"Masaya ka na ba Christopher? Ang kapal ng mukha mo! Pinatulan mo ang malanding iyon? Ex- girlfriend siya ng anak natin bakit mo pinatos?" "Mahal ko siya Amanda, saka matagal ko nang sinasabing pirmahan mo na ang annulment dahil wala nang silbi ang kasal natin." "Walang silbi? Bakit magaling ba siyang gumiling kaya mo ako pinagpalit sa babaeng iyon? Napakababoy ninyong dalawa!" "Amanda, wala kaming kasalanan sa 'yo. Mabuting babae si Sam, sa kaniya ko lang natagpuan ang pagmamahal na matagal ko nang pinapangarap. Sana huwag sumama ang loob mo Amanda dahil noong niloloko mo ako ay ni minsan, wala kang naririnig sa akin. Hindi ako naglilikramo kahit tinatakasan mo ako tuwing gabi. Kahit inuumaga ka nang umuuwi ay hindi kita sinusumbatan. Dahil alam ko ang pakiramdam na pinagbawalan at