bc

WAKWAK THE LAST RACE ( Tagalog )

book_age18+
1.0K
FOLLOW
4.3K
READ
revenge
powerful
witch/wizard
warrior
tragedy
gxg
non-hunman lead
small town
witchcraft
like
intro-logo
Blurb

"Sige na! Tumakas na kayo habang may oras pa," sabi ni Merwin sa mag-asawa.

"Nay, nasaan na kaya ang apo ng pinuno ngayon?" tanong nang bata.

"A-ate, ganito ba ang mga suot ng mga katulong dito?" inosenteng tanong ng probinsiyanang si Daremar.

"Daren, uuwi na lang tayo sa probinsiya natin, natatakot ako," wika ni Jhie at umiiyak habang hawak ang kamay ng kanya kaibigan.

"Sige! Subukan mong saktan ang aking kaibigan, kung 'di ako ang makalaban mo at ikaw ang ilampaso ko dito!" At binitawan niya ang kamay ni Charisse.

"Ako ayaw mong paupuin?" tanong ni Daremar sa nakatayong lalaki.

"Sige, tutulungan namin kayo, basta tulungan n’yo rin kami," sagot nito habang patuloy pa ring humahalik sa leeg ni Daremar.

chap-preview
Free preview
Chapter 1- Panimula
"Nay, kuwentuhan mo muna ako, kasi hindi pa ako inaantok." Ito ang nakasanayan ni Daremar bago siya matulog. Siya ay nasa sampung taong gulang at sobrang lambing sa kaniyang mga magulang. Sa nasanayan niyang kuwento na hindi niya pinagsasawaan ay lagi niya itong pinapaulit-ulit gabi-gabi. "Sige, anak," sagot ng kaniyang Nanay at pinahiga siya na ginawang unan ni Daremar ang hita nang kanyang Nanay. Sinimulan ni aling Nikka ang magkukwento. "Noong unang araw ay may tatlong lahi ang mga tao at mortal na magkalaban ang lahi ng mga 'MANGKUKULAM' at lahi ng mga 'WAKWAK'. Isang lugar lang sila naninirahan ito ay ang tinatawag na 'MANGWAK'. May mga ordinaryong tao rin ang nanirahan sa bayan. Ang mangkukulam ay may dalawang uri. Ito ang puting mangkukulam at ang itim na mangkukulam. Ang itim na mangkukulam ay kapag naagrabyado o nasasaktan ay agad nilang pinaparusahan ang mga nagkasala sa kanila. Pinapahirapan muna ito sa pamamagitan ng kakaibang sakit bago nila pinapatay. Ang mga puting mangkukulam naman ay sila ang gumagamot sa mga kagagawan ng mga itim na mangkukulam. At sila ay may kinikilalang Pinuno. Ang mga wakwak naman ay may kakayahang lumipad, dahil nagkapakpak sila sa tuwing sumasapit ang gabi. Mabubuti ang mga ito at namumuhay nang tahimik at walang inaagrabayadong tao. Sila ay may kinikilalang pinuno rin at ito ang pinaka pinakamakapangyarihan sa lahat ng mga wakwak. Ayon sa kuwento ang kapangyarihan ng pinuno ay maipasa lang sa kaniyang kauna-unahang apo. Ang pinuno ng mga wakwak ay may isang anak. At ito ay napakagwapong binata siya si Merwin. Maraming mga kababaihan ang nagkagusto at nahuhumaling sa kaniya. Dumating ang isang araw ay umibig ang binata sa isang napakagandang dalaga. Siya si Rahanna. Alam ng binata ang pinagmulan ng dalaga. Galing ito sa angkan ng mga puting mangkukulam at alam rin ng dalaga na ang binata ay anak ng pinuno ng mga wakwak. Hindi hadlang sa kanilang pag-iibigan kung ano ang kanilang pinagmulan. Nagiging maganda ang takbo nang kanilang relasyon. Ngunit lingid sa kaalaman nila na umiibig pala sa kaniya ang anak ng pinuno nang mga mangkukulam