Natalia's point of view "GUSTO mo bang dalhin ka sa hospital?" tanong ni Ma'am Loretta sa akin. Nakauwi na kami sa bahay dahil ay dumating ang ibang mga tauhan nila Gray para sunduin kami. Nakaupo ako sa sofa, kasama si Gray na ginagamot na ang sugat n'ya. Nakatingin silang lahat sa akin na hinihintay ang sagot ko. "Mama, wala ka ba talagang sugat?" nag-aalalang tanong ni Gray sa Mama n'ya. "Wala. Salamat kay Natalia," sagot ni Ma'am Loretta. Nauna ako sa kotse ni Ma'am Loretta, pero sa hindi kalayuan ay nakita ko si Jefferson na mayroong kausap sa phone n'ya. Bigla kong naalala ang nakita ko sa dibdib n'ya noong nasa living area kami. Paglingon ko sa kan'ya, ay agad kong napansin ang tattoo nitong bulaklak sa dibdib n'ya. Dumating si Gray kaya sumakay na ako sa kotse ni Ma'am Lor