Tinitigan ko na lang si Sam hindi ko alam kung tama ang hinala niya o hindi pero kailangang kong gawin ang suggestion niya baka nga tama siya sa kaniyang hinala. "Sam, thank you." "Thank you for what?" "Kasi ang bait mo pa rin sa akin kahit sinasaktan kita." "Darren, relax. Huwag kang mag-aalala okay lang ako. Matagal na akong naka-move on at mahal na mahal ko ang lalaking kasama ko ngayon." "Sam, kasal ba kayo ng lalaking iyan?" "Hindi, pero meron na kaming engagement ring, naghintay na lang kaming malinawagan ang utak ng ex-wife niya at pirmahan nito ang annulment nila." nagulat ako sa sinasabi ni Sam, hindi ko akalaing kabit siya. Tinitigan ko siya pero nakangiti lang siya sa akin na parang walang problema. "Nagulat ka ba Darren? Hindi mo akalaing kabit ako? Oh, hindi na uso ng