Natalia's point of view
NAKA-CROSS arm ako na nakasandal sa puting pader ng hospital habang pinagmamasdan ang nakalatay na katawan ni James.
Natawa na lang ako bigla ng hinimatay sa nerbyos si James. Kalalaking tao napaka nerbyoso. Tinignan ko ang wall clock dito sa loob ng kwarto ay malapit ng mag-alas dose ng gabi.
Hindi ko namalayan ang oras dahil sa kasamahan ko na ito. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa. Marami ng tawag si Jonny sa akin. Naka-silent kasi ito pag nasa trabaho ko at nakalimutan ko ng tignan kakaisip sa nasaksihan namin.
Umupo ako sa couch dito sa loob ng kwarto bago tawagan si Jonny. Sanay naman s'ya na late akong umuuwi dahil naka night shift ako sa resto-bar na pinapasukan. Pumasok lang ako ng maaga dahil day-off ko sa pagde-deliver ng mga pagkain sa isang restaurant na pinapasukan ko.
Maaga sana akong makakauwi, pero dahil sa nangyari kanina saka sa lalaking nakahiga sa hospital bed ngayon ay hindi ako makauwi.
Hindi na sinasagot ni Jonny ay siguro ay tulog na iyon at hindi na ako nahintay. Humiga muna ako sa couch habang hinihintay na magising si James.
Mayroon na akong benda sa braso at binti ko. Napalingon ako ng makita kong gumalaw si James.
Nakita kong nakadilat na ito. Kaya bumangon ako sa pagkakahiga ko. Umiling ako sa kan'ya at gusto ko na lang matawa.
"Musta?" tanong ko dito.
Sa itsura n'ya ay mukhang hindi pa n'ya alam kung nasaan kami.
"Nasaan ako?" tanong n'ya sa akin.
Naglakad ako palapit kay James at umupo sa hospital bed. Tinignan ko ito na mayroong gasgas sa noo n'ya.
"Nasa-hospital ka," walang gana kong tanong at iniwas ko ang tingin sa kan'ya.
"Natalia, 'yung humahabol sa atin?" tanong ni James sa akin.
"Pinatay ko na," mabilis kong sagot.
Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama at hinarap s'ya.
"Seryoso?" tanong pa sa akin ni James.
Seryoso ko s'yang tinitigan. Kung hindi lang s'ya mukhang nakakaawa nakatikim s'ya ng malakas na pektus eh.
"Oo, akala ko kasi napatay ka nila kaya ginanti kita," seryoso kong sagot.
Kinuha ko na ang helmet kong nakapatong sa table at hinawakan iyon.
"Bayaran mo ang hospital bills, wala pa akong sahod, nabayad ko sa tuition ni Jonny ang extra ko," sabi ko kay James.
"Shock!"
Muling nalipat ang tingin ko kay James ng sumigaw ito. Taas kilay ko s'yang tinignan na pinagmamasdan ang katawan.
"Nagasgasan na ang maganda kong kutis! Bwisit na! Dahil sa mga ulol na iyon kaya nangyari ito, pagnakita ko sila ay humanda sila sa akin!" galit na sabi ni James.
"Uuwi na ako," paalam ko kay James.
"Sasama na ako," sabi ni James.
"Magpahinga ka na lang muna," sagot ko sa kan'ya.
Tumalikod na ako para lumabas ng kwarto ng biglang sumulpot at hinawakan ni James ang braso ko. Tinignan ko s'ya na kanina lang ay nakahiga sa kama.
"Uuwi na rin ako," sabi n'ya sa akin.
"Bahala ka sa buhay mo," sagot ko sa kan'ya.
Nauna akong maglakad kay James. Pareho kaming paika-ika maglakad dahil sa natamo naman sa binti.
"Anong gagawin natin?" tanong sa akin ni James.
Tinignan ko s'ya na mayroong pagtatanong sa itsura ko sa sinabi n'ya. Tinaasan ko s'ya ng kilay.
"Bakit?" taka kong tanong kay James.
Tumingin muna ito sa paligid bago pumunta sa harapan ko dahilan ng paghinto ko sa paglalakad. Taas kilay ko s'yang tinignan dahil sa kilos na naman nito.
Nilapit n'ya ang mukha sa tenga ko. "'Yung binaril," bulong n'ya sa akin.
Seryoso kong tinignan si James. Hinawi ko s'ya sa dadaanan ko at nagsimula ulit maglakad.
"Wala akong nakita," sagot ko kay James.
Hindi sa takot ako, pero ayoko ng maraming usapin. Pag nangialam kami ni James sa nakita namin ay siguradong madadamay kami. Marami akong ginagawa sa buhay kaya ayoko ng madagdagan pa.
"Paanong wala kang nakita?" tanong sa akin ni James.
"Basta wala akong nakita, barayan mo na ang bills. Hihintayin kita sa labas," sagot ko kay James.
