"Sam, anong plano mo? Bakit iba ang ngiti sa labi mo?"
"Crystal, ito na ang pagkakataon ko. Gamitin ko siya para agawin ang mga kayamanan ng kanilang pamilya."
"Besh, okay ka lang? Kaya mong gawin iyan? Diyos ko, kung ano man ang plano mo huwag mo nang ituloy."
"Crystal, hindi ako papayag na hindi makaganti sa ginagawa nila sa akin." turan ko kay Crystal, alam kong ayaw niya sa plano ko pero sa situwasyon ko ngayon ay wala nang makapigil pa sa akin. Buo na ang desisyon kong gawing impyerno ang buhay nila.
"Ang daddy mo meron babae. Ngayon naman gusto mo siyang gayahin? Galit na galit ka sa kaniya 'di ba? Sana lang maisip mo namang mali ang nasa isip mo."
"Wala ka sa posisyon ko Crystal, durog na durog ako! Ang akala ko kami ang magpakasal, na kami hanggang dulo. Ang daming nabuong plano, pinakita niya sa akin na ako lang ang mundo niya, pero bakit biglang nagbago ang lahat? Bakit sa iba siya nagpapakasal? Ang sakit-sakit. Sa ginawa niya ay biglang tumigil ang mundo ko. Lagi kong dinadasal na sana mamatay na lang ako para hindi ko na mararamdaman ang sakit. Kaso buhay pa rin ako eh, nasasaktan pa rin ako at nagdurusa. Hindi ko alam kung hanggang kailan titigil ang puso kong ibigin siya. Crystal mas masakit dahil araw-araw pinapaalala niya sa akin ang kataksilan niya, dahil sa kaniya ay hindi na ako makalakad, kaya walang masama kung maningil ako sa paraang masama sa tingin ng mga tao."
"Besh, I'm sorry, alam kong hindi madali para sa 'yo ang lahat. Puwede ka namang mag-move on ng tahimik eh. Na wala kang masaktan, natakot ako sa plano mo, ayokong madagdagan ang problema mo. Mahal kita, dahil kapatid na rin ang turing ko sa 'yo. Nasasaktan akong nakikitang ganiyan ka, kung puwede lang sana ako ang nakaupo diyan sa wheelchair na iyan. Kung puwede lang na ako na lang ang hindi makakalakad para hindi ka na mag-isip na gawin ang hindi tama." turan ni Crystal sa akin. Grade school pa lang kami ay close na kami sa isa't isa. Mahal na mahal ko siya, noon pa man ay karamay ko na siya sa hirap at ginhawa.
"Maraming salamat Crystal. Sana lang hindi magbago ang pagtingin mo sa akin kung sakaling makagawa ako ng kasalanan." seryosong turan ko sa kaniya. Tinapik niya ang aking balikat at hinaplos niya ang aking buhok.
Pagdating ko sa bahay ay naabutan kong lasing na lasing si mommy. Mula nang umalis si daddy ay lagi na lang naglalasing si mommy. Masakit sa akin ang makita siyang ganiyan, dahil nakita ko ang sarili ko sa kaniya. Pareho kaming pinaglaruan ng tadhana. "Mommy ano ba ang plano mo? Habang buhay ka na lang bang ganiyan? Maawa ka naman sa sarili mo. Nandito ako para sa 'yo, samahan kitang lumaban basta ipakita mo lang sa akin na lalabanan mo ang nararamdaman mo. Kailangan kita mommy."
"Anak, pabayaan mo na lang ako. Wala akong alam gawin para makalimutan ang daddy mo. Nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon hindi ko lubos maisip na kaya niya akong ipagpalit sa babaeng iyon eh." umiiyak na turan ni mommy sa akin. Naintindihan ko siya dahil pareho kaming nararamdaman ngayon, kung alak ang solusyon niya para maibsan ang sakit na nararamdaman niya ay wala akong karapatang pigilan siya.
"Mommy, kung alak ang magpagaan ng loob mo ay walang dahilan para pigilan kita."
"Anak, next month ipatanggal na natin ang stainless ng tuhod mo. At kailangang makalakad ka na upang sa ganoon masaya na akong makita kang hindi na nakaupo sa wheelchair na 'yan." nakangiti niyang turan sa akin.
"Mommy, darating din tayo diyan, huwag kang mag-alala malapit nang mapalitan ng tuwa ang sakit na nararamdaman ko, magpahinga na muna ako mommy.
