CHAPTER 16

2013 Words
Gray's point of view KUNOT-NOO kong pinagmamasdan ang galaw ni Natalia. "Hindi kaya professional iyan?" rinig kong bulong ni Anthony. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kamay ni Natalia dahil maski ako ay hindi ko kaya ang ginagawa nito. "10!" sigaw n'ya para mawala ang katahimikan sa buong kwartong ito. Lahat kami ay nakatitig sa hawak ni Natalia na baril, dahil wala pa sa kalahati si Samuel ay tinutok na ni Natalia ang baril n'ya kay Samuel. Saan ba galing ang babaeng ito? "Masmabilis talaga ang bibig kaysa sa kilos," seryoso nitong hayag kay Samuel. Bigla akong napa-smirk dahil hindi nga kukuha si Mama kung hindi talaga ito magaling. "What a shame," pang-aasar n'ya kay Samuel. Natawa naman ako ng mahina doon ng makita ko ang itsura ni Samuel. Pinanuod ko lang kung paano humawak ng baril at iputok iyon ni Natalia. Pinagmasdan ko ang buong katawan ng babaeng nasa harapan ko. Sa tingin ko ay hindi lang ito isang babae kung hindi isang delikadong babae. Seryoso kong tinignan ang hinagis ni Natalia na baril sa harapan namin. Pagbibigyan ko s'ya ngayon dahil wala ako sa mood mapikon sa babae. Hindi ako pumapatol sa babae, pero kaya kong iutos iyon lalo na at nasa loob s'ya ng teritoryo ko. "Don't be little the person by appearance. Nobody know how's strong the person are," walang gana n'yang sabi sa amin. Nilipat nito ang tingin n'ya kay Samuel. "Mouth can lie, but performance doesn't," sabi pa nito. Ngayon ay marami na s'yang sinasabi. Kinuha ni Natalia ang butterfly knife at modern gun ko. Wala naman problema sa akin dahil kaya ko naman bumili ng isang daang beses ng bagay na iyon. Huminto sa tapat ko si Natalia kaya isang seryosong tingin ang binigay ko sa kan'ya. "Wordless is better than nonsense." What the hell? Ako ba ang tinutukoy n'yang nonsense? "Kung ikaw ayaw mong mapikon sa akin, wag mo akong kausapin. Wag kang nagtatanga-tangahan," mataray nitong saad pa sa akin. Naglakad na ito palabas ng shooting range, pero ako ay biglang napatayo para sugurin na ang babaeng iyon. "Kalma, Sir. Babae iyan," awat sa akin ni Jefferson. Marahan kong inalis ang pagkakahawak n'ya sa akin at inayos ang suot ko. "Haist! Tang-ina, babae na nga lang natalo ka pa!" inis kong sabi kay Samuel. Masama kong tinignan ang babaeng iyon na lumabas na sa lugar na ito. Wala pang bumabastos sa akin ng ganito sa buong buhay ko, kung hindi ang babaeng lang na iyon. Sarap n'yang gulpihin. "Iwan n'yo ako!" galit kong sigaw sa kanilang lahat. Napapikit ako dahil sa inis kong. Kumuha ako ng isang baril at sinimulan kong ubusin ang bala na iyon sa targer ko. "Magaling lang iyon sa practice, pero sa totoong laban ay siguradong takot din iyon," inis kong saad sa sarili ko. Tinignan ko ang target retreiver ni Natalia kanina at napakunot ang noo ko ng makita ko na iisang butas lang ang nandoon. "Sino ba s'ya sa inaakala n'ya? Bahay ko ito kaya ako ang masusunod!" sigaw ko. At muli akong nagpaputok ng baril. Natalia's point of view "SAAN ka ba kasi nagtatrabaho? Gusto kong makita kung ayos ka lang ba ang lugar na iyan," sabi ni James sa akin mula sa kabilang phone. Pangalawang araw ko na sa lugar na ito, pero dahil kailangan magpahinga ni Ma'am Loretta ay hindi naman kami umaalis. Nandito lang ako sa loob ng bahay nila. Naglakad ako papunta sa labas para magpahangin ako. Napangiti ako dahil si Jonny ang naalala ko sa tuwing mayroong nangungulit sa akin. "Next time na lang. Bawal pa magpapunta dito dahil injured ang boss ko," sagot ko kay James. "Dito ka na lang magtrabaho sa amin—" Napatingin ako sa likuran ng mayroong humablot sa phone ko. "Ibang klase ka naman yata? Baka gusto mong umupo sa sofa namin, Madam," seryosong saad ni Gray sa akin. "Akin na 'yung phone ko," sabi ko sa kan'ya. Nanlaki ang mata ko ng bigla