VERONICA'S POV.
Nakita kong nag-uusap sina Gregor at Valen sa parking lot, gusto ko sanang umiwas pero naririnig ko ang kanilang pinag-uusapan, kaya lumapit pa ako para malinaw kong marinig ang lahat.
"Valen, bakit ka ba nandito? Alam mo bang malaki ang problema ng anak ko? Nasasakan at hindi na siya mkakalakad! Tapos nandito ka para saktan siya at ang asawa ko? Akala ko ba maliwanag na
sa 'yo na hindi muna ako pupunta sa bahay mo, dahil kailangan ako ng pamilya ko! Ang sabi mo ay naiintindihan mo ako eh, pero bakit nandito ka ngayon, magdududa na ang asawa ko sa atin, dahil diyan sa katangahan mo!"
"Gregor, kasalanan mo! At wala akong pakialam sa pamilya mo, dahil kami ng anak mo ang pamilya mo! Hinahanap ka lagi sa akin ni Kathaleya lagi niyang sinasabing miss na miss ka na niya, ina ako ng anak natin, nasasaktan ako sa tuwing mangungulila siya sa atensiyon mo!"
"Umalis ka na Valen, bago pa malaman ni Varonica ang relasyon natin! Plano mo talagang lumantad para guluhin ang pamilya namin? Hindi ka ba nag-iisip? Kung malaman ng pamilya ko ang totoo sa tingin mo ay hahayaan ka niyang makalapit pa sa akin? Gamitin mo ang utak mo Valen, kung gusto mong uuwi pa ako sa inyo ng anak mo!"
"Gregor, aalis ako kung mangako ka sa akin na sa bahay ka matulog ngayong gabi. Nasanay na kami ni Kathlea na kasama ka naming mag-breakfast at matulog kasama namin sa kama, huwag mo namang basta-basta baguhin ang lahat nagmamakaawa ako sa 'yo."
"Valen, naintindihan kita, mahal ko kayo ng anak mo, pero mas higit na kailangan ako ngayon ng anak ko. Ako ang ama niya kailangan niya ako sa tabi niya."
"Hindi naman kita pinagbabawalang makasama ang anak mo eh, hindi mo naman maalis sa akin na magseselos sa asawa mo. Laging pumapasok sa isip ko na baka tulad natin ay nagsesex kayo, na ginawa mo sa kaniya ang ginagawa natin. Baka pinapasaya ka na rin niya tulad ng ginagawa mo sa akin." turan ni Valen kay Gregor, hindi ako makapaniwalang umabot sa ganoon ang relasyon nilang dalawa. Gusto kong sumabog sa mga oras na iyong nang narinig ko ang sinabi ni Gregor na mahal niya ang babaeng iyon at ang anak nila. Wala sa isip kong lumapit sa kanila, niyakap ni Gregor si Valen at tinapik niya ang likod nito saka hinalikan niya sa noo. Sobrang sakit sa akin ang aking nakikita, ako ang nangangailangan ng yakap na iyon dahil durog na durog ako. Nasasaktan ako, para akong kandilang nakatirik sa kanilang likuran.
"Huwag kang mag-aalala hindi kita pigilang makita ang kabit mo, at ang anak ninyong dalawa. Ayokong pahirapan pa ang sarili mo. Kung talagang masaya at nagmamahalan kayong dalawa huwag ninyo kaming isipin ni Sam, kaya naming mabuhay na wala ka, kasi ni minsan ay hindi ko nararanasang pinapahalagahan mo ang pamilyang meron ka, kaya siguro bumuo ka ng ibang pamilya dahil hindi ka na masaya sa amin ng anak mo." turan ko kay Gregor, sa mga oras na iyon ay gusto ko nang sumabog, pero nanatiling matibay ako sa harapan nilang dalawa dahil ayokong makita niyang nanghihinayang ako sa relasyon naming mag-asawa. Dahil wala naman talagang dahilan para manghihinayang dahil mula pa sa umpisa ay sadiyang hindi na siya masaya sa pagsasama namin bilang mag-asawa.
"Veronica, ano ba ang pinagsasabi mo? Nahihibang ka na ba?"
"Gregor, huwag mo akong gawing bulag at bingi, naririnig ko lahat at nakikita ko ang pagtataksil ninyong dalawa sa akin."
"Gregor, huwag mo nang itanggi ang relasyon natin, mabuti na ring malaman niyang meron kang ibang pamilya, saka panahon na para malaman niyang meron kang anak sa akin." seryosong turan ni Valen habang nakahawak sa braso ni Gregor.
"Valen, puwede ba umalis ka muna, kailangang makausap ko ang aking asawa!"
"Gregor, ako ang asawa mo! Ang anak lang natin ang anak mo!" galit na sigaw ni Valen kay Gregor.
"Iba na talaga ang mga kabit ngayon, wala nang mga kahihiyan, kung saan-saan na lang nagkakalat ng kanilang mga baho. Kung sabagay nang pinatulan mo ang asawa ko ay maruming babae ka na. Kawawa naman ang anak ninyo, dahil bunga siya sa kasalanan at kataksilan ninyong dalawa. Ayokong mag-iskandalo ka rito dahil ospital 'to hindi squatter. Sa itsura mo pa lang basura ka na, kitang-kita na binihisan ka lang ng pera ni Gregor. Laking squatter ka 'di ba? Dahil ang ugaling meron ka ay hindi disenteng babae, isang kaladkarin, bayaran at parausan. Ngayon Gregor, bago ko pa putulan ng dila ang kabit mong low profile ilabas mo na siya rito bago ko pa kayo kasuhan!" turan ko at dahang-dahan kong hinubad ang aming wedding ring at binigay ko kay Gregor. Lumaki ang mga mata niya, hindi siya makapaniwalang kaya kong gawing makipaghiwalay sa kaniya, pero buo na ang desisyon ko, dahil ayokong mamalimos ng pagmamahal at atensiyon sa asawa ko.
"Ang taas mong magsalita, kaya pala mas pinili ni Gregor na sa akin magpalipas ng gabi dahil masama ang ugali mo! Ako ang mahal niya hindi ikaw!"
"Hindi maganda ang ugali ko sa mga babaeng basura tulad mo! Hindi mo deserve ang ugaling mabait dahil isa kang maruming babae. Gusto mong makipagmabutihan ako sa kabit ng asawa ko? Anong akala mo sa akin santo? Hindi ako nakikipag-agawan
sa 'yo, ayokong mahawaan sa sakit na meron kayong dalawa. Umalis na kayo sa harapan ko, at huwag na huwag na kayong magpapakita pa sa akin. Lalong lalo ka na Gregor. Mula ngayon ay hindi mo na kita asawa. At wala ka na rin anak sa akin. Magpakasaya kayong dalawa at magpakarami." seryosong turan ko at nagmamadaling lumabas ng building, ayokong makita ng anak kong nasasaktan ako dahil alam kong nasa situwasyon siya ngayon na mas higit niya akong kailangan. Nagulat ako nang sumunod sa akin si Gregor at hinawakan niya ang aking braso, mabilis ko siyang sinampal at itinulak.
"Huwag na huwag mo akong hawakan! Mula ngayon ay hindi na kita asawa!"
"Veronica, asawa pa rin kita, I'm sorry. Ayokong mawala ka sa akin, mahal kita."
"Huwag ka nang mag-aksaya pa ng laway Gregor, dahil kahit ano pa ang sasabihin mo ay hindi na ako naniniwala sa 'yo. Sinungaling ka at manloloko, kaya pala lagi kang wala sa bahay dahil meron ka nang ibang inuuwian, at ang galing mong pumili tulad mo rin siya makapal ang mukha! Huwag mo na akong kausapin kung meron kang sasabihin kausapin mo ang abogado ko. Mag-file ako ng annulment upang sa ganoon ay malaya ka nang ilantad ang kabit mo, at anak mo sa babaeng iyon!"
"Walang annulment! Ayokong makipaghiwalay sa 'yo!" sigaw niya.
"Hindi ikaw ang magdesisyon Gregor, ako ang meron karapatang magdesisyon hindi ang manlolokong tulad mo!"
"Veronica, I'm sorry. Alam kong nasasaktan kita. Patawarin mo ako. Ikaw at ang anak natin ang gusto kong makasama dahil kayo ang pamilya ko. Asawa kita nagmamahalan tayo."
"Noon mo dapat sinasabi iyan Gregor. Dahil araw-araw sabik na sabik akong marinig ang mga salitang iyan. Ngayon mo na lang sinasabing hindi na kita nararamdaman. Layuan mo na ako at magsama kayo ng kabit mo!" galit na sigaw ko sa kaniya at nagmamadali na akong sumakay sa aking kotse.
"Veronica, kausapin mo ako. Handa kong iwanan si Valen bumalik lang tayo sa dati!" sigaw niya pero wala na akong pakialam sa mga gusto niyang sasabihin. Ang tanging gusto ko na lang ngayon ay katahimikan.
"Gregor. Narinig ko ang mga sinasabi mo! Hindi kita hahayaang mawala sa buhay namin ng anak mo!"
"Get lost Valen! Layuan mo ako! Kung hindi ka pumunta rito hindi sana nangyayari sa amin ng asawa ko 'to ngayon sinira mo ang lahat. Hindi mo alam kung paano ilugar ang sarili mo, kabit lang kita hindi asawa!"
"Ang kapal ng mukha mong sabihin sa akin iyan Gregor, minahal kita at alam kong mahal mo rin ako 'di ba? Kung meron man dapat mawala sa buhay mo ay si Veronica at ang anak mo, hindi kami ng anak mo!"
"Get lost Valen!"
"Hell no! Kahit anong gawin mo ay hinding-hindi ako aalis sa buhay mo Gregor!"