Natalia's point of view
PLAIN shirt, black pants, and one pair sneaker shoes ang suot ko ngayon.
Mayroong event na pupuntahan si Ma'am Loretta ngayon gabi kaya naghahanda ako.
After kong mag-ayos ng sarili ay kinuha ko ang butterfly knife, baril ko na nakasabit sa suot kong belt.
Isang debut ang pupuntahan namin kaya need ng naka-formal, but I don't like it. Naka semi-formal lang ako. Para sa final look ko ay kinuha ko ang black blazer.
Kailangan ay komportable akong gumalaw.
After ko ng lahat ng ginawa ko ay lumabas na ako sa kwarto ko at pumunta sa living area para doon hintayin si Ma'am Loretta.
Pagdating ko sa living area ay nandoon si Jefferson na mukhang hinihintay rin ang boss n'ya.
"Nice look," puri n'ya sa akin.
Binigyan ko ng tingin si Jefferson na naka-black suit ito. Wala akong sinagot sa kan'ya dahil tinatamad akong magsalita.
Umupo ako sa sofa para hintayin si Ma'am Loretta, pero ang unang bumaba ang nag-iisang anak ni Santanas.
"Oh! No! No!" saad ni Gray habang inaayos ang suot n'ya na bumababa sa hagdan.
"Nasa mood na naman si Sir Gray," rinig kong bulong ni Jefferson sa gilid ko.
Iniwas ko ang tingin kay Gray dahil umiinit ang ulo ko sa kan'ya. Napahinga ako ng malalim ng tumapat ito sa harapan ko, at napaatras ako dahil bigla n'yang nilapit ang mukha sa akin.
Nakangiti ito at mukhang nasa mood nga ang loko.
"Mukhang tao ka pala pag nakaayos," natatawa nitong sabi nito sa akin.
"Balibhasa ikaw kahit anong ayos mo mukha kang gwardiya sa impiyerno," walang gana kong sagot sa kan'ya.
Narinig kong tumawa s'ya, pero wala naman akong reaction.
"Jefferson, handa mo na 'yung kotse," utos ni Gray kay Jefferson.
Tinignan ko si Jefferson na tumayo na para sundin ang utos ng ugok na ito.
Bigla akong hindi naging komportable ng umupo si Gray sa tabi ko. Napangin ako sa balikat ko ng akbayan ako ni Gray.
"Wala akong partner, ikaw na lang?" alok n'ya sa akin.
"Wag mo akong hawakan," seryoso kong warning sa kan'ya.
Lalong umiinit ang ulo ko sa tuwing hahawakan ako ng pumatay sa kapatid ko.
"Sige na, magbati na tayo. Ayoko na ng lagi tayong nag-aaway," pang-uuto n'ya sa akin.
"I don't trust enemy," sagot ko sa kan'ya.
Marahan kong tinanggal ang kamay n'ya na nakahawak sa akin.
Nakangisi n'ya akong tinuro. "In enemy, I trust," saad nito.
Tumayo na ako para umalis sa lugar na iyon, pero bigla akong hinila ni Gray at hiniga sa sofa.
Hinawakan n'ya ang dalawa kong kamay para hindi na ako makalaban sa kan'ya.
"Bitawan mo ako!" utos ko sa kan'ya.
"Sinabi ko na sa 'yo na sa lahat ng tao dito, ako ang wag mong uubusin ang pasyensya," nakangisi n'yang saad sa akin.
Tumigil ako sa pagpilit na kumalas sa kan'ya.
"Sisigaw ako!" banta ko sa kan'ya.
"Then scream as long as you can," sagot n'ya sa akin.
Halos gusto kong ibaon ang ulo ko sa sofa ng ilapit n'ya ang mukha n'ya sa akin.
"You'll be mine, soon," bulong nito sa akin.
Bigla akong kinalabutan dahil sa husky nitong boses. Naka-smirk n'ya akong tinignan at bigla n'yang binitawan ang kamay ko kaya mabilis ko s'yang tinulak.
"Kaya mo naman pa lang magpakita ng reaction, gusto mo pang pinapahirapan ako," saad ni Gray. Inaayos n'ya ang nalukot n'yang suot.
Tumayo ako at agad ko s'yang sinampal.
"Sinabi kong wag mo akong hahawakan!" giit kong sabi kay Gray.
"Fvck!" galit nitong sigaw.
Sa unang pagkakataon ay bigla akong natakot sa lalaking ito. Napaatras ako ng konti, pero hindi ko pinahalata sa kan'ya.
Sinamaan n'ya ako ng tingin at nakita ko sa mata nito ang puno ng galit.
"Last warning, papatulan na talaga kita," nagtitimping banta n'ya sa akin.
Akala ko ay muli itong lalapit sa akin, pero inis itong naglakad ito palabas.
Napalunok ako ng malakas n'yang sinarado ang pinto.
"Ahhh!" daing ko ng mayroong malakas na bagay ang tumama sa mukha ko.
