CHAPTER 17

2016 Words
Natalia's point of view ISANG linggo na mula ng manatali ako sa lugar na ito. Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming ganap dahil patuloy pa rin sa pagpapagaling si Ma'am Loretta sa braso n'ya. Tinignan ko ang oras at ala una ng gabi, pero hindi pa rin ako nakakatulog. Simula ng mangyari ang pagsira ni Gray sa phone ko ay wala na kaming naging pag-uusap pa. Ako na mismo ang lumalayo dahil baka hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko. Bumangon ako sa mula sa pagkakahiga ko sa kama para simulan na ang plano ko. Hindi lang basta-basta dapat ang lahat. Bago ko gawin ang lahat ay dapat makabisado ko na ang lugar na ito, kung saan ako lalabas o saan dapat dumaan para tumakas. Paglabas ko sa loob ng kwarto ko. Ang kwartong kinalalagyan ko ito na ang pinakadulo ng bahay ng Parelta. Katabi ko lang ang mga kwarto ng mga maid nila, pero ang mga ibang tauhan ni Gray ay mayroon silang sariling lugar dito. Duon din dapat ako kaso nga babae ako. Lumaki ako ng walang problema kasi sino ang kasama ko, magkaiba man ang ugali namin ay wala akong pakialam. Madilim na ang paligid dahil sa malamang sa malamang ay tulog na ang mga tao dito. Naglibot muna ako sa paligid ng loob ng bahay nila. Masyadong malaki ang bahay na ito para lang sa dalawang tao, pero marami naman silang tauhan. Maraming naka-display na painting, mga mamahaling vase sa paligid ng bahay. Hindi ko naman pagdududahan kung bakit ganito kaganda ang bahay nila dahil CEO si Ma'am Loretta at rinig ko naman ay managing partner ng isang partnership si Gray. Sobrang tahimik ng buong paligid ng bahay kaya nararamdaman ko ang payapa sa paligid. Baba lang muna ang nilibot ko. Balak ko sanang lumabas, pero ng nasa bandang living area na ako ay mayroon akong nahagip sa peripheral vision ko na isang tao mula sa taas ng hagdan. Tumigil muna ako saglit para bigyan ng attention iyon. Madilim ang buong paligid, pero mayroon namang sinag ng buwan. Balak ko ng umalis dahil para guniguni ko lang iyon. Isang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay napansin ko ang isang anino, na halatang mayroon nakatago sa corner. Nilabas ko ang butterfly knife ko na lagi kong dala ngayon dahil wala kong tiwala sa mga tao sa loob dito. Dahan-dahan akong naglakad pupunta sa taas, at hindi ko inaalis ang tingin ko doon sa aninong nakita ko. "What are you doing?" Napalingon ako sa likuran ko ng mayroong magsalita at nakita ko si Gray na kunot ang noong nakatingin sa akin. Naglakad ito palapit sa akin, pero binalik ko ang tingin sa anino. Agad akong napatakbo pupunta sa taas ng mawala na iyon. "Hey!" sigaw ni Gray sa akin, pero hindi ko s'ya pinansin. Tumingin ako sa paligid kung mayroon bang tao. Pinuntahan ko nag lugar kung saan mayroong anino kanina. "I warned you, don't piss me off." Nakatingin lang ako sa corner ng pader na ito. Hinarap ko si Gray at agad kong hinawakan ang braso n'ya. "What are you doing?" taka n'yang taong. Sinandal ko s'ya sa pader. "Wag kang gagalaw," sabi ko kay Gray. "Crush mo ba ako? Ano gagawin mo sa akin?" Humakbang ako ng ilang metro palayo kay Gray para tignan kung anino ba talaga ng tao ang nakita. "Kung sinabi mo lang na crush mo lang ako ay p'wede naman natin pag-usapan ng maayos, gusto mo pa 'yung pinipikon ako." Naiinis na ako sa ingay n'ya. Kalalaki n'yang tao, pero ang daldal n'ya. Isang hakbang paatras ang ginawa ko. Tumakbo ako pabalik kay Gray dahil tama ako na mayroong tao dito kanina. "Mayroong tao," saad ko kay Gray. "What do you mean?" takang tanong ni Gray sa akin. Agad ko s'yang nilagpasan para libutin ang second floor nila. "Hoy, Wordless, anong ibig mong sabihin na mayroon tao?" humahabol na tanong ni Gray sa akin. Bawat corner ng lugar ay tinitignan ko para makasigurado akong hindi ako mali. Bawat room