CHAPTER 04

2014 Words
Natalia's point of view "OUT na ako," paalam ko sa mga kasamahan ko. Naglakad ako palabas sa restaurant na pinagtratrabahuhan ko. Kinuha ko ang phone ko sa likod ng bulsa ko para tignan kung anong oras na. four na ng hapon kaya dismissal na nila Jonny ngayon sa school nila. Ngayon ang birthday ni Jonny kaya kakain kami sa labas para i-celebrate ang birthday n'ya. Naglalakad ako papunta sa parking lot kung saan naka-park ang motor ko. Inaayos ko ang suot kong damit dahil magagalit na naman si Jonny sa akin pag nakita n'ya na gulo-gulo ang suot kong damit. Pagkarating ko sa parking lot ay tinignan ko ang sarili ko sa side mirror ang mukha ko. Sumakay na ako sa motor ko ng biglang tumunog ang phone ko na nasa kamay ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag sa akin, agad kong sinagot ang phone call at tinapat ko sa tenga ang phone ko ng makita ko ang pangalan ni James sa screen ng phone. "What?" panimula kong bungad kay James. "Nasaan ka?" tanong ni James sa akin mula sa kabilang linya ng phone. "Sa restaurant pa ako, bakit?" sagot at tanong ko kay James. Habang kausap ko sa kabilang linya si James ay kinuha ko ang susi sa bulsa ko at pinasok sa motor ang susi. "Kakain kayo sa labas ni Jonny?" tanong ni James sa akin. "Oo, bakit?" tanong ko ulit kay James. Gusto ko sanang ipagluto na lang si Jonny, pero wala na akong masyadong oras para magluto dahil mayroon akong trabaho. "Send mo sa akin kung saang restaurant, susunod ako," sabi ni James sa akin. "Sige, pero ikaw ang magbabayad," nakangiti kong sabi sa kaibigan ko. "Uutakan mo na naman ako, hindi ba kinuha mo na ang ten thousand ko," singhal n'ya sa akin. Napailing na pang ako at mahinang natawa kay James. "Oo na, end ko na ang phone call kailangan ko pang puntahan si Jonny sa school nila," paalam ko kay James. Binaba ko na ang phone ko at nilagay ko iyon sa bulsa ko. Kinuha ko ang nakasabit na helmet sa motor ko at sinuot iyon. Sinimulan kong paandarin ang motor ko at umalis sa parking lot ng restaurant kung saan ako nagtratrabaho. Sa tuwing kaarawan ni Jonny ay buo ang pamilya namin, masaya at sama-sama kami, pero ngayon kaming dalawa na lang ni Jonny ang magkasama, pero kahit na wala sila Mama at Papa ay hindi ko papabayaan si Jonny. Ipagpapatuloy namin ang lahat kahit kaming dalawa lang. Mahigpit ang kapit ko sa handle ng motor at binilisan ko ang pagtakbo. Malakas na hangin ang tumatama sa katawan ko na nakakapagpagaan ng loob ko. Pagdating ko sa school nila Jonny ay pinark ko sa gilid ng kalsada ang motor. Hinubad ko ang helmet kong suot habang hinihintay si Jonny na lumabas ng school nila. Puno ng students ang paligid ngayon dahil uwian na nila, bawat batang lalabas sa gate ay tinitignan ko dahil baka si Jonny na iyon. Bumaba ako sa motor ng makita ko si Jonny na naglalakad na palabas ng gate. Tinaas ko ang kanan kong kamay para makita ako ni Jonny, agad n'ya akong nakita kaya binigyan ko s'ya ng isang ngiti. Isang ngiti din ang binigay sa akin ni Jonny ng makita n'ya ako. Tumakbo si Jonny palapit sa akin, pero pagtawid n'ya sa kalsada ay napansin kong mayroong mabilis na kotse ang paparating. "Jonny!" sigaw ko kay Jonny. Binitawan ko ang hawak ko helmet, tumakbo ako papunta kay Jonny; pagdating ko sa gitna ng kalsada ay hinawakan ko ang braso ni Jonny at sabay kaming natumba dahil sa gulat. Kinabahan ako dahil pagtingin ko ay unahan ng kotse ang nakita ko na ilang meters na lang ay tatama na sa amin ang kotse. Biglang nagtakbuhan ang mga students papunta sa amin para tignan kami. "Ate!" tawag ni Jonny sa akin. Nilingon ko si Jonny. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang sugat nito sa siko. "Okay ka lang?" nag-aalala kong tanong kay Jonny. Tinignan ko ang ibang parte ng katawan ni Jonny kung mayroon pa itong sugat. "Ayos lang ako, Ate. Maliit ma sugat lang ito," sagot ni Jonny sa akin. Agad akong tumayo at tinulungan kong tumayo si Jonny. Dumumi na ang suot n'yang uniform kaya pinagpagan ko iyon para mawala ang alikabok. "Bakit ba kayo paharang-harang sa kalsada?!" nagpintig ang tenga ko ng marinig ko ang salitang iyon. Tumigil ako sa ginagawa ko at agad na hinarap ang lalaking nagsalita. Uminit bigla ang ulo ko dahil sa sinabi ng gagong lalaking ito. Isang lalaking nakadungaw sa bintana ng kotse n'ya ang nakita ko. Sinamaan ko s'ya ng tingin. "Gago ka ba?!" galit kong sigaw sa lalaki. Muntik n'ya na kaming mabangga tapos s'ya pa ang mayroong ganang magalit ngayon at parang kasalanan pa namin. "Anong sabi m?!" galit din n'yang tanong sa akin. Naglakad ako palapit sa lalaki at balak nitong lumabas ng kotse n'ya, pero sinipa ko ang pintuan ng kotse para muling sumara ulit iyon. Bakas sa mukha ng lalaki ang gulat sa ginawa kong iyon. "School zoned ito kaya magdahan-dahan ka sa pagmamaneho, pasalamat ka at walang nangyari sa kapatid ko kung hindi ako ang babangga sayo!" galit kong sabi sa lalaki. "Ate, tama na iyan, okay lang naman ako kaya wag ka ng mag-alala," sabi ni Jonny sa akin. Hinawakan ni Jonny ang kamay ko at hinila ako palayo sa lalaki. Masama pa rin ang tingin ko sa lalaki habang naglalakad ako palayo. Kung wala lang kaming pupuntahan ni Jonny irereport ko ang lalaking iyon. Pagdating namin sa gilid ng kalsada kung saan naka-park ang motor ko ay tinignan ko si Jonny. "Siraulong lalaking iyon," inis kong bulong. "Hayaan mo na, Ate, baka kulang sa pagmamahal iyon," biro ni Jonny sa akin. Agad naman napalitan ang inis ko ng ngiti dahil kay Jonny. Ginulo ko ang buhok ni Jonny at isang malaking ngiti binigay ko sa little brother ko. "Happy birthday," masaya kong bati kay Jonny. "Thank you, Ate," sagot ni Jonny sa akin. Kinuha ko ang isang maliit na helmet para ilagay sa ulo ni Jonny. "Pupunta tayo sa Korean station kasama ang kuya James mo," sabi ko kay Jonny habang sinusuot ko ang helmet sa ulo n'ya. "Buti at hindi busy si Kuya James, Ate?" tanong ni Jonny sa akin. Kinuha ko naman ang isang helmet at sinuot ko sa akin. "Hindi kami busy pagdating sayo," masaya kong sagot kay Jonny habang sinusuot ko ang helmet sa ulo ko. Sumakay ako sa motor at sumunod din na sumakay si Jonny sa likuran ko. "Masaya sana kung nandito si Mama at Papa para kumpleto pa rin tayo," sabi ni Jonny mula sa likuran ko. Huminga ako ng malalim ng marinig ko ang matamblay na boses ni Jonny. Masaya sana kung nandito sila, pero wala naman kaming magagawa kung hindi tanggapin na wala na sila. Pinaandar ko ang motor at umalis na kami sa school ni Jonny. Mabagal lang ang takbo ng motor dahil kailangan kong mag-ingat para kay Jonny. "Pero buti na lang talaga, Ate, nandyan ka," saad pa ni Jonny. "Birthday mo kaya kailangan masaya tayo, saka siguradong masaya sila Mama at Papa sa langit dahil kaarawan ng bunso namin," pagpapagaan ko ng loob kay Jonny. "Thank you, Ate, dahil inaalagaan mo ako," sabi ni Jonny sa akin. Natawa ako ng mahina kay Jonny. "Ate mo ako kaya syempre aalagaan talaga kita," sagot ko kay Jonny. Hapon na rin. Napakunot ang noo ko ng makita ko na bakit ang traffic. "Bakit ngayon pa naging traffic?" reklamo kong sabi. Tinignan ko ang paligid at ang daming sasakyan. "Maaga pa naman, Ate," rinig kong sabi ni Jonny sa likuran ko. Sumilip ako sa unahan kung mayroon bang accident na nangyari at bakit mayroong traffic. Madalas naman akong dumadaan sa highway na ito, pero ngayon pa na natapat ang traffic sa amin. Wala naman akong magagawa, maghihintay pa rin kami hanggang sa wala ang traffic. "Anong gusto kong regalo sa akin?" tanong ko kay Jonny. Nandito naman si Jonny kaya mayroon akong makakausap sa gitna ng traffic. "Ayos lang ako kahit ano, pero gusto ko sana, Ate, bagong phone," sagot ni Jonny sa akin. Tinaas ko ang kanan kong kamay at nag-okay sign kay Jonny. "Okay, after nating kumain ibibili kita," sabi ko kay Jonny. "The best ka talaga, Ate," sabi ni Jonny sa akin. Pinuri pa ako. Muli akong tumingin sa harapan para tignan kung ano na ang nangyayari sa traffic. Marami ng galit at naririnig ko ang mga tunog ng busina ng mga bawat sasakyan dahil sa inis sa traffic. "Jonny, dito ka lang, titignan ko kung ano ang nangyayari doon," sabi ko kay Jonny. "Dito ka na lang, Ate," sagot ni Jonny sa akin. Pero ako ay bumaba sa motor at hinarap ko ang cute kong kapatid. "Saglit lang ako," nakangiti kong sabi kay Jonny. Nagsimula akong maglakad papunta sa sanhi ng traffic. "What the?!" taka kong sabi ng makita ang isang malaking truck na nakaharang sa gitna ng kalsada. Sino namang matinong tao ang gagawa ng ganito. "Tanggalin n'yo na ang truck, nakakaabala na kayo!" rinig kong galit na sigaw ng lalaki sa gilid ko. "Mga baliw ba sila at ilalagay ang truck sa gitna ng kalsada?!" inis ulit na saad ng lalaki. Tinignan ko ang truck. Mayroon ng lalaking sumakay sa loob ng truck, pero bago ito tuluyang sumakay ay tumingin sa akin kaya napakunot ang noo ko. Tinignan ko ang likuran ko dahil baka hindi naman ako tinitignan n'ya. Mayroon pang tao sa likod ko kaya baka hindi sa akin nakatingin ang lalaki. Tumalikod na ako para bumalik sa motor ko at kay Jonny. Habang naglalakad ako pabalik ay bigla akong napahawak sa tenga ko ng isang malakas na putok ng baril ang narinig ko. Lumingon ako para tignan kung saan ng galing ang malakas na putok ng baril at napaatras ako sa takot ng isang lalaking ang nakahandusay sa kalsada na mayroong tama ng bala sa noo n'ya. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa bigla at takot. S'ya 'yung lalaking sumigaw sa tabi ko kanina. Puno ng dugo ang noo n'ya umaagos papunta sa kalsada, nakadilat ang mata n'ya at nakatingin sa akin. Napaupo ako ng mayroon ulit putok ng baril ang muntik na tumama sa akin. Mabilis ang pagtibok ng puso ko at patingin ko sa kotse sa kaliwa ko kung saan tumama ang bala ng baril ay basag na bintana ang nakita ko. Sigawan ang naririnig ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil sa takot ko. Biglang nagsunod-sunod ang putok ng baril kaya napalingon ako at maslalo akong binalot ng takot ng pinanggagalingan ng putok ng baril ay kung nasaan si Jonny. "J-jonny!" nauutal kong sabi sa sarili ko. Kahit na nanginginig ang tuhod ko sa mga nakita ko ay tumayo ako para puntahan kung saan ko iniwan si Jonny. Habang sunod-sunod ang naririnig kong putok, ingay ng mga taong nagpapanic at mabilis akong tumakbo papunta sa kapatid ko. Hindi ako natatakot sa mga putok ng baril, masnatatakot ako na baka mapahamak ang kapatid ko. "Wahh!" sigaw kong ng mayroong tumba na babae sa harapan ko. Hindi ko pinansin ang babae at nilagpasan. Lalo kong binilisan ang takbo ko pabalik sa motor. "Jonny!" sigaw ko kay Jonny ng makita kong nakayuko s'ya at hawak n'ya ang ulo n'ya. "Ate!" sigaw ni Jonny sa akin. Napapayuko ako dahil sa tuwing mayroon akong naririnig na putok ng baril. Bakas sa mukha ni Jonny ang takot n'ya kaya agad ko na s'ya nilapitan. "Natatakot ako, Ate," umiiyak na sabi ni Jonny sa akin. Hindi ko alam kung anong nangyayari o kung ano ang dahilan bakit nangyayari ito, pero ang kailangan kong gawin ay tumakas kami sa lugar na ito. Muli akong napayuko ng konti dahil sa putok ng baril. Pinaandar ko ang motor ko. " Jonny, kumapit ka sa akin!" seryoso kong sabi kay Jonny. Agad akong napalingon sa likuran ko dahil pakiramdam ko ay nawala ang kasama ko. Kumunot ang noo ko ng nawala si Jonny sa likuran ko. "Jonny!"  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD