Natalia's point of view
"SINO ang may gawa n'yan?"
Nagising ang diwa ko nang mayroon akong marinig na ingay sa malapit.
Dinilat ko ang mata ko para tignan kung ano ang ingay na iyon. Puting kisame agad ang nakita ko kaya alam ko ng hindi ito ang bahay ko.
"Si Sir Gray. Kasalanan ba natin na umiba ng daan si Ma'am Loretta?" rinig ko pang reklamo ng boses ng lalaki.
Binaling ko ang tingin ko doon at mabilis akong napaupo sa pagkakahiga ko ng mayroong dalawang lalaki ang nakita ko.
Ito 'yung lalaki kanina, 'yung kalbo.
Napatingin ako sa katawan ko. Akala ko ay mayroon ng ibang nangyari, pero wala naman akong ibang pakiramdam sa katawan ko kaya alam kong walang nangyari.
"Ano ang kailangan n'yo sa akin?" tanong ko sa kanila.
Sabay na napatingin ang mga ito. Pansin ko ang kalbong lalaki ay mayroon ng pasa sa gilid ng labi n'ya.
Gawa ko ba iyon? Wala akong matandaan after ng mag-black out lahat.
"Kami walang kailangan sa 'yo, ang amo namin mayroon," sagot sa akin ng kalbong lalaki.
Mabilis akong tumayo. "Uuwi na ako," seryoso kong sabi sa kanila.
Maglalakad na ako palapit sa pinto, pero agad na sumunod sa akin ang kalbong lalaki para pigilan ako.
Ilamg inches na lang ay mahahawakan n'ya ang braso ko kaya agad akong nag-respond doon. Mabilis kong kinuha ang baril na nakasabi sa belt n'ya at tinutok sa kanilang dalawa.
Napataas ang dalawang kamay ng lalaki, pero ang kasamahan n'ya sa pa ay tinutukan din ako ng baril.
Hindi ko kilala sila kaya wala na dapat ako dito.
"Bitawan mo iyan," u***g ng lalaki sa akin na nakasuot na pulang shirt.
Nginisihan ko lang s'ya.
"Are you fast enough?" tanong ko sa kan'ya.
Nakatitig ako sa hawak n'yang baril dahil sa galaw ng daliri nito ay malalaman ko kung kailan n'ya kakalabitin ang trigger.
"Balak ka lang kausapin ng amo namin," paliwanag ng kalbo sa akin.
"Wag kayong susunod," banta ko sa kanila.
Binuksan ko ang pinto ng kwarto at mabilis akong tumakbo palabas. Hindi nila ako pinaputukan, pero agad nila akong hinabol.
Hindi ko alam kung nasaan ako, pero sobrang laki ng bahay na kinaroroonan ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, pero ng makita ko ang hagdan ay tumakbo ako doon pababa.
Napatigil ako ng mayroong mga maid na naglilinis doon.
"Tumigil ka!" sigaw ng kalbo sa akin.
Hindi ako nakinig sa kanila. Agad akong tumakbo palapit sa malaking pinto, pero hindi pa ako nakakalapit ay mayroong lumabas na tatlong lalaki doon.
Patuloy naman sa paglapit ang dalawang lalaki sa akin.
Ang mga maid na naglilinis ay pinapanuod lang ako dito na para bang normal lang sa kanila ang ganito.
"Binabalaan ko kayo. Wag kayong lalapit sa akin!" banta ko sa kanila.
"Hindi ka namin sasaktan," pagpapakalma ng lalaking naka red sa akin.
"Ako kaya ko kayong saktan," seryoso kong reply.
Kalmado lang ako, pero alerto ang lahat ng sense ko sa kanila.
"Wag kang mas'yadong mayabang dahil maling kilos mo lang ay pata—"
Hindi natapos ni Kalbo ang sasabihin n'ya ng paputukin ko ang baril na hawak ko. Hindi ko pinatama sa kan'ya, pero pinadaplis ko sa gilid ng tenga n'ya.
Lahat na ay naglabasan ng baril at tinutok sa akin.
Napakunot ang noo ko ng malipat ang tingin ko sa isang litrato na naka-display sa loob ng bahay.
Nawala ang focus ko sa kanilang lahat dahil sa lalaking nasa picture.
Nag-flashback sa akin ang mukha ng lalaking pumatay sa kapatid ko. Ang lalaking hinahanap ko para ipaghiganti ko ang kapatid kong pinatay n'ya na walang kalaban-laban.
"Tumigil kayo!" isang sigaw mula sa itaas ang narinig naming lahat.
Ang babaeng tinulungan kong dalhin sa hospital.
Lahat sila ay binaba nila ang baril nila kaya dahan-dahan ko ring binaba ang baril ko.
Sinundan ko s'ya ng tingin hanggang sa makababa ito. Nagamot na ang lahat ng sugat n'ya.
Pansin ko ang pagbibigay galang kay Mrs. Parelta ng tuluyan na itong makababa sa first floor.
"Anong kailangan mo sa akin?" seryoso kong tanong sa kan'ya.