ay binuksan ko. "Alam mo bang bawal iyang ginagawa mo? Anak ako ng boss mo kaya sumunod ka sa akin!" mukhang na pipikon n'ya ng utos sa akin. Ang huling kwarto ang ay binuksan ko ay walang tao. Napatigil na ako dahil baka nga guniguni ko lang ang nakita ko. Pumunta sa harapan ko si Gray na seryoso na ang mukha nito. Nalipat ang tingin n'ya sa hawak kong knife na agad nitong hinablot mula sa kamay ko. "Akin ito. Bumalik ka na sa lungga mo bago pa ulit ako mapikon sa 'yo," utos n'ya sa akin. Bigla kong naisip na kaming dalawa lang pala ang nandito, pero hindi muna ngayon. Inagaw ko muli ang knife sa kan'ya. "Akin na ito ngayon," seryoso kong sagot sa kan'ya. Ngumisi s'ya sa akin. "Sanay ka naman pa lang sumagot," sabi n'ya sa akin. Aalis na dapat ako dahil wala naman ng kwenta ang pinag-uusapan namin ng lalaking ito. "Bibigyan kita ng maraming ganiyan para naman matuto kang magsalita," Singhal n'ya sa akin. Tinignan ko ang likuran ni Gray. Ang huling pinto na binuksan ko ay mayroong kurtina doon na kulay asul, pansin ko ang pag galaw noon. Sabi na at hindi ako mali ng nakita. "Naakit ka na ba sa mukha ko?" tanong n'ya pa sa akin. Nilabas ko ang talim ng balisong na hawak ko at mabilis ko iyon hinagis sa kurtina. "Ahhhh!" malakas na sigaw mula sa tao ang umalingawngaw sa tahimik na paligid. Napangisi ako dahil lumabas na ang namamalipit sa sakit ang lalaki. Tinamaan ko s'ya sa hita at pasalamat s'ya at hind isa alaga n'ya. "What the fvck?!" gulat na saad ni Gray. Mabilis n'yang nilapitan ang lalaking iyon na mayroong takip na itim ang mukha n'ya. Lumapit na rin ako sa lalaki, hindi para makita kung sino ito. "Anong ginagawa mo dito at paano ka nakapasok?" maotoridad na tanong ni Gray. Nagulat ako ng biglang sinipa ni Gray ang lalaki sa mukha. Ngayon ay nakikita ko na ang dalawang side ng ugali ni Gray. Kailangan ko talagang mag-ingat sa tao na ito. Playful guy is more dangerous than a serous one. "Hindi ko sasabihin," sagot ng lalaki. Bigla akong napangisi dahil kung ako ang nasa p'westo ni Gray ay nakakapikon ang ganoong sagot. Muling ginulpi ni Gray ang lalaki kaya tumalikod na ako. Walang kasalanan sa akin 'yung lalaki na iyon kaya hindi na ako makikialam kay Gray. Nagsimulang nagsidatingan ang mga tauhan ni Gray kasama na doon si Jefferson. "Sino ang nag-utos sa 'yo?!" puno ng galit na tanong ni Gray sa lalaki. Napahawak ako sa tenga ko dahil sa gulat ng nagpaputok bigla si Jefferson ng baril. Taka ko s'yang tinignan dahil baliw ba s'ya? "Wag mo ng pag-aksayahan ng panahon iyan, Sir. Mukhang tauhan ni Nelson dahil sa tatoo nitong bulaklak," paliwanag ni Jefferson kay Gray. Balak ko ng umalis, pero napatingin ako sa tinukoy ni Jefferson na tatoo. Sa dibdib ng lalaking nakahandusay sa floor nakalagay ang tattoo. Nagulat ako ng mayroong humawak sa balikat ko kaya biglang nag-respond ang katawan ko doon. Hawak ko ang kanang kamay ni Samuel habang nakapilit iyon. "Aray!" daing nito sa akin. Mabilis ko s'yang binitawan para pakawalan. "Ano bang problema mo?" inis nitong tanong sa akin habang iniinda ang sakit ng ginawa ko. "Wag mo akong hahawakan," seryoso kong sagot sa kan'ya. "Linisin n'yo na ito," seryosong utos ni Gray sa kanila. Tinignan ko si Gray na sobrang seryoso na ng mukha n'ya. Tinignan ko ang bagay na binigay n'ya sa akin. "Bumalik ka na sa kwarto mo," utos n'ya sa akin. Kinuha n'ya ang kamay ko at binigay ang butterfly knife sa akin bago ako lagpasan para umalis. Muli kong tinignan ang hawak ko na mayroong dugo sa talim noon. Tinignan ko si Jefferson, pero sinamaan ko ng tingin si Samuel. Naglakad na ako paalis doon sa kwartong iyon. Nakita ko si Gray na pumasok sa isang kwarto dito at napakunot ako ng pabalibag n'yang sinarado ang pinto. Bumalik na ako sa kwarto ko, diretso sa bathroom para hugasan ang kutsilyo na