n'ya iyong binato sa floor. Hindi lang basta bato sa phone ko kung hindi ay puno ng pwersa n'yang binato, dahilan para magkapira-piraso ang phone ko. "Baliw ka ba?!" sigaw ko sa kan'ya. Ano bang nasa isip n'ya para gawin iyon. "Binantaan na kita, wag mo akong pinipikon!" giit n'ya sa akin. "Wala akong ginagawa sa 'yo!" mariin kong sagot sa kan'ya. Nginisihan n'ya ako, at lumapit sa akin. Ang mga tauhan ni Gray pati na ang mga maid dito ay wala silang magawa kung hindi ang manuod. Seryoso ang mukha, pero nabigla ako ng hilahin n'ya ang suot kong damit para palapit sa kan'ya. "Pag dadaan ako ay wag kang haharang sa dadaanan ko," bulong n'ya sa akin. Na-out of balance ako ng itulak n'ya ako ng malakas. Nilagpasan ako ni Gray at balak ko ito sugurin dahil sa inis ko sa kan'ya ay humarang naman si Jefferson sa harapan. "Pasyensya na, mainit lang ang ulo ni Sir Gray. Ikaw lang ang napagbalingan," paliwanag ni Jefferson sa akin. Huminga ako ng malim at tinignan ko ang sira kong phone na hindi ko na magagamit pa. "Wala akong paki kung mainit ang ulo n'ya," sagot ko kay Jefferson. Pinulot ko ang phone ko at sumunod ako sa labas ng bahay. "Natalia!" tawag ni Jefferson sa akin. Tumakbo ako para pigilan si Gray na pumasok sa loob ng kotse n'ya. "Palitan mo ang phone ko," inis kong demand sa kan'ya. "Umalis ka d'yan!" taboy n'ya sa akin. Napayukom ang kamao ko. 'Yung phone na sinira n'ya ay bigay sa akin ni Jonny. Masama kong tinignan si Gray, pero parang ng iinis lang s'ya lalo at trip n'ya lang gawin sa akin iyon. Umalis ako sa pagkakaharang sa kan'ya. Bakit ko pa papalitan ang bagay na binigay ni Jonny sa akin kay Gray, eh s'ya nga ang dahilan ng pagkawala ng kapatid ko. Umiwas ako ng tingin kay Gray. Pinatay nga n'ya ang kapatid ko ng walang kasalanan, kaya bakit hindi n'ya sisirain ang phone ko na walang dahilan. Umalis na ako sa harapan n'ya at naglakad papasok sa loob ng bahay nila. Hindi ko kailangan magsayang ng oras sa walang kwentang lalaking iyon. Gusto ko talagang sumabog dahil sa lalaking iyon. Pumunta ako sa kusina para uminom sana, pero nakita ko si Yaya Luz nagluluto doon. "Anong ingay ang nangyari sa labas?" tanong ni Yaya Luz sa akin. "Nagkasagutan lang po kami ni Sir Gray," sagot ko kay Yaya Luz. Nakita kong ngumisi si Yaya Luz sa akin. Dahil kinausap na ako ni Yaya Luz ay kumuha na rin ako ng tubig para pampakalma ko. "Wag mong pansinin ang batang iyon," nakangiting sabi ni Yaya Luz sa akin habang hinahalo ang niluluto n'ya. Pagkakataon lang ang hinihintay ko dahil igaganti ko ang kapatid ko. "Mabait na bata si Gray, mayroon lang trauma kaya nagkakaganyan minsan ang ugali n'ya," paliwanag ni Yaya Luz sa akin. Wala akong pakialam kung anong trauma ang mayroong si Gray. Pero 'yung trauma na binigay n'ya sa akin ay kailan man ay hindi na maalis. "Pakisamahan mo lang ay magiging magkasundo kayo," saad pa ni Yaya Luz. Tinignan ko si Yaya Luz na medyo mayroon ng katandaan. Siguro ay fifty plus na ito. "Lahat ng tauhan dito ay ganiyan n'ya unang pinakisamahan, siguro ay ganiyan ang way n'ya para makilala ang isang tao," paliwanag ni Yaya Luz sa akin. "Hindi ko po s'ya gustong makilala," seryoso kong saad kay Yaya Luz. Tinanggap ko ang trabahong ito para patayin s'ya. Makulong man ako o mamatay sa lugar na ito, basta mapatay ko lang si Gray ay wala na akong pakialam sa ibang mangyayari sa akin. Ngumiti si Yaya Luz sa akin at mayroong nakakalokong tingin sa akin. "Baka mamaya ay magkagusto ka pa sa alaga ko?" biro n'ya sa akin. "Kalokohan," sagot ko kay Yaya Luz. Isang mahinang tawa lang ang binigay sa akin ni Yaya Luz. Napatingin ako sa bagong dating na si Samuel kay agad na akong nagpaalam kay Yaya Luz, "Yaya Luz, mayroon papahangin lang po ako sa labas," paalam ko kay Yaya Luz. Hindi ko tinapunan ng tingin si Samuel dahil