"Do you remember what I said to you?" tanong n'ya sa akin.
"Hindi ko tatanggapin—"
"Your innocent eyes will lead you to victory," putol n'ya sa akin.
Tinignan n'ya ang hawak kong baril.
"I don't want to be fool," saad n'ya pa sa akin.
"Uuwi na ako," sagot ko sa kan'ya.
Hindi ito kumibo, pero muling tinignan ang hawak kong baril. Mabilis kong kinalas ang baril sa harapan nila at hinagis iyon sa floor.
"Mayroon pa akong trabaho."
"Tanggapin mo na ang offer ko," alok n'ya sa akin. "I need you," dagdag pa nito sa akin.
Tinuro ko ang mga taong nakapaligid sa kan'ya. "Hindi pa ba sila sapat?" tanong ko kay Mrs. Parelta.
Alam ko ang kakayahan ko, pero wala kong planong maging isang bodyguard ng isang masamang tao.
Sa tingin ko ay itong grupo na ito ang hinahanap ko, pero isa lang ang gusto kong makita. 'Yung lalaki na sa picture na naka-display dito sa living area, dahil iyon ang lalaking pumatay sa kapatid ko.
"Masmagaling ka sa kanila," puri sa akin ni Mrs. Parelta.
"Ma'am, wag mo naman kaming ikumpara sa babaen—"
"Just wipe your blood on your ear," utos ni Mrs. Parelta.
Hindi ko sila pinansin. Kung tatanggapin ko ang trabaho na ito ay sigurado akong mabilis lang akong makakalapit sa lalaking hinahanap ko.
"Ikaw na ang magsabi ng halagang gusto mo," offer ni Mrs. Parelta sa akin.
"Pag-iisipan ko," sagot ko sa kan'ya.
Tinignan ko ang picture na naka-display. Hindi ako maaaring magkamali dahil malinaw sa akin ang mukha ng lalaking iyon.
"Tinatanggap ko na," pag-iiba ko ng desisyon.
Tinignan ko ng seryoso si Mrs. Parelta. Biglang ngumiti sa akin ito dahil sa nakuha nito ang kaniyang gusto.
"Tama iyan," puri n'ya sa akin.
Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko. Wala akong tiwala sa mga pulis kaya gusto ko na ako na lang ang kikilos.
Mamatay man ako dito ay wala naman ng maghahanap sa akin dahil nag-iisa na lang ako.
"Kailangan kong pumunta sa office ko kaya simula ka na ngayon," saad ni Mrs. Parelta sa akin.
"Office?"
Boses ng lalaki ang biglang sumulpot. Bigla akong nakaramdam ng kakaiba ng marinig ko ang boses na iyon kahit na hindi ko pa nakikita ang itsura n'ya.
Hindi ko nilingon iyon, at nanatili lang akong kalmado sa harapan nila.
"You should take a rest, Mama."
Sumulpot ang lalaki na pawis na pawis. Nakasuot ito ng sando at sport short na halatang nagpapawis.
Mariin kong pinagdikit ang dalawa kong ngipin ng makita ko ang lalaking matagal ko ng gustong makita.
Gusto ko ng sumabog at patayin ang lalaking ito, pero ayokong gumawa ng isang katangan ngayon.
"Saglit lang naman iyon," paalam ni Mrs. Parelta sa gagong lalaki na ito.
Kung swerte ka nga naman. Ang pumatay sa kapatid ko ay ang anak n'ya, pero niligtas ko pa ang ina n'ya.
Nilapat ang tingin sa akin ng anak ni Mrs. Parelta. Napakunot ang noo n'ya ng makita ako, pero mabilis akong umiwas ng tingin sa kan'ya.
Dahil baka patayin ko na s'ya ngayon pa lang.
"Huh? Mayroon ba kayong meeting? Or show?" takang tanong ng anak ni Mrs. Parelta.
"I'd like you to meet my savior," pagpapakilala ni Mrs. Parelta sa akin.
Nagulat ang lahat ng biglang tumawa ng malakas ang gagong ito. Halata sa kan'ya ang mayroong sira sa ulo.
Maayos ang itsura n'ya kaya pagkakamalan mong isang mabuting tao, pero gusto ko s'yang pinuin ng tingga sa ulo.
Ayos lang na makulong ako basta mapatay ko lang s'ya.
"Saan ka niligtas nito, Mama?"
Wala akong reaction sa kanilang lahat. Bukod sa galit ay wala na akong nararamdaman sa loob ng bahay na ito.
"S'ya ang naghatid sa akin sa hospital," sagot ni Mrs. Parelta.
Naglakad ang anak ni Mrs. Parelta palapit sa harapan ko.
Hindi ako tumitingin sa mata n'ya, pero isang direction lang ang tingin ko.
"She can drive?" tanong pa n'ya pa sa Mama n'ya. "Bukod sa magandang mukha n'ya, I only see the weak girl inside her," pang-iinsulto n'ya sa akin.
"Be careful son," paalala ni Mrs. Parelta.
"Anong gagawin mo dito?" tanong niya sa Mama n'ya. "Our new maid?"
Konti na lang ay sasabog na ako sa kan'ya, pero pinipilit kong kumalma.
Napansin ko ang pagtawanan ng ibang mga tao sa paligid namin.
"Bodyguard ko," sagot ni Mrs. Parelta.
Binalot ng malakas na tawa ang buong living room dahil sa hindi ito makapaniwala sa sinagot ng ina n'ya sa kan'ya.
"Wag mo nga akong binibiro, Mama."
"Seryoso ako, Gray," sagot ng Mama n'ya.
Tinignan ako ni Mrs. Parelta.
"Dadalhin ka ni Yaya Luz sa magiging kwarto mo, at maghanda ka na para sa pag-alis natin," utos sa akin ni Mrs. Parelta.
Isang tango lang ang binigay ko bilang sagot kahit na gusto kong umapakan anf lalaking nasa harapan ko.
"Seryoso ka, Mama?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Gray.
Tinawag s'yang Gray ni Mrs. Parelta kaya malamang ay pangalan nito ay Gray.
"Yes," sagot ni Mrs. Parelta bago ito umalis.
Nagsimula na ring nagsialisan ang mga tauhan nila hanggang naiwan na lang ay si Gray at ako.
"Sanay ka bang makipaglaban?" tanong nito sa akin.
Napatingi ako sa balikat ko ng hawakan n'ya iyon kaya isang matalim na tingin ang binigay ko sa kan'ya.
"Wag mo akong hahawakan," banta ko sa kan'ya.
Mabilis nitong tinanggal kamay n'ya sa pagkakahawak sa akin. Pero napatingin ako sa braso ko ng mahigpit n'ya iyong hinawakan.
"Hindi ko alam kung anong nakita sa 'yo ni Mama, pero isa lang ang rule ko dito. Hanggang hindi ka patay ay hindi p'wede magalusan ang Mama ko," seryoso nitong saad.
Ngayon ay nakita ko na ang totoo nitong ugali. Tinatago n'ya lang sa palabirong pagkatao n'ya, pero ang totoo ay napakasama ng pagkatao n'ya.
"Sinabi ko na wag mo akong hawakan," matapang kong sagot ko sa kan'ya.
Marahan kong hinila ang braso ko sa pagkakahawak n'ya sa akin. Kahit takot ay wala akong maramdaman sa kan'ya.
Nginisihan n'ya ako bigla.
"Hindi ko kayang ipangako iyan," sagot niya sa akin sabay kindat sa akin.
"Anong pangalan mo?" tanong n'ya sa akin.
"Saan ang kwarto ko?" tanong ko sa kan'ya.
Kumunot ang noo nito sa akin dahil sa hindi ko pagsagot sa tanong n'ya.
"Naririnig mo ba ako?" seryoso n'yang tanong sa akin.
Nakita ko na mayroong paparating na isang matanda palapit sa amin. Nilagpasan ko si Gray dahil nasusuka ako sa pagmumuka n'ya.
"Saan po ang kwarto ko?" tanong ko sa babae na sa tingin ko ay ito ang tinutukoy n'yang Yaya Luz.
"Ako na ang maghahatid sa kan'ya, Yaya Luz," saad ni Gray. "Sumunod ka sa akin," utos n'ya.
Hindi ako kumilos dahil hindi ako susunod sa lalaking iyan.
"Ija, sumunod ka na kung gusto mo ng kapayapaan," pangungumbinsi sa akin ni Yaya Luz.
Tinignan ko si Gray na seryoso ang tingin sa akin.
"Sige na. Susunod na lang ako sa 'yo after kong makausap si Ma'am Loretta," saad pa ni Yaya Luz sa akin.
Labag sa loob kong sumunod ako sa lalaking iyon. Malaki ang bahay ba ito kaya kailangan ko ng guide.
Dinala n'ya ako sa isang maliit na kwarto. Pumasok ako sa loob, pero nagulat nagtaka ako ng pumasok din s'ya sa loob.
Taka ko s'yang tinignan. Seryoso lang s'yang nakatingin sa akin.
Mahigpit n'ya akong hinawakan sa braso ko at masamang tinignan ako, sobra ring lapit ng mukha n'ya sa akin.
"Sa susunod na kinakausap kita at hindi ka sumagot ay hindi mo magugustuhan ang gagawin ko," banta n'ya sa akin.
Wala naman akong emosyon na binigay sa kan'ya.
Ramdam ko ang sakit sa paghawak n'ya sa akin, pero hindi ko iyon iniinda.
Sa unang pagkakataon ay tinitigan ko s'ya sa kaniyang mata.
Isang ngisi lang binigay ko kay Gray.
"Kay Ma'am Loretta lang ako makikinig," matapang kong sagot sa kan'ya.
Hinawakan ko ang kamay n'yang nakakapit sa akin at mariin kong inalis iyon sa braso ko, pero hindi ko inaalis ang tingin ko sa kan'ya.
"Wala akong paki-alam kung anak ka pa n'ya."