Magtingin ko kung sino iyon ay napaayos agad ako ng tayo ng makita ko si Ma'am Loretta na matalim ang tingin sa akin.
"Wag na wag mong sasaktan ang anak ko, lalo na sa loob ng pamamahay ko," kalmado, pero mayroong pagbabantang saad ni Ma'am Loretta.
Napayuko naman ako at pinipigilan ko ang emosyon ko.
"Ang trabaho mo ay protektahan kami, at wala kang karapatan na saktan si Gray," saad pa ni Ma'am Loretta sa akin.
"Hindi mo alam kung ano ang pinagdaan ni Gray. Namatay ang papa n'ya sa mismong harapan n'ya," galit na sabi ni Ma'am Loretta sa akin.
Nilagpasan n'ya ako kaya napayukom na ang kamao ko.
Seryoso kong tinignan si Ma'am Loretta na naglalakad na palayo sa akin.
'Yung kapatid ko namatay sa mismong harapan ko dahil sa anak mo.
Gray's point of view
"BRO, bakit nag-iisa ka diyan?" tanong ni Edward sa akin.
Hawak ko ang isang bote ng alak at pinagmamasdan ko ang babaeng umuubos ng pasyensya ko.
"Ang ingay!" inis kong reklamo sa kan'ya.
Umupo sa tapat ko si Edward at kumuha din ng alak.
"Party ito kaya maingay talaga," natatawang saad ni Edward sa akin.
"Hindi ba talaga sanay makisama ang babaeng ito?" sabi ko habang ang mata ko ay nakatingin kay Natalia.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang sakit ng sampal n'ya sa akin.
"Sino ba ang tinitignan mo?" takang tanong ni Edward sa akin.
Tinignan ni Edward ang direksyon na tinitignan ko.
"Saan nakuha ni Aunty 'yung bago n'yang bodyguard?" tanong ni Edward sa akin.
"Hindi ko alam," tipid kong sagot sa kan'ya.
Muli akong tumungga ng alak dahil sa tana ng buhay ko ay hindi pa ako nasasampal ng kahit sinong babae.
"Virgin pa kaya iyan?" mahinang tanong ni Edward sa akin.
Napangisi naman ako sa tanong ni Edward.
"Malamang, sino ba magkakagusto diyan. Akala mong pirana sa tapang," sagot ko kay Edward.
Isang nakakalokong tingin ang pinakawalan ni Edward sa akin.
"Dahil ba sa kan'ya kaya ka badtrip?" nakangising tanong sa akin.
"Dahil sa mukha mong pangit kaya ako badtrip," singhal ko sa kan'ya.
"Well, ako sana ang poporma, pero seems like you want her. Papaubaya ko na sa 'yo," nakangiting saad ni Edward.
Muntik ko ng maibuga ang iniinom ko dahil sa sinabi nito.
"Tang-ina ka!" natatawa kong sabi kay Edward.
Ang ibang bisita ay nagtinginan sa amin dahil sa sinabi ko.
"Watch your words, Gray. Mayroon tayong hindi pamilya dito," saway ni Edward.
"Sharp shooter iyan," chismis ko kay Edward.
Biglang napatingin si Edward kay Natalia na walang alam gawin sa buhay n'ya kung hindi ang magseryoso.
"'Yung babaeng 'yan?" hindi makapaniwalang tanong sa akin.
Umayos ako ng upo at muling uminom ng alak.
"Oo. 'Yung kwinento ko sa 'yo na mayroong pumasok sa bahay namin, s'ya 'yung nakahuli," sagot ko pa. "Kung hindi nga lang magaling iyan ay pinalayas ko na dahil sa ugali," paliwanag ko kay Edward.
"Popormahan mo ba?" tanong ni Edward sa akin.
Mukhang namangha naman ang loko sa kwento ko.
Tinignan ko si Natalia at napangisi ako. "Pinaubaya ko na sa 'yo ang company, supposedly to be mine, but I know you dreaming of to become a CEO, isn't it?" tanong ko kay Edward na nagpakinang sa mata nito.
"You don't need to consider me," pa-humble pang sabi n'ya sa akin.
"Alam mo naman sa business kailangan ng pasyensya. Ako wala ako noon kaya mas okay na sa 'yo," sagot ko kay Edward. "Bukod kay Uncle ay wala ng iba pa akong p'wedeng pagkatiwalaan noon," dagdag ko pa.
Isang ngiting tagumpay ang binigay sa akin ni Edward.
"Just don't touch that girl," seryoso kong sabi kay Edward.
Muling tinignan ni Edward si Natalia. "No worries about that," sagot ni Edward sa akin.
"I wanna play with her," dagdag ko pa.
"Sabi na at wala kang seseryosohin eh," sagot ni Edward sa akin.
Sumandal ako sa upuan. Medyo nandito ako sa dulo ng reception. Tapos na rin naman ang ganap sa debut ni Princess kaya p'wede na akong uminom ng marami.
Lumingon ako sa paligid ko dahil hinahanap ko si Jefferson, pero baka nasa labas.
"Wala pa akong nakikita," sagot ko sa kan'ya.
Nagsimula na ring uminom si Edward kaya nagsimula kaming magkwentuhan tungkol sa mga walang kwentang bagay.
Alam n'ya ang ginagawa ako about sa grupo nila Nelson, pero hindi ito nangingialam. Dahil doon ay lalong lumapit ang loob ko sa kan'ya.
Oras ang tinagal ng gusto ko ng umuwi dahil na pagod na rin ako sa event and malalim na rin ang gabi.
Nagsimula na akong magpaalam sa mga Ty at sila Mama ay uuwi na rin. Magkaiba kami ng sasakyan at ngayon ay hinahanap ko si Jefferson.
Kinuha ko ang phone ko dahil parang ako ang nagbabantay sa kan'ya.
"Where the hell are you?" inis kong tanong sa kan'ya.
"Nasa kotse po ako, Sir," sagot n'ya sa akin.
Binaba ko na ang phone ko at naglakad ako papunta sa parking lot.
Nakasabay ko si Natalia na as usual ay wala na naman s'yang reaction ng makita ako.
"Hey!" bati ko kay Natalia.
Hindi n'ya ako pinansin kaya tumakbo ako palapit kay Natalia at humarang ako sa harapan n'ya para naman mapatigil ito sa paglalakad nito.
Hinawakan ko ang gilid ng labi ko kung saan tinamaan ng sampal n'ya.
"Masakit pa rin 'yung ginawa mo sa akin, pero isang halik lang magaling na ito," biro ko sa kan'ya.
Malamig n'ya akong tinignan. Nasasanay na ako sa ugali n'ya, pero gustong-gusto ko na s'yang pikunin kaso ang ending ako lang ang napipikon.
"Umalis ka sa harapan ko," taboy n'ya sa akin.
Balak n'yang lagpasan ako, pero muli ko s'yang hinarangan.
"Date tayo?" tanong ko pa kay Natalia.
Alam kong lihim s'yang mayroong feeling sa akin kaya papalabasin ko na iyon.
"Aalis ka o aalis ka?" banta n'ya sa akin.
Hindi ako kumibo sa kan'ya at tinaas ko ang kamay ko habang mayroong mapang-inis na ngisi sa labi ko.
"Sa akin ka na magtatrabaho next week kaya wala kang magagawa kung hindi ang sumunod sa akin," paliwanag ko kay Natalia.
"Aalis na ako," saad n'ya sa akin.
Wala ba takagang effect sa kan'ya ang kagwapuhan kong taglay?
"Kung papayagan kita?" sagot ko kay Natalia.
Hinila ko ang braso ni Natalia para lumapit sa akin.
Bago pa lang s'ya, pero alam kong marami na itong nalalaman sa ginagawa ko at wala pa akong tiwala sa kan'ya.
"Mas'yado ka ng maraming nalalaman kaya sa tingin mo ay makakalabas ka pa ng buhay?" seryoso kong tanong kay Natalia.
Walang gana n'ya akong tinignan kaya napangiti naman ako.
Hinawi ko ang buhok n'ya sa gilid ng tenga nito para naman makita ko ang maganda n'yang mukha.
"Pero kung papayag kang maging boyfriend ako, ay okay lang naman sa akin," nakangiti kong sabi kay Natalia.
Sa unang pagkakataon ay nakita ko itong ngumiti kaya bigla akong napangiti. Lalo pala s'yang gumaganda pag nakangiti.
Sabi na at walang makakatanggi sa akin maski si Natalia.
"Asa ka," singhal nito.
Nawala ang ngiti ko. "Ahhh!" daing ko ng bigla n'yang binunggo ang balikat ko para lagpasan lang ako.
Hinawakan ko ang balikat ko dahil sa ginawa ni Natalia. Pinanuod ko s'yang maglakad palayo sa akin.
"Crush mo lang ako!" sigaw ko sa kan'ya.
Mahina akong natawa ng binigyan n'ya ako ng middle finger habang hindi ako tinitignan at patuloy lang s'ya sa paglalakad nito.
"Ibig sabihin siguro noon ay gusto n'ya nga ako or she wants me to fvck her?" Napa-smirk na lang ako.
Pumunta na ako sa kotse ko para makauwi na. Naabutan kong mayroong kausap si Jefferson, pero ng makita n'ya ako ay agad n'yang binaba ang phone n'ya.
"Kung magkakagulo pala ay siguradong wala kang alam," seryoso kong puna sa kan'ya.
"Sorry, Sir Gray. Kailangan ko lang pong makausap si Mama," palusot n'ya sa akin.
Hindi ko na s'ya pinansin dahil wala na akong panahon pa para magalit.
Nagsimula s'yang umandar. Pinikit ko ang mata ko para mag-isip kung paano ko malalaman ang pinagtataguan ni Nelson.
"What the hell?"
Napadilat ako at napakunot ang noo ko ng ilang minuto pa lang kami sa byahe.
Pagtingin ko sa labas ay puno na ng mga armadong lalaki.