Natalia's Point of view
NAKATINGIN ako sa mga lalaking balak mang-holdap sa amin na pinoposasan ng pulis. Mga mayroon itong mga pasa sa mukha dahil sa pinagtulungan ng mga kasamahan naming lalaki.
"Mga gagong iyon, balak sirain ang beauty ko," naiiyak pang sabi ni Joshua habang hawak ang tyan n'ya na nasipa.
"Tyan ang sinipa, hindi naman mukha," sagot ko sa kan'ya.
"Natalia, ang galing mo naman," nakangiting puri sa akin ng isang katabi ko na si Pauline.
"Anong magaling doon?" tanong ko sa kan'ya.
"Nalaman mo na peke ang baril na dala nila," sagot nito sa akin.
"Kahit bata, pagnakita sa malapitan ang baril na iyon ay mahahalata na peke iyon," sagot ko kay Pauline.
Pagkalabas ng mga otorida ay nagsimula na akong mag-ayos ng mga table ulit. Isang oras na lang ay magbubukas na kami kaya kailangan na ulit linisin ang paligid.
Nagsimula na ulit akong maging busy hanggang sa magbukas kami. Naging normal ang takbo ng resto-bar hanggang abutin ako ng gabi at mag-off na ako.
"See you tomorrow, guys," sabi ni Pauline.
Naglakad ako palabas ng resto. Tinaas ko lang ang kamay ko at nag-wave habang naglalakad na ako papunta sa motor.
Kinuha ko ang phone ko ng tumunog iyon. Kusang naging heart shape ang labi ko ng makita ko ang pangalan ng kapatid ko. Tinatanong kung pauwi na ba ako.
Agad kong dinial ang number n'ya para tawagan.
"Jon, uuwi na ako, mayroon lang akong dadaanan sa Kuya James mo," bungad ko sa kan'ya.
"Sige, hmmm... Ate, ingat ka, mayroon daw napatay sa lugar natin kagabi," sagot ni Jonny sa akin mula sa kabilang linya ng phone.
Kinuha ko ang susi sa bulsa ko at sinuot ang helmet ko bago sumakay ng motor.
"Sila ang mag-iingat sa akin," biro kong tugon kay Jonny.
Narinig ko ang pagtawa n'ya kaya lalo akong napangiti.
"Sige na, uuwi na ako," paalam ko kay Jonny bago ko binaba ang phone.
Nagpaparamdam na ang kapatid ko. Birthday n'ya kasi bukas. Bilis naman n'yang lumaki. Napailing na lang ako ng maalala ko na ako ang nag-alaga kay Jonny simula bata palang ito.
Pinaandar ko na ang motor ko para puntahan si James. Malamang ay nasa shooting range iyon ngayon at nagbabantay.
Balak kong umutang sa lalaking iyon. Nakalimutan ko noong nakaraan na mag-bi-birthday nga pala si Jonny at ang tanging hiling lang sa akin ay phone. Nabayad ko na lahat sa bills namin kaya wala ng natira pa.
Madilim na ang paligid, pero agad din akong nakarating sa shooting range ni James na naabutan kong magsasara palang ito.
Kita ko ang benda n'ya sa braso at binti nito. Mayroon s'yang kasama na isang lalaki na tauhan n'ya siguro.
Pinatay ko ang motor at hinubad ang helmet ko na suot. Sinabit ko muna ang helmet sa motor bago ako bumaba sa pagkakasakay sa motor.
"Oh? Ginagawa mo dito?" tanong sa akin ni James.
Naglakad ako palapit sa kan'ya. "Pautang ng limang libo, bayaran ko next month," sagot ko sa kan'ya.
Nakita kong tumawa ito sa akin. Tinignan n'ya ako mula ulo hanggang paa bago umiling kaya taas kilay kong tinignan ang ungas na ito.
"Gan'yan talaga bungad mo sa akin? Wala man lang hi, hello. Gano'n?" sabi n'ya sa akin.
"Magbabayad naman ako kaya ibigay mo na," sagot ko kay James.
Yaman-yaman n'ya akala mong hindi babayaran eh.
"Wala akong pera," tugon n'ya sa akin.
Tumalikod s'ya sa akin at balak na pumasok sa loob ng training center n'ya ng makita ko ang wallet nitong nakalagay sa likuran ng pants na suot n'ya.
"Alam ko naman 'di mo ako natitiis," nakangiti kong sabi sabay naglakad palapit kay James at hinugot ko ang wallet n'ya.
"Woy!" sigaw n'ya sa akin dahil sa biglaan kong pagkuha sa wallet n'ya.
Pinulpok ko sa ulo n'ya ang makapal nitong wallet na sinasabi n'yang walang pera. Hindi uso sa kan'ya maubusan ng pera.
"Kakaiba ka talaga... ayaw kitang pautangin, okay? Kaya amina wallet ko," sabi n'ya sa akin.
