Natalia's point of view “I saw sadness,” bulong ni Gray sa akin habang nakatingin sa mata ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kan’ya ng nag-iinit iyon. Ramdam ko ang pagtulo ng luha sa mata ko. Ayokong makita n'ya na umiiyak ako dahil ayokong makita n'ya ang kahinaan ko. Nang makita n'ya ang pagtulo ng luha ko ay bigla itong umalis sa ibabaw ko. Mabilis akong tumayo sa pagkakahiga at agad na nakita ng mata ko ang kutsilyo na nakalapag sa floor. "Mayroon akong gustong malaman," seryoso kong saad kay Gray. Marahan kong pinunasan ang luha sa mata ko. Nakatitig lang ako sa kutsilyo na nakakalat sa floor. Tinignan ko si Gray na nakaupo sa kama n'ya at parang walang iniinda na panganib sa akin. Mabilis kong kinuha ang kutsilyo sa floor at tinutok iyon sa kan'ya. "Hindi ko alam kung ano ang