"Darren, anong nangyayari sa 'yo? Ginaya mo na rin ang daddy mo? Umayos ka Darren, kung ano ang pinag-aawayan ninyo ayusin ninyo agad hindi na kailangang umabot sa hiwalayan!" "Okay ka lang mommy? Kaya pala hindi siya mabuntis dahil umiinom siya ng pills. Lagi niyang sinasabi sa akin na baka ako ang hindi magkakaanak, isa siyang manloloko at sinungaling!" "Totoo ba 'yan Monic?" "Mommy, hindi pa ako handang magkaanak, kaya tinago ko sa kaniyang nag-take ako ng pills. Kaso kahit anong pag-iingat ko ay nahuhuli niya pa rin ako. Mommy, hindi mo naman ako masisi 'di ba? Dahil alam naman nating hindi ako ang mahal ni Darren eh, natatakot akong balang araw ay baka iwanan niya ako at bumalik siya kay Samantha. Darren babae ako. Ni minsan ay hindi mo ako trinatong asawa, naiinggit ako sa mga