hawak ko ngayon. Habang nakatingin ako sa kutsilyo hawak ko ay napa-isip ako kung paano nakapasok ang lalaking iyon dito. Sa dami ng tauhan ni Gray ay malabong makapasok ito agad. Umiling ako sa sarili ko. Bakit ko ba iintindihin ang kapakanan nila kung isa rin naman ako sa papatay kay Gray? Huminga ako ng malalim. Iniisip ko ang bulaklak na tattoo. Iyon ba ang dapat kong bantayan? Pagkatapos kong linisin ang kutsilyo ay bumalik na ako sa pagkakahiga ko. Nakatingin lang ako sa kisame habang nag-iisip sa nangyayari. Neutral na kang ako sa mga nangyari dahil hindi naman bago sa akin ang pangyayari na mayroon na makakita ng ganoon. Dahil hindi naman ako makatulog ay tumayo ako sa pagkakahiga ko. Binuksan ko ang cabinet ko at kinuha ang bag ko doon. Kinuha ko sa loob ang isang bagay na unang beses kong makakita ng mayroong nakahandusay na tao sa harapan ko, kita ng dalawang mata ko kung paano barilin at bumaksak ang taong iyon. Hinawakan ko ang isang mabigat na kahon. Nakabalot ito sa gift wrapper, hindi ko kilala kung kanino ba ito, hindi ko rin alam ang pangalan n'ya o kung buhay pa ba ang may-ari nito. Gusto kong isoli sa kan'ya ito, pero hindi ko alam kung paano ko s'ya makikita. "To my best son, use it when you needed," basa ko sa nakasulat sa card. "Natalia, dito ka na lang," sabi ni Papa sa akin. Nakaupo ako sa motor habang si Papa naman ay pumasok sa isang restaurant para bumili ng pagkain namin sa bahay. Bigla akong napababa sa motor ng sunod-sunod na putok na baril ang narinig ko. Pansin ko ang mga tao ay biglang nagkagulo kaya agad akong tumakbo papunta kay Papa, pero napahinto ako ng mayroon akong makitang lalaki na may hawak na baril. Mabilis akong nagtago sa likuran ng kotse. Napahawak ako sa bibig ko ng bumaksak ang isang lalaki. Mayroong isang batang lalaki na sa tingin ko ay kaedad ko lang. Napahawak ako sa tenga ko ng muli na naman magpaputok ng baril ang mga lalaking hindi ko makilala. Nabitawan ng batang lalaki ang hawak bago ito bumagsak sa floor. Tumigil na ang putok kaya kahit kinakabahan ako ay lakas loob akong pumunta sa dalawang lalaki na nakahiga sa floor. Saglit akong natigil dahil sa punong-puno na ito ng dugo sa katawan. "P-papa..." nahihirapang saad ng batang lalaki. Inabot ko ang regalo n'ya at balak ko itong tulungan, pero natakot ako ng mayroong humawak sa braso ko. "Umuwi na tayo," seryosong sabi ni Papa sa akin. Napatingin ako sa lalaking nakahiga sa malamig na floor at naliligo sa sarili n'yang dugo habang papalayo ako sa kan'ya. "P-paano sila, Papa? Tulungan natin sila," nag-aalala kong sabi kay Papa. Hinihila ako ni Papa papunta sa motor namin at sinakay ako doon. Hinarap ako ni Papa at tinignan ang sa mga mata ko ng diretso. Tinuturo ko ang mga lalaking punong ng dugo na nakahiga sa floor. "Kawawa naman sila, Papa," puno ng pag-aalala sa boses kong sabi kay Papa. "Hindi ka ba nasaktan?" nag-aalalang tanong ni Papa sa akin. Mabilis akong umiling sa kan'ya dahil mas inaalala ko 'yung mga nabaril kaysa sa akin. "Mabuti naman, wala kang nakita, okay?" sabi ni Papa sa akin. Taka kong tinignan si Papa dahil sa sinabi n'ya sa akin. "H-hindi natin sila tutulungan?" taka kong tanong kay Papa. "Wala tayong kinalaman sa nangyari, hindi natin alam kung masama ba silang tao o hindi," paliwanag ni Papa sa akin. Sinuot ni Papa ang helmet sa akin at puno pa rin ng pagtataka ang utak ko. "Pag wala kang alam ay hindi ka nila idadamay," sagot pa ni Papa sa akin. Nagmamadaling umalis si Papa sa lugar na pinangyarihan. Habang umaandar ang motor ay nadaanan namin ang lugar na pinanyarihan at puno na iyon ang mga mga tao. Napatingin ako sa hawak kong kahon na hindi ko nabalik sa lalaki, hindi ko nakita ang mukha n'ya at hindi ko rin alam kung buhay pa ito. "Sorry..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD