Natalia's point of view DALAWANG araw na simula mangyari ang indecent, pero ang sugat ko ay hindi pa mas'yadong magaling. Nakakalakad na ako ng ayos, pero need pa ng ilang araw para makabalik na ako sa dati. Si Gray ay hindi rin lumalabas dahil masmalala ang nakuha n'ya kaysa sa akin. Bakit ko ba iniisip ang lalaking iyon? Alas dose na ng gabi, pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi na kasi ako bumili ng bagong phone, pero binigyan ako ni Ma'am Loretta ng bago. Hindi ko naman kabisado ang number ni James kaya hindi ko ito matawagan. Tumayo ako sa pagkakahiga. Gusto ko sanang magpahangin, pero mayroong isang lugar dito na gusto ko. 'Yung gym at shooting range nila. Naglakad ako papunta doon. Wala naman akong gagawin kung hindi ang tumambay lang doon. Gusto ko lang titigan ang mga na