CHAPTER 1
NAKAUPO si Darren sa ilalim ng punong kahoy, habang nag-study meron kasi siyang report class mamayang hapon. Nagulat siya nang may biglang yumakap sa kaniya at humalik sa kaniyang buhok. Nang tignan niya ay, niyakap niya ito nang sobrang higpit nang makitang si Samantha ang babaeng iyon. "Babe, I love you."
"Babe, ang sweet mo naman. Mas lalong minahal kita, kung laging ganiyan ka sa akin." tugon ko sa kaniya habang yakap-yakap ko siya.
"Babe, gusto kong magpaalam sa 'yo. Meron kaming gawing dance number bukas presentation namin sa darating na election ng eskwelahan natin. Sana payagan mo akong sumama sa mga kaklase ko."
"Kaya pala naglalambing ka, dahil meron kang kailangan sa akin? Paano kung hindi ako papayag?"
"Babe, naman."
"Samantha, iniingatan lang naman kita, alam mo namang maraming masamang tao ngayon, saka puwede namang dito na kayo magpraktis sa campus 'di ba? Hindi na kailangang pumunta kayo kung saan-saan." saad ko kay Samantha pero nakita kong kumunot ang noo niya saka tumalikod sa akin. Marahan kong hinawakan ang kaniyang mukha at pinisil ko ang kaniyang ilong. "Babe, huwag ka nang magtampo sa akin. Sige na payagan na kita pero sa isang kondisyon."
"Ano iyon babe?" tanong niya sa akin.
"Ayokong magsuot ka ng sexy, saka kailangang kasama mo si Crystal, upang meron akong mga mata sa 'yo. Baka kasi meron mga lalaking gustong lumandi sa iyo roon eh."
"Okay, babe. Promise kasama ko si Crystal." turan niya sa akin habang nakangiti.
Magkaiba kami ng classroom, dahil hindi parehong kurso ang kinuha namin. Business administration ang sa akin, at sa kaniya naman ay doctor. Gusto kasi ng parents ko na ako ang mamahala sa company namin kapag makatapos na ako sa pag-aaral.
"Hindi mayaman ang pamilya nila ni Samantha, empleyado lang ang kaniyang ama sa isang sikat na company at house wife lang ang kaniyang ina. Hindi siya pasok sa panlasa ng aking mga magulang kaya hanghang ngayon ay nanatiling nakatago pa rin ang aming relasyon. Dahil hindi puwedeng malaman nina mommy at daddy ang relasyon namin, dahil alam kong sila mismo ang gumawa ng paraan upang maghiwalay kami. At iyon ang ayokong mangyayari.
Popular ang business namin. Meron kaming malaking wine company, nag-iisang anak lang ako kaya sobrang istrikto sina mommy at daddy sa akin. Wala akong sariling sasakyan dahil wala silang tiwala sa akin. Pagkatapos ng klase ay deritso na ako sa company upang pag-aralan kung paano magpatakbo nito, high school pa lang ako ay laging sinasabi sa akin ni mommy na kailangang matuto ako habang maaga pa kung paano mamahala sa business namin, upang pagdating ng araw ay alam ko na raw lahat-lahat. "Babe, salamat ha. Huwag kang mag-aalala faithful ako sa relasyon natin, hindi kita bigyan ng sakit sa ulo. Saka alam mo namang mahal na mahal kita 'di ba?" turan sa akin ng girlfriend ko saka niya ako ginawaran ng halik sa labi. At nagpaalam na pumasok na sa kaniyang classroom. Mahal na mahal ko si Samantha. Lahat ay gagawin ko huwag lang siyang mawala sa akin. Ipaglaban ko siya sa aking mga magulang pagdating ng araw. Pero sa ngayon ay ayoko munang malaman ng parents ko ang tungkol sa relasyon namin, dahil ayokong mawala siya sa akin. Kinabukasan dahil weekend ay nasa mansion lang ako kaharap ko ang computer, maraming documents ang binigay sa akin ni daddy upang aking pag-aralan. Bored ako sa buhay dahil bahay at eskuwelahan lang ako. Ni wala akong panahong dalhin sa mamahaling restaurant si Samantha, dahil inuuna ko ang gusto ng aking mga magulang. Mabuti na lang ay mabait na girlfriend si Samantha, maunawain at hindi madaling magalit. Siya ang babaeng pinapangarap kong makasama hanggang sa kabilang buhay. Habang abala ako sa aking ginagawa ay biglang pumasok si mommy sa aking kuwarto. Gusto niyang makasiguro kong nag-aaral pa ba ako. "Mommy, bakit po kayo biglang pumasok rito sa kuwarto ko?" tanong ko. "Anak, gusto kong makita kung pinag-aralan mo ang mga binigay sa iyo ng daddy mo." nakangiting tugon niya sa akin.
"Mommy, masaya po ba kayo sa piling ni daddy?"
"Anak, bakit mo naman naitanong? Don't tell me na meron ka nang napupusuan sa skwelahan mo."
"Mommy, kung sakaling ma-inlab ako ay hindi ka ba magagalit?"
"Anak, huwag mong gawin iyan, meron nang babaeng nakalaan para sa iyo. Anak nang business partner natin. Maganda si Monic, saka alam kong mabait siya at masunurin sa magulang."tinitigan ko si mommy, hindi ko alam kung ano ang sabihin ko sa kaniya. Natatakot akong magalit siya kung malamang meron na akong mahal.
"Mommy, hindi ko siya kilala, saka kahit minsan ay hindi ko pa nga iyan nakita, tapos gusto mong pakasalan ko ang babaeng iyon?"
"Anak, hindi mahirap mahalin si Monic, nasa Amerika siya nag-aaral ngayon, kaya alam kong magkakasundo kayo pagdating ng panahon.
"Mommy, wala ba akong karapatang mamili kung sino ang tinitibok ng puso ko? Kailangan bang sundin ko ang gusto ninyong dalawa ni daddy? Sariling kaligayahan ko na po iyan mommy."
"Anak, hangga't nasa poder ka namin ng daddy mo ay kami lang ang may karapatang magdesisyon kung sino ang mamahalin mo." About business ang pinag-uusapan natin anak, at ang pagpakasal ninyo ni Monic ay business pa rin. Kaya kailangang handa ka dahil ayokong pagdating nang araw ay suwayin mo kami ng daddy mo." seryosong wika ni mommy sa akin. Paglabas niya ay isang
buntong hininga ang aking pinakawalan.
CHAPTER 2
Samantha's Pov'
"Samantha, masaya ka ba sa relasyon ninyo ni Darren? Anim taon na ang relasyon ninyo, pero hanggang ngayon ay hindi ka pa rin pinakilala sa mga magulang niya. Alam mo bang birthday niya next week? Sana lang invited tayong dalawa. Lalo ka na dahil girlfriend ka niya."
"Crystal, mahal na mahal namin ang isa't isa, tanging kay Darren lang umiikot ang mundo ko. Masaya ako kasi nakita kong ako lang ang laman ng puso niya. Saka ang sabi niya ay busy siya sa company nila, sa kaniya kasi ipamana ang kayamanan ng parents niya, kaya tama na 'yan Crystal. Malaki ang tiwala ko sa boyfriend ko." seryosong sagot ko kay Crystal. Totoo ang sinasabi niya na hanggang ngayon hindi ko pa rin nakilala ang mga magulang ni Darren. Minsan nararamdaman kong hindi mahalaga kay Darren na makilala ko ang parents niya. Sa sunod na araw birthday na niya, lagi kong dinadasal na sana sa araw na iyon ay ipakilala niya na ako sa mga magulang niya. "Samantha, bakit biglang natahimik ka yata? Meron ka bang iniisip? " tanong niya.
"Crystal, huwag ka nang mag-isip nang kung anu-ano. Dahil ayokong masira ang araw ko. Saka alam mo namang mahal na mahal ko si Darren 'di ba? Konti na lang ay maka-graduate na siya, kapag makagraduate na ako ay magpakasal
na raw kaming dalawa."
"Concern lang naman ako sa 'yo besh. Kaibigan kita eh. Ayokong masaktan ka mahal kita alam mo 'yan. Ang sa akin lang ay alamin mo ang dahilan niya kung bakit tinatago ka niya sa parents niya. Mabuti nang makasiguro, upang hindi ka magmukhang tanga!" turan niya sa akin, nasanay na rin ako sa bibig niya kung makasermon sa akin ay daig pa ang mommy ko.
"Maraming salamat besh, kung darating man ang araw na masasaktan ako, alam kong hindi mo ako iiwan." nakangiting turan ko sa kaniya.