"Daddy, kumusta si Sam?"
"Darren, malubha ang kalagayan niya."
"Bakit dad, anong nangyari paanong malubha?" tanong ko kay daddy, nag-aalala ako kay Sam.
"Hindi na siya makakalakad pa anak, nabali ang kaniyang binti."
"Ano? Dad, kailangan ko siyang puntahan gusto ko siyang makita."
"Anak, walang problema sa akin. Sinabi ko na rin sa kaniya na nagtungo na kayo sa Amerika ni Monic para doon na magpakasal."
"Daddy, bakit niyo po sinabi sa kaniya?"
"Dahil iyon ang tama anak. Ayokong mag-aaway na naman kayo ng mommy mo."
"Daddy, alam mo namang mahal na mahal ko siya 'di ba? Kayo lang naman ang may gusto ni mommy na pakasalan ko si Monic, hindi ko siya mahal dad, si Sam lang ang gusto kong makasama habang buhay."
"Darren anak, I'm sorry. Sana maintindihan mo kami ng mommy mo, kung bakit pinilit ka naming pakasalan si Monic, mas mabuti sigurong kalimutan mo na lang si Samantha."
"Ayoko dad, paano ko makalimutan ng ganoon lang ang babaeng anim na taon kong minahal? Parang awa mo na dad, tulungan mo akong makita si Samantha." nagulat kaming pareho ni daddy nang sumulpot si Mommy.
"Ano? Nahihibang ka na ba Darren? Mahirap ba talagang intindihin ang gusto namin para sa 'yo? Para sa kabutihan ng lahat ang ginagawa namin ng daddy mo. Sana naman huwag mo nang ipilit ang isang bagay na makakasira sa 'yo!"
"Mommy, mahal na mahal ko siya. Hayaan mo na lang akong makasama si Samantha. Malulugi ba talaga ang company natin kung hindi ako papayag sa gusto ninyong mangyayari?" seryosong tanong ko kay mommy pero nagagalit siya sa tanong ko.
"Tandaan mo Darren anak lang kita, ako ang may karapatang magdesisyon sa buhay mo. Pagkatapos ng graduation ay sumama ka na kay Monic sa Amerika. Kung ayaw mong guluhin ko ang buhay ng babaeng iyon ay kailangang gawin mo ang gusto ko! Kilala mo ako Darren kaya kong gawing impyerno ang buhay ni Samantha kung magmatigas ka!" galit na turan ni mommy sa akin, kahit si daddy ay wala na rin siyang magagawa si dahil mommy pa rin ang masusunod.
"Amanda, tama na 'yan, pagbigyan natin si Darren, na makita ang kaniyang girlfriend sa huling pagkakataon. Wala ka na bang natitirang awa diyan sa puso mo? Wala naman sigurong mawawala kung hahayaan nating magpaalam si Darren kay Samantha."
"Christopher, huwag na huwag mong banggitin ang pangalan ng babaeng iyon. Tigilan ninyo akong dalawa, dahil kahit anong mangyayari ay ayokong ma-involve pa ang buhay mo sa babaeng iyon period!" singhal ni mommy sa amin ni daddy. Dahil sa sobrang inis ko ay nag-walk out na na lang ako at pumasok sa aking kuwarto.
"Alam mo bang sumosobra ka na Amanda? Pati sariling damdamin ng anak natin ay pinakikialaman mo na. Wala tayong karapatang pigilan siya sa nararamdaman niya sa babaeng iyon, alam mo bang nang dahil sa nangyayari ay hindi na siya nakakalakad? Kasalanan natin ang lahat Amanda."
