"Anak, mahal na mahal ko ang daddy mo. Pero huli na ang lahat dahil nakuha na ng iba ang puso niya. Labis ang aking pagsisi dahil hindi ko siya pinapahalagahan noon. Natalo ako anak, ang suwerte ng babaeng minahal niya ngayon. Dahil iniingatan niya iyon nang sobra-sobra. Nararamdaman kong sesero siyang ipagpalit ako sa babaeng iyon!" bulyaw niya at humagulgol ng iyak. "Mommy, kilala mo ba ang babaeng iyon? Gusto mo bang kausapin ko para sa 'yo? Gusto mo mag-file tayo ng kaso laban sa babaeng iyon?" nagulat si mommy sa kaniyang narinig at nabuhayaan siya bigla. "Anak, huwag mong gawin iyan, ayokong lumaki pa ang isyu, hayaan na lang nating lumigaya ang daddy mo sa babaeng iyon. Ang mahalaga ay nandito ka, kasama kita sa oras ng aking kalungkutan." "Seryoso ka mommy? Kailangang turuan nati