Natalia's point of view
"FIGHT me," hamon ko sa lalaking kaharap ko.
Isang mapang insultong tawa ang binigay n'ya sa akin na para bang isang biro ang binitawan kong salita sa kan'ya.
Sakto ay ilang oras na lang ay bago magliwanag. Walang mahina sa taong puno ng galit sa katawan. Binato ko sa harapan n'ya mismo ang kinalas kong baril.
Agad akong pumesto para maghanda sa laban naming. Hindi mababakas ang takot sa akin, pero pansin ko na mukhang tingin nila sa akin ay isa akong mahina.
"Sigurado ka ba sa desisyon mo sa buhay?" tanong nito sa akin.
Hindi ako kumibo. Tinignan ko ang babae na mayroon namang sugat sa mukha.
"Tignan mo 'yung amo ko," turo ko sa kan'ya.
Isang maangas ang tingin niya kay Mrs. Parelta.
"Doble ng ginawa mo sa amo ko ang ibibigay ko sa 'yo kaya kung ako sa 'yo ay umalis ka na o simulan mo n lang magdasal," banta ko naman sa kan'ya.
Naglakad ang lalaki sa akin kaya bigla akong na alerto sa kan'ya. Inambahan na n'ya ako ng suntok kaya isang mabilis na sipa sa maselang parte ng katawan n'ya ang agad kong ginawa.
Nabalot ng daing ang buong kwarto ito dahil sa pagsigay n'ya.
Agad akong kumilos para kuhanin ang baril na nakakalat sa floor. Mabilis ko iyong binuo bago pa maka-recover ang lalaki.
Mabilis kong tinutok sa lalaki ang baril pagkabuo ko noon.
Natigilan s'ya dahil pinakita kong kilos. Isa namang ngisi ang pinakawalan ko sa kan'ya.
"Mahinang babae? O isang mahinang lalaki?" pang-aasar ko sa kan'ya.
"Sa tingin mo ba ay kumukuha ako ng mahinang tauhan?" tanong ni Mrs. Parelta sa lalaki.
Tumayo ito. Nagulat ako ng makita na kinuha n'ya ang baril sa pagkakahawak ko, at napaatras ako ng isang malakas na putok ang umalingawngaw sa buong kwarto.
Ang pagtumba na lang ng lalaki ang nakita ko sa floor at dahan-dahan ang paglabas ng dugo mula sa ulo n'ya sa puting tiles.
Tinignan ko ang babae na ngayon ay mababakas mo sa mukha n'ya ang isang nakakaatakot na babae.
"Sumunod ka sa akin?" utos nito sa akin.
Puno man ng pagtataka ay agad naman akong sumunod sa kan'ya palabas ng kwarto.
Pansin ko na parang normal lang itong maglakad ngayon.
Sanay na sanay na ba s'yang pumatay ng tao? Mali ba ang taong tinulungan ko?
Paglabas namin sa hospital ay sa parking lot kami na punta. Tumigil ako sa paglalakad ng bigla nito akong tinutukan ng baril.
"Wala akong nakita," kalmado kong sabi sa kan'ya.
"Paano ka natutong gumamit ng baril?" seryoso nitong tanong sa akin.
Nalipat ang tingin ko sa likuran n'ya na mayroong mga lalaki na lumabas, sa tingin ko ay mga nurses.
Huminto ito sa likuran ni Mrs. Parelta.
"Practice," tipid kong sagot.
Agad na binaba ni Mrs. Parelta ang nakatutok na baril sa akin.
Napakunot ang noo ko na mayroong inabot na card ang isang lalaki kay Mrs. Parelta.
Humarap naman sa akin si Mrs. Parelta at binibigay ang card na hawak nito.
"O-offer-an kita ng trabaho bilang bodyguard ko," saad n'ya.
Tinignan ko ang calling card nito.
"Mayroon akong trabaho," pagtanggi ko.
"Kalahating milyon sa kada buwan," offer nito ulit sa akin.
"Pasyensya na, pero mayroon akong trabaho," muli kong pag tanggi.
Hinawakan ni Mrs. Parelta ang kamay ko.
"The person like you, is what I needed in my team. The fearless lady, strategic person, and can think. Just don't refuse my offer yet. I will give you some time to think about my offer." Nilagay n'ya sa palad ko ang isa calling card, at muli akong tinignan sa mata ko. "Your innocent eyes will lead you to victory."
Tinignan ko ang card na hawak ko ngayon.
"See you," paalam nito sa akin.
Tumalikod s'ya sa akin para maglakad na.
"Hindi ako tumatanggap ng trabaho na masama," seryoso kong saad.
Tumigil s'ya sa paglalakad, at muling humarap sa akin.
"Hindi porket ikaw ang pumatay ay ikaw na ang masama, sometimes you need to kill for your own satisfaction," huli nitong saad bago tuluyang pumasok sa isang magarang kotse.