Akala ko ay kukulitin pa ako ni James, pero sumunod rin naman agad. Naglalakad ako palabas ng hospital at pumunta agad sa parking lot kung saan ko nilagay ang motor ko.
Pagdating ko doon ay nakita ko ang malaking gasgas ng motor. Sinilip ko pa ang ibang parte ng motor kung mayroon pang nasira. Gasgas lang naman ang nakuha, pero wala pa akong budget para pangpalit.
Ang gara talaga ng nangyari dito. Napatingin ako sa gilid ko ng mayroong anino na papalapit sa akin. Pinapakiramdaman ko iyon.
Mayroong humawak sa balikat ko. Agad kong kinuha ang kamay na iyon ay pinalipit iyon.
"Natali— ahhh!"
Agad kong binitawan ang kamay ng si James lang iyon.
"Grabe ka naman, kita mong kagagaling lang natin sa hospital. Gusto mo yatang bumalik pa ako," sabi ni James na halata sa mukha ang iniindang sakit sa ginawa ko.
"Bakit kasi ang tahimik mong maglakad," sagot ko sa kan'ya.
"Sinisi mo pa ako," reklamo n'ya.
Tumalikod ako sa kan'ya at sinuot ko ang helmet ko. Pinaandar ko na ang motor dahil maaga pa akong papasok bukas.
"Tara na," aya ko kay James na sumakay naman agad.
Wala rin kasama si Jonny sa bahay kaya kailangan ko ng umuwi. Pinaandar ko na ang motor at nagsimula na itong umalis sa hospital.
"Ano kaya kasalanan ng lalaki?" tanong ni James sa akin.
Ang mata ko ay nasa daan. Iniisip ko rin kong ano ang kasalanan ng lalaki, pero mukhang malaki iyon dahil sa pinatay s'ya ng ganoon.
"Wag mo ng isipin iyon, wala naman tayong kinalaman kung ano man ang nangyari sa kanila o mangyayari sa kanila," sagot ko kay James.
Pero ang totoo ay hindi maalis sa isip ko ang nakita ko na iyon. Sanay na akong makarinig ng putok ng baril, pero ang putok ng baril na pumatay ng tao ay hindi pa.
"Wala ka bang paki-alam?" tanong ni James sa likuran ko.
"Kung lahat papakialaman ko walang payapa sa utak ko," sagot ko sa kan'ya. "Problema nila iyon kaya hayaan mo sila ang magresulba, labas tayo doon," paliwanag ko pa.
"Kawawa ang lalaki," sabi ni James.
Napangisi ako sa sinabi ni James. "Hindi mo nga alam kung ano ang ugali ng lalaking iyon," sagot ko pa ulit kay James.
Pagdating ko sa bahay ay patay na ang lahat ng ilaw na mukhang tulog na talaga si Jonny. Nagpalit lang ako ng damit at pumunta na ako sa kwarto ko para matulog.
Kinabukasan
"Psst!"
Abala ako sa pag-aayos ng table ng mayroong sumutsut sa akin. Tinignan ko si Pauline, kasamahan ko dito sa resto-bar na pinagtratrabahuhan ko.
Tinuro ko ang sarili ko kung ano ba ang tinatawag n'ya. Pinagpatuloy ko ang pag-aayos ng table ng s'ya na ang lumapit sa akin.
"Huy, mayroon daw natagpuan na patay sa lugar n'yo," mahinang sabi ni Pauline sa akin.
"Talaga?" walang gana kong tanong na akala mo ay hindi ko alam. Ako pa nga ang nakakita kung paano pinatay ang lalaki.
"Malapit lang sa inyo hindi mo pa nabalitaan," sagot sa akin ni Pauline.
Lumipat ako ng ibang table. Maaga pa para magbukas ang resto-bar na ito kaya ay nag-aayos palang kami.
"Busy kasi ako," sagot ko sa kan'ya.
Pinagpatuloy ko ang pagpupunas sa table ng mayroong lumapit sa amin. Si Joshua, ang beki namin kasamahan dito.
"Girl, nabalitaan mo ang tegi na lalaki natagpuan sa lugar n'yo?" tanong din ni Joshua sa akin na kagaya ng tinanong ni Pauline sa akin kanina.
Binitawan ko ang basahan na hawak ko at tinignan silang dalawa.
"Wala akong nabalitaan, okay? Nagtratrabaho ako kaya wag n'yo akong guluhin," sabi ko sa kanila at ngumiti.
Muli akong bumalik sa pagpupunas ng table, pero ang dalawa ay patuloy pa rin sa pagkwekwentuhan.
"Grabe ka naman, hindi ka ba natatakot?" tanong sa akin ni Pauline.
"Bakit ako matatakot? Ano kasalanan ko?" balik kong tanong sa kan'ya.
"Balita ko mga gangster daw ang mga gumawa noon, ang lalaking pinatay ay member ng isang gang at ganoon din ang pumatay isa din member ng gang, pero ibang grupo," paliwanag ni Joshua.
