitan sa loob ng kotse. Ako ang nasa back seat dahil sila Papa ang nasa front.
"Pa, sabi mo tuturuan mo akong bumaril?" tanong ko kay Papa.
Hilig kasi nila Mama iyon, pero hindi pa rin ako tinuturuan nila.
"Ano ba ang usapan natin?" tanong n'ya sa akin.
Napasandal ako sa upuan. "Pag-eighteen na ako," malungkot kong sagot.
"Maghintay ka pa ng tatlong taon," sagot ni Papa sa akin.
"Okay po," saad ko.
Pagdating namin sa restuarant ay si Mama ang nag-order.
"Gray," tawag ni Papa sa akin.
Tinignan ko si Papa at nginitian n'ya.
"This is for you, my gift." Inabot ni Papa ang isang kahon.
Inabot ko iyon at medyo mabigat kaya nagtaka ako kung ano ang laman noon.
"Sa bahay mo na buksan dahil baka magtakbukan ang mga tao dito," biro ni Papa sa akin.
Wala akong idea sa laman ng regalo, pero tumango na lang ako kay Papa.
Pagdating ni Mama ay nagsimula na kaming kumain at sobrang saya ng araw na ito. Minsan lang kasi kami mabuo dahil parehong busy ang magulang ko sa trabaho kaya kung mayroon pagkakataon na buo kami ay gusto ko kumain kami sa labas.
After naming kumain ay nagpa-picture kami bago umuwi. Hawak-hawak ko ang regalo ni Papa sa akin.
Nag-kwe-kwentuhan kami ni Papa na naglalakad papunta sa parking lot habang si Mama ay nasa comfort room pa s'ya.
"Excited na akong buksan ito, Pa," masaya kong sabi kay Papa.
"Magugustuhan mo iyan," sagot n'ya sa akin.
Binuksan ko ang pinto ng kotse para pumasok na ako sa loob, pero isang paa pa lang ang napapasok ko sa loob ng kotse ay sunod-sunod na malalakas na putok ang narinig ko.
Napahawak ako sa tenga ko dahil sa lakas ng ingay.
"Papa!" tawag ko kay Papa.
Tumakbo ako para hanapin si Papa.
"Ahh!" daing ko ng mayroong tumama sa balikat ko.
Tinignan ko iyon. Biglang namanhid ang katawan ko at wala akong maramdaman na kahit ano ng ilang segundo.
Dahil sa lakas ng dama ng baril sa balikat ko ay napatumba ako sa floor, nabitawan ko ang hawak kong regalo ni Papa sa akin.
Kasabay ng pagtumba ko ay nakita ko mula sa ilalim ng kotse namin na nakahandusay ang katawan ni Papa sa kabilang side ng kotse.
Tumulo ang luha ko na makita ko na puno ng dugo si Papa.
"P-papa!" nanghihina kong tawag sa pangalan ni Papa.
"Ahhh!" sigaw ko dahil sa sobrang pamimilipit ko sa sakit.
Ngayon ko na nararamdaman ang sakit ng pagtama ng baril sa balikat ko. Sobrang bigat ng paghinga ako at para akong nanghihina hanggang sa lumalabo na ang paningin ko.
"P-papa!" huling salita ko bago magdilim ang paligid.
Dinilat ko ang mata ko, kinuha ko ang pistol sa harapan ko at agad kong inubos ang bala ng baril sa defender na ilang metro ang layo sa akin.
Sa tuwing naaalala ko ang bagay na iyon ay lalo akong ginaganahan na patayin si Nelson.
Sinira n'ya ang pamilya ko kaya hindi ako titigil para sirain s'ya.
Tinignan ko ang baril na hawak ko na umuusok pa ang dulo noon. Pero bukod sa pagkawala ng ni Papa ay nawala rin ang regalo na binigay n'ya sa akin.
Hindi ko pa na bubuksan iyon, at nalalaman ang laman ay bigla na lang nawala.
Binaba ko ang baril dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matapatan ang galing ni Papa sa pagbaril.
I need more practice.