Balak n'yang kuhanin ng naglakad ako paatras para makalayo sa kan'ya. Binuksan ko ang wallet ni James, pero lumalapit s'ya sa akin para kuhanin ang wallet n'ya.
"Natalia!" sigaw nito sa pangalan ko.
Nagpatuloy ako sa paglayo sa kan'ya. Habang kinukuhanan ko ng pera ang wallet n'ya.
"Grabe ka namang babae ka!" hindi n'ya makapaniwalang sabi sa akin.
Pilit nitong inaagaw ang wallet sa akin, pero ako ay todo iwas sa kan'ya para kaming nagpapatintero sa ginagawa namin. Hindi ko mabilang ng maayos ang kinukuha kong pera kaya kinuha ko na lang lahat ng laman noon.
"Oh ayan na wallet mo!" sabi ko sabay abot sa kan'ya.
"Ibalik mo sa akin pera ko, iyan lang cash ko," sabi n'ya sa akin.
Lalapit ulit ito sa akin ng ambahan ko s'ya ng suntok na nakapagpatigil sa kan'ya ng paglalakad.
"Magbabayad ako next month," sabi ko sa kan'ya.
Binilang ko ang pera na ten thousand. Kinuha ko ang limang libo at nilagay ko iyon sa bulsa ko. Tinignan ko naman si James na hindi makapaniwala sa akin.
"Pasalamat ka kaibigan kita!" irita n'yang sabi sa akin.
Ngumiti lang ako sa kan'ya. Lumapit na ako sa kan'ya at ginulo ang buhok n'ya.
"Buti na lang kaibigan kita," nakangiti kong sagot sa kan'ya.
"Saan mo ba gagamitin?" tanong nito sa akin.
"Birthday ni Jonny bukas," sagot ko sa kan'ya.
Iaabot ko na dapat kay James ang sibrang limang libo nh magsalita ito.
"Shocks! Oo nga pala, wala akong nabiling regalo," sabi n'ya sa akin.
Aabutin na dapat ni James ang limang libo ng binawi ko iyon. Tumaas ang dalawa n'yang kilay sa akin.
"Nakalimutan mo ang regalo? Okay na itong five thousand," sabi ko kay James sabay bulsa ng pera. "Salamat sa regalo," habol kong sabi.
"Gusto ko ng umalis sa earth!" sigaw ni James.
Napangiti naman ako sa kan'ya. Tinapik ko ang palikat nito.
"Niligtas naman kita kaya dapat wala na akong utang sa 'yo," sabi ko sa kan'ya.
Bigla naman itong napatingin sa akin. "Ano?! Saan mo ako niligtas?" sigaw na tanong nito sa akin.
Balak ko s'yang sipain ng sigawan n'ya ako, pero hindi ko tinuloy dahil mayroon damage ang binti n'ya, pero umilag naman ang tanga.
"Kagabi, kung hindi kita niligtas kagabi baka mayroon ng tingga ang ulo mo at pinaglalamayan ka na namin ngayon," sagot ko sa kan'ya.
"Tignan mo ginawa mo sa akin," sabi n'ya sabay pakita ng braso n'yang may benda. "Dahil sa walang disiplina mong pag mamaneho," singhal n'ya sa akin.
Natawa na ako ng walang ingay na lumabas sa bibig ko at hindi makapaniwala sa lalaking ito.
"Hindi na dapat ako sumabay sa 'yo, nagasgasan pa ang maganda kong kutis- aray!" daing n'ya ng hampasin ko ang ulo nito.
Sa tano ng pananalita n'ya ay para ako pa ang sinisisinito sa nangyari.
"Sino ba ang pumilit sa 'yo na sumabay sa akin?" irita kong tanong sa kan'ya. "Saka ikaw ang malas, dahil sa tagal-tagal ko ng dumadaan doon ay ngayon lang ako naka-encounter ng ganoon!" sigaw mo sa kan'ya.
Kung hindi ako makapagpigil ipupulupot ko s'ya sa puno eh. Parang kasalanan ko pang niligtas ko s'ya.
"Oh! Oh! Kalma, nagbibiro lang naman ako," sabi n'ya sa akin na nakataas pa ang dalawang kamay.
Sinamaan ko s'ya ng tingin dahil sa inis. "Wag ka ng magpapakita sa akin," inis kong sabi sa kan'ya.
Tinalikuran ko si James at naglakad papunta sa motor ko.
"Kailan mo ako babayaran?" tanong n'ya sa akin.
"Wala akong utang!" sigaw ko.
"Grabe naman, para kang scammer ah," rinig kong sabi sa kan'ya.
Muli akong humarap sa kan'ya at matalim na tingin ang binigay. "Anong sabi mo?" seryoso kong tanong sa kan'ya.
"Wala, sabi ko baka kulang paiyan, bigay ko bukas," sagot n'ya sa akin.
Umirap ako sa ere sa sagot n'ya. Sumakay na ako sa motor ko at sinuot ang helmet.
"Uwi na ako," walang gana kong paalam kay James.
Pinaandar ko ang motor ng mabilis para makauwi din ako agad. Habang papalapit ako sa pinangyarihan ng pagbaril kagabi ay nagiging alerto ako lalo ng mayroon akong nakitang itim na kotse na nakahinto doon.
Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa throttle. Diretso lang ang tingin ko ng mayroong biglang bumaba na lalaki sa loob ng kotse. Bigla akong napahinto ng mayroon itong hinugot mula sa likuran n'ya. Handa na sana akong lumiko ng ilagay n'ya sa tenga ang nakuha n'ya doon.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil phone lang pala. Kakasama ko kay James kinakabahan na rin ako. Dahan-dahan lang akong nag-drive ng motor hanggang sa makalapit ako sa itim na kotse.
"Sir Gray, papunta na daw sila dito," rinig kong sabi ng lalaking nakababa na kausap ang isang lalaking naka surgical black mask.
Tinignan ko iyon pati ang lalaki, pero bago ako makalagpas sa kanila ay nagkatinginan kami ng lalaking nasaloob na nakasakay sa back seat ng kotse.
Bigla akong kinindatan kaya umiwas ako ng tingin. At natawa na lang ako dahil sa ugok na iyon.
Binalik ko sa daan ang tingin at focus ko sa daan. Anong ginagawa nila sa ganoong kadilim na daan? Curious lang ako, pero wala akong balak na tanungin sila o paki-alaman iyon.
Pag-uwi ko sa bahay ay bukas pa ang ilaw kaya gising pa si Jonny mukhang hinihintay n'ya ako. Pinarada ko sa harapan bg bahay ang motor ko bago ako pumasok sa loob.
Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Jonny na nanunuod ng T.V.
"Ate," bati n'ya sa akin ng makita ako.
"Sup, kumain ka na?" tanong ko sa kan'ya.
Nag-peace bomb kami bago ko s'ya tabihan.
"Opo," nakangiti n'ya sagot sa akin.
Kinuha ko ang remote ng T.V at pinatay iyon. Hinawakan ko sa ulo si Jonny sabay gulo.
"Anong oras na gising ka pa, matulog ka na at maaga pa pasok mo bukas," sabi ko kay Jonny.
Bigla akong niyakap ni Jonny kaya tinignan ko ito.
"Birthday ko na bukas, Ate," sabi n'ya sa akin.
Hirapan ko si Jonny at tinignan sa mata. "Alam ko kaya matulog ka na," nakangiti kong sagot sa kan'ya.
Biglang nalungkot ang mukha nito. Kaya napakunot ang noo ko dahil doon.
"Ice-celebrate ba natin, Ate?" tanong n'ya sa akin.
"Pwede bang hindi? Baka multuhin ako nila Mama at Papa," natatawa kong sagot sa kan'ya.
Turo samin ni Mama kahit na konting handa ay dapat pinagtutuonan ng pansin ang birthday at i-celebrate.
Biglang nagbago ang aura ng mukha ni Jonny.
"Talaga, Ate? The best ka talaga," masigala nitong puri sa akin.
Nang-uto pa ang isang ito. Tumango ako sa kan'ya bilang sagot.
"Sige na matulog ka na, susunduin kita bukas sa school mo at kakain tayo sa labas," saad ko kay Jonny.
"Sige, Ate," masaya n'yang sabi.
Tumayo na ito at muli akong niyakap sabay halik sa pisnge ko.
"Good night, Ate," sabi n'ya bago n'ya ako talikuran at magsimulang maglakad papunta sa kwarto n'ya.
Sinundan ko ito ng tingin hanggang makapasok ito ng kwarto. Sumandal ako sa sofa namin. Bigla na lang akong napaisip na ito ang unang beses kaming mag-ce-celebrate na wala sila Mama at Papa.
Mag-iisang taon na rin simula ng mawala sila sa isang car aksidente. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at tinignan ang picture naming tatlo nila Papa at Mama.
Pinitik ko ang sarili kong picture na baby pa ako doon at tatlo palang kami. Katabi noon ay hawak ni Mama si Jonny na baby palang.
"Aga n'yo naman umalis," sabi ko sa picture.
Hinawakan ko iyon bago ako naglakad papunta sa kwarto ko. Hinubad ko ang suot kong damit para magpalit ng pantulog pagkatapos kong bihis ay himinga na ako sa kama ko.
Still, hindi pa rin mawala sa isip ko ang nakita ko noong isang gabi. Kinuha ko ang kumot at pinatong ko iyon sa katawan ko.
Wala na dapat akong isipin sa nakita ko dahil wala naman akong kinalaman doon. Gusto ko ng payapang buhay kaya hindi na ako mangingialam pa doon. Lalabas rin naman ang totoo sa nangyari.