Pinanuod ko lang sila na umalis hanggang sa nawala.
Napahinga ako ng malalim at tinignan ko ang calling card na kulay silver and black.
"Sometimes you need to kill for you own satisfaction?" pag-uulit ko sa sinabi n'ya.
Nagsimula akong maglakad papunta sa motor ko. Mayroon pa akong pasok ngayon sa trabaho ko.
Habang nakasakay ako sa motor ay dumiretso ako sa shooting range ni James.
Alam kong walang tao pa doon dahil sobrang aga pa.
Alas kwatro pa lang ng umaga. Alam kong pumasok doon kahit ngayong oras. Si James mismo ang nagturo sa akin noon.
Pagdating ko sa shooting range ay agad kong kinuha ang susi sa ilalim ng paso.
Dumaan ako likuran. Pagbukas ko ng pinto ay agad akong pumasok sa madilim at tahimik na shooting range.
Wala akong balak galawin na kung ano, gusto ko lang tumambay ngayon dito.
Si Jonny lang kasi ang naaalala ko pag nasa loob ako ng bahay namin.
Umupo muna ako sa waiting area at pinagmasdan ang mga baril na naka-display dito.
"Kung hindi kita na mukhaan baka akalain ko ay magnanakaw ka."
Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon.
"Anong ginagawa mo dito?" taka kong tanong kay James.
Bigla itong natawa sa akin. "Ako may-ari nito. Ikaw anong ginagawa mo dito?" balik n'yang tanong sa akin.
Galing ito sa madilim na lugar at naglakad palapit sa akin.
"Gusto ko lang tumambay dito," sagot ko sa kan'ya.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.
"Ang lungkot mag-isa," sabi ko kay James.
"Pakasalanan mo na lang ako para hindi ka mag-isa," biro nito sa akin.
Humarap ako kay James at balak ko itong hampasin dahil sa biro n'ya, pero agad n'yang nahawakan ang kamay ko.
"Bitawan mo ako," banta ko sa kan'ya.
Inantras ko ang ulo ko ng nilapit n'ya ang mukha n'ya sa akin. At ngayon ko naamoy ang alak sa kan'ya.
Kaya pala malakas ang loob nito.
"What if ayoko?" tanong n'ya sa akin.
Agad ko itong sinipa sa paa n'ya kaya napangisi ako ng lumayo s'ya sa akin na iniinda ang sipa ko.
"Matulog ka na," utos ko kay James.
"Gusto nga kasi kita! Masyado ka kasing matapang kaya walang nanliligaw sa 'yo," sagot nito sa akin.
"Lasing ka lang. Uuwi na ako," paalam ko sa kan'ya.
Tatalikod na dapat ako ng hinila ni James ang kamay ko palapit sa kan'ya at hapit ang bewang ko.
"Seryoso, gusto kita. Alam ni Jonny iyon," seryoso n'yang saad sa akin.
Agad kong hinampas ang ulo nito.
"Kailangan ko munang mahanap kung sino ang pumatay sa kapatid ko," paliwanag ko kay James.
Hindi ko tipong lalaki si James, pero kung ako ang papipiliin ay pwede na rin ang isang ito. Mabait naman s'ya, medyo weak lang.
"Tapos?" taka nitong tanong sa akin.
"Papakasalan kita," biro ko sa kan'ya.
Babawiin ko sana ang sinabi ko, pero nanlaki ang mata ko ng bigla n'ya akong hinalikan.
Agad kong tinulak si James dahil sa kalokohan nito. Pinunasan ko ang labi ko at sinamaan ng tingin si James.
"Kailangan mo ng tuparin ang pangako mo," nakangiti n'yang sabi sa akin.
"Nagbibiro lang ako," sagot ko kay James.
Alam kong pwede na si James, pero kung wala na akong mahahanap.
Nawala ang ngiti n'ya sa labi at seryosong tumingin sa akin.
"You're joking?" takang tanong n'ya sa akin.
"Akala ko nagbibiro ka lang?" taka ko ring tanong sa kan'ya.
Napaiwas s'ya ng tingin sa akin, napakamot ito ng ulo n'ya at natawa ng mahina. "Oo nagbibiro lang ako," sagot n'ya sa akin.
"Wala pa rin bang balita sa kaso ni Jonny?" tanong ko kay James.
Tinignan ko si James na malayo na ang tingin. Agad itong umiling sa akin bilang sagot n'ya sa akin.
"Sa tingin ko ay malaki ang magagastos sa kasong ito," sabi ni James sa akin.
Tumingin siya sa akin. Ako naman ang umiwas ng tingin sa kan'ya.
Hindi naman ako mayaman.