"Kung maligo ka tawagin mo lang si manang para i-assist ka anak." turan niya sa akin. Pagsapit ng gabi habang nag-dinner kami ay biglang dumating si daddy.
"Gregor, bakit nandito ka? Naligaw ka yata."
"Veronica, gusto kong malaman kung ano ang kalagayan ng anak natin. Kung makalakad na ba siya."
"Okay lang naman ako dad, ikaw kumusta na kayo ng kabit mo?"
"Anak, sana huwag mo naman akong bastusin, ama mo pa rin ako."
"Alam mo dad, hindi kita binabastos sadiyang masakit lang talaga ang katotohanan. Kung nasasaktan ka problema mo na iyon."
"Hindi kita masisi kung bakit nagkaganiyan ka sa akin, dahil sinaktan ko kayo ng mommy mo, pamilya ko pa rin kayo kaya nandito ako."
"tahimik na kami ng anak mo, kung puwede lang umalis ka na!" galit na turan ni mommy kay daddy.
Ilang saglit ay nag-ring na ang cellphone ni daddy. "Ayan na ang kabit mo hindi na nakatiis. Ayoko ng gulo Gregor kung puwede lang huwag ka nang maligaw pa rito." galit na turan ni mommy.
"I'm sorry anak."
"Huwag kang mag-sorry sa akin dad. Kay mommy ka mag-sorry dahil ang puso niya ang sinasaktan mo." nang umalis na si daddy saka na lang tumulo ang mga luha ni mommy.
"Mommy, kung hindi mo kaya puwede mong bawiin si daddy sa kaniya. Tutulungan kita. Ang kapal ng mukha niyang umastang asawa, hindi pa naman annulled ang kasal ninyo ni daddy 'di ba?"
"Anak, ayokong makipag-away sa babaeng iyon. Sapat na ang mga salitang binitawan ko sa kaniya."
"Pero bakit galit na galit pa rin po kayo kay daddy?" seryosong tanong ko kay mommy. Umiling-iling siya at ngumiti sa akin. Saka uminom ng tubig. "Anak, dahil siya ang asawa ko. At mahal na mahal ko pa rin siya." nakangiting turan niya sa akin.
"Mahal mo pa rin si daddy kahit sa kabila ng mga ksalanan niya sa 'yo?"
"Anak, hindi nabubura ang pagmamahal ko sa kaniya dahil lang sa kasalanan niya. Bakit ikaw ba ay hindi mo na mahal si Darren? Nawala na ba ang pagmamahal mo sa kaniya?"
"Mommy, nandito pa rin siya sa puso ko. Pero hindi pa rin nawawala ang plano kong maghiganti sa kanila. Gusto kong bumalik sa akin si Darren sa paraang gusto ko."
"Anong plano mo anak?"
"Gusto kong magtatrabaho sa company ni Christopher. Gusto kong kunin ang loob niya at sirain ang pagsasama nila ng kaniyang asawa, gusto kong ipamukha sa asawa niyang nagkakamali siya ng kinakalaban, sobrang sakit nang mga salitang binitawan niya sa akin. Pakiramdam niya ay nakalutang na siya sa ulap. Gusto kong ibagsak sa lupa ang mga paa niya mommy. Maniningil ako, at sa oras na iyon siguraduhin kong durog na durog siyang humarap sa akin, magmamakaawang ibalik ko sa kaniya ang asawa niya." seryosong turan ko kay mommy. Nakita kong hindi niya nagustuhan ang plano ko. Kumunot ang noo niyang nakatitig sa akin.
"Anak, hindi ako papayag sa plano mong gawin. Hindi mo puwedeng gayahin ang daddy mo."
"Mommy, hindi ko gagayahin si daddy, gaganti ang ako. At ang babae ni daddy humanda siya sa akin. Hindi pa ako tapos sa kaniya."
"Anak, ayokong mapuno ng poot at galit ang puso mo. Huwag mong ituloy ang plano mo nakikiusap ako sa 'yo."
"Buo na ang desisyon ko mommy, sana hindi ikaw ang sagabal sa bawat hakbang na gagawin ko. Mauna na ako sa 'yo mommy. Marami pa akong gagawin, goodnight." nakangiting turan ko sa kaniya, at nagtungo na ako sa aking kuwarto. Mayroong battery ang aking wheelchair kaya hindi ako nahihirapan. Pero mas maganda pa rin na makakalakad ako upang sa ganoon ay malaya akong gawin ang lahat na gusto ko. At madali na lang sa akin ang maghiganti.