Saan ka galing Darren? Kumain na lang kami ng dinner dahil hindi ka pa rin dumating. Iniisip mo pa ba na meron kang asawang naghihintay sa 'yo rito sa bahay?" "Monic, wala akong panahong makipag-away sa 'yo. Marami na akong iniisip huwag mo nang dagdagan." "Ikaw pa ang may ganang magalit? Ikaw pa ang umuwing amoy alak, ikaw pa ang naglakas loob na magalit sa akin?! Anong klaseng utak ba meron ka?" "Monic, ayoko nang away, maligo lang ako. Sana paglabas ko ng banyo tulog ka na, dahil ayoko nang maingay." turan ko sa kaniya, pero parang wala pa rin siyang narinig. Kaya pumasok na lang ako ng banyo para mag-shower. Nang matapos akong mag-shower ay tumingin ako sa salamin, at hindi ko sinasadiyang makita ang tab ng tablets na nakapatong sa sink. Binasa ko kung ano ang nakasulat. Wala ak