"Malaking grupo ang kakalabanin natin kung sakaling mahuli sila kaya kahit ibenta ko ang shooting range na ito ay baka matalo tayo," paliwanag ni James sa akin.
Noong una ay hindi ko iniisip ang mga gagastusin sa lahat dahil ang gusto ko kang ay mayroong managot sa pagkawala ni Jonny, pero tama nga naman si James na kailangan ko ng malaking pera.
"Hihingi na lang ako ng tulong kay Papa—"
"Laban ko ito at hindi ng pamilya mo, dapat ako ang namomoblema sa bagay na iyan," putol ko kay James.
Baka nga lawyer pa lang ay hindi ko na ma-afford.
"Mahalaga si Jonny sa akin kaya gusto kong tumulong," sabi pa ng katabi ko sa akin.
Appreciate ko ang gusto n'yang mangyari, pero hindi ko naman dapat abusuhin ang kabaitan ni James.
"Marami ka ng natulong sa akin," bawi ko kay James.
"Grabe, parang with concern ang boses mo ngayon. Mayroon ka bang sakit?" natatawa n'yang tanong sa akin.
Humarap ako kay James. Ang nangyari kanina ay agad na naming kinalimutan.
Baka lasing lang talaga s'ya kaya n'ya nagawang halikan ako, pero wala na sa akin iyon dahil mare-realize n'ya naman iyon bukas.
Tumambay pa ako ng isang oras sa shooting range. Gumamit na rin ako ng baril para makapag practice.
Hindi ko kwinento kay James ang nangyari sa akin kanina dahil ayoko ng madamay pa s'ya.
"Inaantok na iyang mata mo," sagot ko kay James.
"Wala pa akong tulog," natatawa n'yang sagot sa akin.
Hinatid n'ya ako sa palabas ng shooting range.
"Wag mong bantayan iyan dahil hindi naman tatakbo ang mga baril mo," natatawa kong sagot kay James.
Medyo matamblay na s'ya dahil mukhang wala pa ngang tulog talaga si James.
Sumakay na ako sa motor ko para umuwi na.
Habang nasa motor ako at papalapit sa bahay ko ay napansin ko na hindi kalayuan na mayroong mga naka-park na kotse malapit sa bahay ko.
Napakunot ang noo ko dahil bakit ang daming tao doon.
Maaga pa naman dahil five pa lang ng umaga kaya wala pang masyadong mga tao sa labas.
Huminto ang motor ko sa tabi.
"Anong kailangan n'yo?" taka kong tanong sa kanila.
Hindi ko alam kung ilang lalaki ang nakapaligid sa bahay ko, pero lahat sila ay napatingin sa akin.
"Get her," rinig kong utos ng isang naka amerikanang kalbo.
Mabilis na kumilos ang mga lalaki para kuhanin ako, pero mabilis ko ring niliko ang motor ko para makatakas.
Pinaharurot ko iyon para makalayo na at sa tingin ko ay hindi naman ito nakasunod agad-agad.
Napahigpit na lang ang hawak ko sa handle ng motor dahil sa inis. Ito ang ayokong mangyari, ang magkaroon ng gulo dahil sa nakita ko.
Napansin ko sa side mirror ko na mayroon ng sumusunod sa akin na kotse sa likuran.
"s**t!" buntal ko dahil sa inis.
Ano ba itong napasok ko?
Bibilisan ko pa sana lalo ang takbo ng motor ko ng mayroong mga nakaharang na kotse sa dadaanan ko.
Mabilis akong napahinto na halos magsemplang ako dahil sa mabilis ang pagtakbo ng motor.
Tinignan ko ang likuran ko na nagsihinto na rin.
Ang oneway road ay hinarang nila ang mga kotse nila kaya wala akong iba na madadaanan.
"Ano ba ang kailangan n'yo sa akin?!" sigaw kong tanong sa kanila.
Mga armadong lalaki ang mga ito kaya hindi ako makapalag sa kanila, lalo na at sobrang dami nila.
"Sumama ka na lang sa amin!"
Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at iyon ang kalbong lalaki.
"Bakit naman ako sasama sa 'yo?" singhal kong tanong sa kan'ya.
"Sasama ka o itutumba ka namin?" banta sa akin ng kalbo.
Naghanap ako ng maaari kong takasan, pero wala na talaga. Ang magkabilang gilid nitong daan ay ilog na.
"Hindi ako sasama," sagot ko sa kan'ya.
Hindi n'ya ako matatakot na papatayin n'ya ako dahil wala na rin namang maiiwan kung mawala ako.
Habang papalapit ang lalaki.
"Sumama ka na lang para hindi ka na masaktan," kalmado nitong sabi sa akin.
Bumaba ako sa motor, pero napatingin ako sa braso ko ng mayroong tinusok ang lalaki sa braso ko.
"Anong ginawa mo?" nahihilo kong tanong.
Biglang nandilim ang lahat...