Natalia's point of view “KILALA ko kung sino ang pumatay sa kapatid mo." Tumigil ako bigla sa paglalakad ko sa narinig kong saad n'ya. Humarap ako kay Gray na nakatalikod mula sa akin. "Sino?" seryoso kong tanong sa kan'ya. Humarap s'ya sa akin at binigyan n'ya na naman ako ng isang mapanglarong tingin, nakangisi ito sa akin. Isang panlilinlang n'yang atake. Paisa-isang hakbang ang ginawa n'ya palapit sa akin. Nilapit nito ang mukha n'ya sa akin, at bigla akong nginisihan, hinawi n'yang ang buhok ko gamit ang hintuturo nito. "Sumali ka sa grupo ko, and I tell you what you want to hear," sagot n'ya sa akin. Hinawakan ko ang kamay n'ya para alisin sa akin, pero nabigla ako ng mabilis n'yang nalipat ang lahat. S'ya na ngayon ang nakahawak sa akin at hinila ako palapit sa kan'ya.