"Hindi natin kasalanan Christopher, nagpadala siya sa kaniyang galit kaya nabangga ang sasakyan niya. Hindi ko alam kung bakit kinakampihan mo ang anak natin, alam mo namang ginagawa ko lang kung ano ang nararapat!" naririnig kong sumisigaw pa rin si mommy, pabagsak akong humiga sa kama at pinikit ko na lang ang aking mga mata. Hindi ko mapigilan ang aking mga luha, nag-aalala ako kay Sam, naawa ako sa kaniya gustong-gusto ko siyang puntahan at ipadama sa kaniyang hindi ako nawawala na nandito pa rin akong nagmamahal sa kaniya. "Sam, I love you, kahit anong mangyayari ay hindi ako titigil na mahalin ka, kung hindi man tayo ang para sa isa't isa sana sa kabilang buhay ay itutuloy natin ang ating pagmamahalan. Sana darating ang araw na makalakad kang muli. Ituloy mo ang iyong buhay kahit wala na ako sa tabi mo." bulong ko sa sarili, saka pinakawalan ko ang malakas na buntong hininga. At pinupunasan ang sariling luha. lagi akong nag-search sa kaniyang account sa social media pero wala pa rin akong nakikitang update. At naka-block na rin ako sa kaniyang lahat na account. Naguguluhan ako ngayon at nasasaktan hindi ko alam kung meron pa bang puwang sa puso ni Sam ang magpapatawad.
SAMANTHA'S POV
ISANG LINGGO na rin mula nang nakalabas ako sa ospital. Nakaupo ako sa wheelchair habang nanonood ng telebisyon, nagpatuloy pa rin ako sa pag-aaral kahit nakaupo ako sa wheelchair. Kailangang ipagpatuloy ko ang aking pag-aaral upang sa ganoon ay taas noo pa rin akong humarap sa mga taong nanakit sa akin. Wala pa ring puwang sa puso ko ang pagpapatawad lalo na at si Darren ang dahilan kung bakit hindi na ako makakalakad.
"Sam, nandito ka na pala? Kumusta na ang mga paa mo?"
"Crystal, sana matanggal na ang stainless nito. Alam kong darating ang araw na makalakad ako. Pero sa ngayon kailangan kong manalig kay lord at magtiwala sa kaniya."
"Mabait kang babae Sam, alam kong hindi ka pahirapan ni lord. Ang puso mo kumusta na?"
"Crystal, malungkot pa rin ang puso ko. Gusto kong maghiganti sa taong nanakit sa akin."
"Samantha, kumusta na pala si Darren meron ka bang balita? "
"Crystal, ang sabi ng daddy niya nasa America na raw kasama ni Monic dahil doon daw gaganapin ang kasal nilang dalawa."
"Ikaw, kumusta naman ang puso mo? Masakit pa rin ba?"
"Galit na galit ako sa kaniya Crystal. Gusto kong iparamdam sa kaniya ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko hahayaang mamumuhay sila ng tahimik wawasakin ko ang pamilya niya."
"Sam, oh, my gosh, don't tell me na maghiganti ka, masama iyan besh." turan ni Crystal sa akin. Nagulat ako nang makitang lumapit sa amin si Christopher ang ama ni Darren.
"Besh, teka lang. Siya ang ama ni Darren 'di ba? Bakit siya nandito?"
"Aba, malay ko."
"May edad na siya pero ang guwapo. Balato mo na lang sa akin besh, payag akong gawin niyang kabit." nakangiting turan ni Crystal sa akin.
"Sam, kumusta ka na?"
"Sir, bakit po kayo nandito?"
"Gusto lang kitang kamustahin Sam. Nag-worry kasi ako nang nalaman kong wala ka na sa ospital. Alam ko namang dito ka nag-aaral kaya nandito ako ngayon gusto ko lang malaman kong okay lang ang kalagayan mo."
"Sir, huwag po kayong mag-alala okay na ako. Saka kung puwede lang huwag na po kayong magpakita pa sa akin, kasi ayokong maalala pa ang ginawa ninyo sa akin."
"Sam, nandito ako bilang kaibigan mo. Sana lang huwag mo akong pagbawalang makita ka. Gusto kitang kaibigan at gusto kitang tulungan sa situwasyon mo." seryosong turan niya sa akin, naalala kong sobrang masama ang ugali ng asawa niya kaya meron akong naisip na plano.
"Sir, kung gusto mo akong kaibigan walang problema, anytime welcome ka sa bahay. Meron pa kaming klase at kailangang pumasok na kami sa classroom mauna na po kami."
"Sam, sana lang huwag ka nang mag po sa akin, sumakit lalo ang likod ko. Christopher na lang."
"Sure, Chri-Christopher." turan ko habang nakangiti.