ramdam ko ang galit nito sa akin. Hindi ako takot sa kan'ya at hindi rin ako takot kahit kanino dito. Pagkalabas ko ay pinagmasdan ko lang ang tirik na araw. Umupo ako sa bench dito sa labas at pinapanuod ko kung paano umagos ang tubig mula sa fountain sa hindi kalayuan sa pwesto ko. Miss ko na si Jonny. Napayuko ako dahil nararamdaman ko ang pag gigilid ng luha ko. Ayokong mayroong makakita sa akin dito na umiiyak ako. Pero hindi ko napigilan at tumulo ang luha ko sa sementong inaapakan ko ngayon. Napahinga ako ng nalalim. Sa dami ng tao sa lugar na iyon bakit si Jonny pa? Napatingin ako sa one pair leather shoes sa harapan ko. Mabilis kong pinunasan ang luha sa mata ko dahil mayroong tao. Napatigil ako ng bigla n'ya akong abutan ng panyo. Inangat ko ang tingin ko kung sino iyon. Binigyan ako ng isang ngiti ni Jefferson habang inaabot sa akin ang panyo n'ya. "Hindi ko kailangan," seryoso kong sabi sa kan'ya. Akala ko ay umalis sila ng asungot n'yang amo? Anong ginagawa n'ya dito? Kinuha ni Jefferson ang kamay ko at inabot ang panyo sa kamay ko sabay upo sa tabi ko. "Wag kang mag-alala, hindi ko pagsasabi na umiyak ka," nakangiti n'yang sabi sa akin. Pinunasan ko na agad ang luha ko gamit ang panyo ni Jefferson. Sa lahat ng tao dito ay s'ya lang ang mukhang mayroong matinong ugali. "Tahimik ka ba talaga o ayaw mo lang talaga magsalita?" tanong ni Jefferson sa akin. Tumingin ako sa malayo. Ayoko s'yang pagkatiwalaan dahil isa lang s'ya sa katulad ni Gray. "Ayoko lang," tipid kong sagot. Nakita kong tumango ito, pero hindi ko pa rin s'ya tinitignan. "Paano ka natutong bumaril?" tanong pa nito sa akin. Napatingin na ako kay Jefferson dahil sa dami n'yang tanong. "Inutusan ka ba ni Gray?" tanong ko sa kan'ya. Dahan-dahan s'yang umiling sa akin. "Hindi. Nakikita ko lang kasi na wala kang kausap dito," sagot n'ya sa akin. Muli kong iniba ang tingin ko. "P'wede mo akong kausapin, kung gusto mo lang," prisinta n'ya sa akin. "Akala ko ay umalis kayo ng asungot mong amo?" tanong ko kay Jefferson. Ayokong pag-usapan ang personal na bagay sa aming dalawa kaya 'yung gagong si Gray na lang. "Mayroon iyong date ngayon. Hindi kami sinasama pag mayroon iyong date," paliwanag ni Jefferson. Ma-ambush sana s'ya para wala ng hirap ang pagpunta ko dito. "Ano ba ang ginagawa n'yo?" tanong ko kay Jefferson. Tinignan n'ya ako. "Hindi mo ba alam ang pinasok mo?" taka n'yang tanong sa akin. "Bodyguard lang ang pinasok ko," sagot ko sa kan'ya. Tumango s'ya sa akin. Wala akong idea kung ano ba talaga ang ginagawa nila at kaya nilang pumatay ng mga inosenteng tao para lang sa ganoon. "Wag mo ng alamin, lalo lang magiging delikado ang buhay mo," biglang singit ng isang lalaki. Sabay kami napatingin ni Jefferson at nakita ko doon si Samuel. Iniba ko ang ang tingin ko dahil isa pa itong asungot. "Wala ka bang idea bakit ka pinilit ni Ma'am Loretta na maging bodyguard n'ya?" tanong nito sa akin. Hindi ako nagsalita dahil ang totoo ay hindi ko talaga alam. Pumayag lang ako dito dahil sa mayroon akong gustong gawin at hindi protektahan sila. "Dahil mayroon kang nakita kaya wala ka ng kawala, kaya ka nandito dahil mayroon ka ng alam," paliwanag ni Samuel sa akin. Tumayo ako dahil mula sa pagkakaupo ko at hinarap ko si Samuel. "Sinabi ko na sa kan'ya na wala akong nakita," sagot ko sa kan'ya. "Isa lang ang dahilan ni Ma'am Loretta kaya ka pa rin pinakuha sa amin," sambit ni Samuel. Tingin lang ang binigay ko sa kan'ya, pero hinihintay ko ang pagpapatuloy nito sa sasabihin n'ya. "Wala s'yang tiwala sa 'yo," nakangising sagot ni Samuel. "Kung wala s'yang tiwala sa akin. Bakit n'ya ako pinalit sa 'yo?" bawi ko sa kan'ya. Tinignan ko si Jefferson at binalik ko ang panyo sa kan'ya bago ko sila lagpasan pareho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD