CHAPTER 18

2015 Words
Natalia's point of view NAGING busy ang lahat at kasama na ako doon. Gumaling na ang braso ni Ma'am Loretta kaya ay madalas na akong wala dito sa bahay, kasama ko si Ma'am Loretta sa office n'ya, pero lagi lang ako sa labas at nakabantay. Katulad ngayon ay nandito lang ako sa labas ng office n'ya. Nakaupo lang ako, pero hindi naman ako ganoon kabilis mainip kaya ayos lang sa akin at ganitong trabaho ang gusto ko, 'yung walang ginagawa sa buhay. Mayroong papalapit na lalaki sa office ni Ma'am Loretta. Nakasuot ito ng suit at Mukhang nagtatrabaho sa building na ito. Hahayaan ko lang itong pumasok sa loob, pero napahinto ito ng makita n'ya ako. "Sino ka? Naliligaw ka ba?" taka nitong tanong sa akin. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko para lumapit sa kan'ya. "Bodyguard po ako ni Ma'am Loretta," sagot ko sa kan'ya. Napangiti s'ya sa akin. "Hindi ka bagay maging bodyguard," nakangiti n'yang sabi sa akin. Mukha itong kagalang-galang, pero hindi naman ako naapektuhan sa sinabi n'ya sa akin. "My name is Director Edward, pamangkin ako ni Tita Loretta," pagpapakilala n'ya sa akin. Tumango ako sa kan'ya. Hinawakan ko ang doorknob para pagbuksan s'ya. "Nakakahiya naman na ang magandang binibini pa ang nagbukas ng pinto," nakangiti n'yang sab isa akin. "Wala naman pong problema sa akin 'yon," sagot ko kay Sir Edward. "Anong mayroon?" takang tanong ni Ma'am Loretta. "Nothing, Aunty. I just bit wonder with your new bodyguard, kinda pretty for her job," puri ni Sir Edward sa akin. Pumasok s'ya sa loob kaya sinarado ko na ang pinto. Salamat sa puri n'ya, pero ayos na ako. Bumalik ako sa pagkakaupo ko at nagbabantay na naman ako. Ilang minuto lang ang tinagal ni Sir Edward sa loob ng office ay lumabas rin ito agad. Binigyan ko lang ito ng konting bow bago s'ya Naglakad paalis. Ang kagaya n'yang tao ay halatang sobrang busy n'ya sa buhay.  Ilang oras pa ang hinintay ko bago kami umuwi ni Ma'am Loretta. Madilim na rin sa labas. Sa itsura ni Ma'am Loretta ay makikita mo ang isang mahinhin na babae sa kan'ya, pero ang totoo ay isang delikadong tao rin. Pagpunta namin sa parking lot ay naghihintay doon ang driver ni Ma'am Loretta. Sumakay ako sa passenger seat at si Ma'am Loretta naman sa back seat. Wala pa akong malinaw na plano sa gagawin ko, pero nagsisimula na ako. Ang balak ko muna ay gumaan ang loob ng mga tao sa loob ng bahay ng mga Parelta. Pag-uwi namin sa bahay ay hinarap ako ni Ma'am Loretta. "Natalia, I was exousted, can you give this to Gray when he at home?" tanong ni Ma'am Loretta sa akin. Tinignan ko ang isang envelope na inaabot n'ya sa akin. Mabilis ko naman kinuha iyon dahil no choice naman ako kung hindi sumunod. "Sige po," sagot ko kay Ma'am Loretta. Pagkakuha ko ng envelope ay naglakad na ito paalis at umakyat sa taas. Pumunta muna ako sa kwarto ko para maligo dahil ramdam ko ang lagkit sa katawan ko. After noon ay saglit lang akong nagpahinga. Kinuha ko ang litrato ni Jonny, Mama at Papa na magkakasama kami. Gusto kong hilingin na mabuo tayo, pero isang malabong mangyari iyon. "Prinoprotektahan ko sila, pero samantala kayo ay wala akong nagawa," mahina kong saad. Tinignan ko ang oras sa wall clock at ten na ng gabi. Kailangan ko ng matulog, pero mukhang kailangan ko pang ibigay kay Gray ang maliit na sobreng ito. Paglabas ko ay si Jefferson ang nakita ko. "Si Gray?" tanong ko sa kan'ya. "Gray?" pag-uulit n'ya. Tumango ako sa kan'ya. "Bigyan mo naman ako ng tapang," natatawa n'yang saad sa akin. Wala naman akong panahon para makipag biruan sa kan'ya. "Nasaan nga ang boss mo?" walang gana kong tanong. Pag sa lalaking iyon ay wala talaga akong gana. Inis lang ang nakikita ko sa kan'ya pag nakikita ko ang mukha n'ya. Tinuro n'ya ang taas. "Nasa kwarto n'ya, pero mayroong uwing babae kaya wag mo munang abalahin," paalala n'ya sa akin. Nilagpasan ko na si Jefferson at naglakad ako papunta sa taas. "Binalaan kita!" rinig kong sigaw n'ya. Pumunta ako sa kwarto ng kumag para ibigay ang pinapabigay ni Ma'am Loretta. Ayoko ng isipin ang bagay na ito kaya ibibigay ko na sa kan'ya. Pagtapat ko sa pinto ng kwarto ni Gray ay kumatok ako ng tatlong beses. Walang sumasagot kaya muli akong kumatok, pero wala pa ring nagbubukas kaya patuloy lang ako sa pagkatok sa pinto n'ya. "Ano ba!" galit n'yang sigaw pagbukas ng pinto. Nakahubad ito at boxer na lang ang suot. Pansin ko agad ang babae na mukhang wala ng suot dahil nagkalat na sa floor ang damit nila. "Pinapabigay ng Mama mo," seryoso kong sabi kay Gray. Napahawak ito sa hamba at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. Tinignan n'ya ang hawak ko at napailing ito. "Inistorbo mo ako para lang d'yan?" inis nitong tanong sa akin. "Kuhanin mo na," boring kong sabi sa kan'ya. "Paano kung ayok—" Hinagis ko sa mukha n'ya ang envelope dahilan para mapatigil ito sa pagsasalita n'ya. Tatalikuran ko na dapat si Gray ng bigla n'yang hinila ang braso ko at isinadal sa pader. "Konti na lang 'yung pasyensya ko sa 'yo," mahina n'yang saad sa akin. Sobrang lapit ng mukha n'ya sa akin at halos amoy ko na ang amoy alak n'yang hininga. Buong lakas ko s'yang tinulak palayo sa akin. "Wala akong pakialam kung maubos pa," seryosong sagot ko sa kan'ya. Tumalikod na ako sa kan'ya baka mapatay ko lang s'ya ng hindi oras. "Pasalamat ka at mayroon akong bisita!" sigaw n'ya sa akin. Wala akong pakialam sa 'yo. Gray's point of view DAHIL sa pikon ko ay kinuha ko ang baril sa loob ng kwarto ko at mabilis na itinutok sa babaeng iyon. Hindi lang ako pumapatay ng taong wala naman kasalanan, pero konti na lang ay sasabog na ako sa kan'ya. "Sino ba iyon, Babe?" tanong ng babaeng kasama ko. Binaba ko na ang baril na hawak ko. Pinulot ko ang binigay ni Natalia na envelope. At pumasok na ako sa loob ng kwarto ko. Ang babaeng nakahubad na ay pinulot ko ang damit n'ya at hinagis ko sa kaniya. "Umuwi ka na, nawalan na ako ng gana," utos ko sa kan'ya. "Babe naman," apila nito, pero masama ko s'yang tinignan. "Wag mo ng gustuhin na dalawahin ko pa ang sinabi ko," banta ko sa kan'ya. Pumasok ako sa loob ng bathroom para maligo. Inangat ko ang ulo ko para itapat sa shower at dinama ko ang tubig. Ubos na pasyensya ko kay Natalia, it's time for my turn. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako. Wala na rin ang babae sa loob ng kwarto ko. Nagbihis lang ako ng pantulog bago ko binusan ang invitation card mula kay Edward Ty My first cousin sa side ni Mama. Close kami nito, pero hindi na kami gaanong kadalas magkita. Noong mga bata kami ay kaming dalawa ang hindi p'wedeng magkalapit dahil siguradong gulo lang ang aabutin. Walang nagpapatalo sa amin kaya gulo talaga ang ending. Pagtingin ko sa card ay napakunot ang noo ko. "Eighteen na ba si Princess?" taka kong tanong sa sarili ko. Bunsong kapatid ni Edward na sampung taon ang agwat nila sa isa't isa. Eighteen roses pa ako. Binaba ko sa gilid ng table ang card at humiga na ako sa kama ko. Until now, I can't stops thinking about my father's gift on my birthday. I can't find it anymore, still missing. Sabi ni Mama, wala na silang nakitang regalo pagdating n'ya na makita kaming dalawa. But I saw a silhouette from a girl. Alam kong babae iyon dahil sa mahaba noong buhok. Ang hindi ko lang sure kung nakita n'ya ba ang regalo para sa akin ni Papa. Hindi ko pa alam kung ano ang laman noon. Sampung taon na, pero gusto ko pa ring makita ang regalong iyon. Pinikit ko ang mata ko ng makarandam ako ng antok sa katawan. "Edward!" bati ko sa pinsan kong pangit. Seventh birthday ni Princess kaya makikikain kami sa kanila. "Anong ginagawa mo dito?" tanong n'ya sa akin. "Bakit ayaw mo bang makita ang nag-iisa mong gwapong pinsan?" tanong ko sa kan'ya. "Marami akong pinsan," singhal n'ya sa akin. Nasa loob pala kami ng kwarto n'ya ngayon. Tinignan ko ang laptop nito kung ano ang pinapanuod n'ya, pero mabilis n'ya iyong inaalis. "Susumbung kita na nunuod ka ng p.orn," banta ko kay Edward. Tumalikod ako para pikonin ko lang s'ya. Gumagaan kasi pakiramdam ko pag mayroong napipikon na tao. "Nanunuod ka rin naman," sagot n'ya sa akin. Napatigil ako sa paglalakad at napangisi na lang. "Binabantaan mo ba ako?" seryoso kong tanong sa kan'ya. "Oo," matapang n'yang sa akin. "Edward Ty," pailing-iling kong sabi. Agad kong ni-lock ang pinto at isang ngisi ang binigay ko sa kan'ya. "Tapusin natin?" natatawa kong tanong kay Edward. "Mayroon akong bagong nakitang site, hindi blurred ang mukha." Dinilat ko ang mata ko dahil mayroon na namang nakakainis na katok mula sa pinto ng kwarto ko. Padabog akong bumangon para patayin na kung sino ang istorbong ito. At pagbukas ko ng pinto ay gusto ko na lang sumabog dahil ang mukha na naman ni Natalia ang nakita ko. "Ano na naman?" inis kong puna sa kan'ya. "Mag-breakfast na daw kayo ni Ma'am Loretta," malamig n'yang sagot sa akin. Masama ko s'yang tinignan, pero parang wala lang naman ito sa kan'ya. Hirap talagang basahin ng babaeng ito. "Bilisan mo daw, wag ka ng magpa-special," dagdag pa nito. "Sabi ni Mama iyan?!" inis kong tanong. "Sabi ko," mabilis nitong sagot. Gusto kong maging masaya para sa buhay ko, pero dahil sa babaeng ito ay baka mauna pa akong mamatay kaysa kay Nelson. Tinalikuran ako ni Natalia na wala man lang paalam sa akin. Si Mama lang talaga ang kinikilala n'yang boss dito. Humanda s'ya sa akin. Naglakad na ako papunta sa dining room at doon ko na kita si Mama na kumakain na ng breakfast. "Morning, Ma," bati ko kay Mama bago ko ito halikan sa pisnge. "Hindi mo naman ako pinapagising dati? Mayroon ka bang sasabihin?" tanong ko kay Mama. Kumuha na ako ng pagkain ko para simulang kumain habang naghihintay ng sagot. "I planned to go in America for awhile," sagot ni Mama sa akin. Napatingin ako sa kan'ya. "Good for you, less danger," sagot ko kay Mama. Ito ang gusto kong mangyari dahil delikado pag nasa pilipinas si Mama. "Kanino ko iiwan ang company?" tanong ni Mama sa akin. "Marami ako ginagawa sa partnership. Kay Edward na lang, since s'ya naman ang mayroong hilig sa business," sagot ko kay Mama. CEO? Ayoko namang ibaon ang sarili ko company na iyon. "Okay na ako sa managing partner," sagot ko pa kay Mama. "If you can't handle it, I also consider Edward for my position, and I saw his dedicated about his job," paliwanag ni Mama sa akin. "Oo. Bigay mo na lang sa mayroong gusto, saka hindi naman iba si Edward sa atin," sagot ko kay Mama. Tumibay lang naman closeness namin ni Edward dahil sa nagkasundo maming manuod ng p.orn dati. "I call for a meeting this week with the board of directors," paliwanag ni Mama. "By the way, Son. I don't bodyguard when I'm in America. Do you wanna hire Natalia?" tanong ni Mama sa akin. Biglang namuo ang ngiti sa labi ko dahil parang mayroon na akong alam kung paano makaganti sa babaeng iyon. "I'm good with it, as long as she does her job well," sagot ko kay Mama. Hindi ko na ikakaila na magaling talaga ang isang iyon, pero masmagaling ako dahil competitive akong tao. "Kailan pala alis mo, Ma?" taka ko kay Mama. "By next week, after ng birthday ni Princess," sagot n'ya sa akin. Tumango ako at nagpatuloy sa pagkain ko. Kung ano na ang boss ni Natalia, for sure naman na magiging mabait at masunurin na s'yang babae sa akin. Hindi ko mapigilan mapangisi dahil gusto ko ulit makakita ng isang pikon na tao. "Why are you smiling at?" tanong ni Mama sa akin. "Nothing, Mama."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD