"Dad, bakit nawawala ang pagmamahal mo kay mommy?" seryosong tanong ko, nagulat siya, pero ngumiti pa rin siya. "Anak, ni minsan ay hindi pinapahalagahan ng mommy mo ang kasal namin. Tulad sa inyo ni Monic arrange marriage din kami, pera pa rin ang involved kaya nagpakasal kami, kaso na scam ang parents ko, kasi pabagsak na pala ang kanilang negosyo kaya nagmamadali ang mga magulang niyang ipakasal kami ng mommy mo. Nang bumagsak ang business nila, ay galit na galit ang parents ko, at pinapalayas ang mommy mo sa mansion, kaso naawa ako sa mommy mo kaya pinagtatanggol ko siya laban sa parents ko. At Alam niyang wala akong pagkukulang, lagi kong iniingatan siya para hindi masira ang kaniyang pangalan sa parents ko. Kaso sadiyang pasaway ang mommy mo. Ako na nga ang niloloko niya, ako pa ri