"Ang kapal ng mukha mo Samantha! Meron ka bang ebedensiya?! Ipakulong kitang malandi ka!" "Oops, nakakahiya naman sa tulad mong makati Amanda. Ang bilis mong manghusga na akala mo napakalinis mong babae! Masama kang asawa! At masama kang ina. Nang nabuntis ka ni Samuel na kabit mo ay si Christopher ang pinaako mo. Nakakasuka ka naman 'di ba? Kaya huwag kang magmalinis dahil nasa akin ang DNA test ni Darren. At nasa results ang 100% positive na si Samuel Natividad ang ama ni Darren! Alam kong kayamanan ni Chris, ang concern mo, kaya ka nandito at kung bakit ayaw mong pirmahan ang annulment, dahil natatakot kang wala kang makuhang kayamanan ni Christopher. Noon pa man ang sabi ni Chris sa akin ay scammer kayo ng magulang mo!" "May araw ka rin sa akin Samantha!" nakatitig siya ng matal