SAMANTHA'S POV SAM, anong ginagawa mo buong maghapon? Tinatawagan kita, hindi ka makontak? Iniwan mo ang bata kay yaya Karen? Hindi mo ba iniisip na baka mapaano ang anak mo?" "Nag-enroll ako Chris gusto kong tapusin ang aking kurso. Sana huwag mo akong hadlangan kung ano ang plano ko para sa sarili ko." "Sam, ang sabi ko sa 'yo huwag mo nang ituloy ang pagdo-doctor mo? Meron ka nang mansion pera at mga sasakyan, saka meron ka nang malaking shares sa company, si Daniel ang tagapagmana sa lahat na meron ako. Ano pa ba ang kulang?" "Chris, ang kulang sa akin ay ang maka-graduate ako sa kursong gusto ko. Iba pa rin kung degree holder ako 'di ba? Sana naman pumasok diyan sa isip mo na meron din naman akong pangarap kahit kabit lang ako!" "Samantha! Ano na naman ba ang nakain mo at ga