Huminto ako sa pagpunas ko. Tama lang na hindi kami nakialam ni James kung totoo ngang galing sa dalawang grupo ang dalawa. Mahal ko pa ang buhay ko at kailangan pa ako ni Jonny.
"Baka kaya isunod ka na, Joshua?" rinig kong biro ni Pauline.
"Gaga, bakit ako isusunod?" singhal naman na tanong ni Joshua.
"Paano kung gwapo?" natatawang tanong ni Pauline.
"Edi, take me fafa!" kinikilig pang sabi ni Joshua.
Hinarap ko ang dalawa na pareho pang kinikilig. Umiling ako sa kanila dahil sa kaharutan ng mga ito.
"Pwede bang magtrabaho na tayo?" tanong ko sa kanila.
Sabay-sabay kaming napatingin ng bumukas ang pinto ng resto-bar kahit na mayroong nakalagay na signboard na we're closed.
"Joshua, sabihin mo na sarado pa tayo," utos ni Pauline.
Agad na sumunod si Joshua at nilapitan ang grupong lalaki na pumasok sa loob ng resto. Apat na mga lalaking nakaitim.
"Sorry po, sir, pero close pa po kami," magalang na sabi ni Joshua.
"Wahh!" sigaw ni Pauline ng sinipa ng isang lalaki si Joshua dahilan ng pagtama nito sa mga table at tumumba sa floor.
Bigla akong napaatras ng maglabas ng mga baril ang lalaki.
"Holdap ito!" sigaw ng lalaki.
Kagagaling ko lang sa gulo kagabi pati ba naman dito sa trabaho. Tinutukan ako ng baril ng lalaking nauuna sa tatlo ng mapansin ko ang plastic na lagpas sa pagka-mold ng baril.
First time ba nilang mag-holdap at hindi pa nila afford ang totoong baril.
"Walang kikilos sa inyo ng masama!" sigaw nila sa amin habang ang lalaking nasaharapan ko ay pinapanakot ang pellet gun n'ya.
Ang mali na ginawa ng lalaking ito ay nilapit n'ya sa akin ang baril kaya kitang-kita ko na plastic iyon. Kung hindi iyon nilapit sa akin ay hindi ko mahahalata na plastic iyon.
Matagal na akong nakakahawak ng baril at nakakagamit kaya hindi ako mang-mang sa pagtingin lalo na kung peke ba ito o hindi.
"Ilagay n'yo dito ang pera!" sigaw pa ng isang lalaki naglabas ito ng plastic at binigay kay Pauline.
Dahil sa takot ni Pauline ay agad itong sumunod. Ang babaeng ito, ano ang ilalagay n'ya wala pang kita ang resto.
"Wag kang kikilos!" sabi sa akin ng lalaki kaya tumango ako sa kan'ya.
Bigla s'yang ngumisi. "Masunurin ka pala, mukhang mabait ka," nakangiti nitong sabi sa akin.
Muli akong tumango sa kan'ya. Habang natataranta si Pauline na pumunta sa kaha ng pera ay inagaw ko ang baril sa lalaking nakatutok sa akin.
Alam ko naman na mga peke iyon kaya hindi nila ako mapapatay doon. Pagkaagaw ko ay binigyan ko ito ng isang flying kick para tumumba ito. Napailing ako ng magulo ang mga inayos ko table kanina. Uulit na naman ako nito.
Naging alerto ang mga kasamahan ng lalaki at lahat iyon ay nakatutok na sa akin ang baril.
Tinanggal ko ang magazine noon at habang nakatingin sa tatlong lalaki ay binaklas ko ang pellet gun sa harapan nila.
"Pauline, tumawag ka ng pulis!" utos ko kay Pauline.
"S-sige!" kinakabahan pa nitong sagot sa akin.
Kumuha ako ng isang upuan at lumapit sa tatlong lalaki na hindi man lang magawa na iputok ang baril sa akin. Ito ang sinasabi ko, kung uunahan ka ng daga sa dibdib walang mangyayari.
Binato ng isang lalaking nasa gitna ang baril na agad kong iniwasan. Isang ngisi lang ang binigay ko sa kan'ya bago ko buhatin ang upuan para ibato sa kan'ya, pero mayroong pumigil doon ang lalaking sinipa ko. Hawak-hawak n'ya ang paa ng upuan.
"Babae lang iyan!" sigaw nito habang nakaupo sa flooring. Seryoso kong itong tinignan at binitawan ang upuan na hawak ko.
Bigla itong tumayo at ihahampas sa akin ang upuan ng bigla kong hinila ang isang upuan sa gilid ko sabay palo sa gilid n'ya ng muli nitong pagtumba.
Lumabas ang mga lalaki naming kasamahan para hulihin ang mga loko, pero ang lalaking sinabing babae lang ako ay hinarap ko.
"Mabait talaga ako!" seryoso kong sabi sabay sipa sa mukha n'ya.