Pagkatapos ng kanilang mga lakad ay nagpasya na si Vic na ihatid si Darem, kung saan naghihintay ang mga kasamahan niya. Hanggang sa makarating sila sa bahay ng matanda. Ngunit hindi na lumapit si Vic, dahil iniiwasan niya na may makakita pa sa kanila at ayaw niyang makarating ito sa kanyang ina. "Hanggang dito na lang ako, pupuntahan kita kung may balita na ako tungkol sa iyong ama." "Salamat Vic, umaasa ko na darating ang isang araw na maayos natin ang laban na ito na walang magbuwis ng buhay." Pagkatapos magpaalam sa isa't isa ay patakbong tinungo ni Darem ang kubo ni Tatang Pabling. Sa loob ay tahimik na naghihintay ang mga ito at puno sila sa pag-alala, papagkat ilang araw ding nawala si Darem. At mas higit na nag-alala ay si Aerron, sobra ang pagkabahala niya sa nobya. At maya