na itim at sobra itong nasaktan sa kanilang relasyon ni Rahanna. Hanggang dumating ang araw na nagpakasal ang dalawang nagmamahalan. Lalong nagalit si Luvzkoxa, noong nalaman niya na kasal na ang dalawa. Kaya gumawa nang paraan si Luvzkoxa upang mapaghiwalay ang dalawa. Naghasik siya nang isang malagim na pangyayari sa kanilang bayan. Marami siyang pinatay na mga ordinaryong tao at pinalabas niya na kagagawan ito ng mga wakwak. Mula noon ay nagsimulang magalit ang mga ordinaryong tao sa mga wakwak at pinapatay ng mga ordinaryong tao ang bawat wakwak na kanilang makikita. Para sa kanila ay kabayaran lang ito sa mga pinapatay nila. Sa madaling salita ay gumaganti lang sila. Sa kalaunan ay nalaman ng mga puting mangkukulam ang ginawa ni Luvzkoxa. Kaya naglaban-laban ang tatlong angkan. Kumakampi ang mga puting mangkukulam sa mga wakwak dahil ito ang biktima. Dumating ang araw at nagbunga ang pagmamahalan ni Merwin at Rahanna. Lubos ang kaligayahan nang mag-asawa dahil malapit na silang magkakaanak. Hanggang sa dumating ang kapanganakan ni Rahanna at isinilang niya ang isang sanggol na babae at pinangalan niya itong Daremar. At isang itong napakagandang bata na tila isang diwata. Dahil sa sobrang inggit ni Luvzkoxa ay gusto niyang patayin ang sanggol. Subalit hindi niya kayang lumapit sa bata sapagkat nababalutan ito sa kapangyarihan ng kanyang mga magulang. Dahil alam nila ang mga plano ni Luvzkoxa. Gumawa nang isang gulo si Luvzkoxa. Muli niyang pinag-aaway ang mga ordinaryong tao at ang mga wakwak. Inabuso ni Luvzkoxa ang kanilang kapangyarihan at kaalaman. Ginamit niya ito sa kasamaan. Upang ang lahi ng mga mangkukulam na itim ang maghari sa bayan. Nilusob ng mga ordinaryong tao ang lahi ng mga wakwak at ganoon din ang mga mangkukulam na itim. Lumusob rin sila sa lugar ng mga wakwak at sa lugar ng mga mangkukulam na puti. Dahil marami ang mga tao kay sa lahi nang mga wakwak ay natalo ang mga ito at nagkaniya-kaniya sila sa pagtakas. Pero si Merwin at Rahanna ay patuloy pa rin sa pakikipaglaban at ang pinuno nila na si Khaled ganoon rin ang pinuno ng mga mangkukulam na na puti si Khuro. "Phaz, Zaac. Tumakas na kayo at isama ninyo si Daremar. Dalhin nyo siya sa malayong lugar na walang nakakilala sa inyo. Ilihim ninyo sa kaniya ang tunay niyang pagkatao. Palakihin ninyo siya bilang isang ordinaryong tao," utos ni Rahanna sa mag-asawang tapat na naglingkod sa kanila. "Masusunod aming Rahanna," sagot ng mag-asawa. "Ingatan ninyo ang anak namin Phaz, Zaac. Ituring nyo siyang parang tunay na anak. At itong kuwintas ay huwag ninyong ilayo sa tabi niya. Sa pagsapit ng kaniyang ika-labinwalo na kaarawan ay ipasuot ninyo ito sa kaniya," paliwanag ni Merwin at sabay abot niya sa isang kuwintas na antik. Na ang nagsilbing palawit nito ay ang magkadikit na dalawang diyamante na kulay puti at itim. "Sige na! Tumakas na kayo habang may oras pa," sabi ni Merwin sa mag-asawa. Mula noon lumayo ang mag-asawang Paz at Zaac. Nagpakalayo-layo sila tulad nang sinabi ng kanilang pinuno. Hanggang sa wala ng balita ang mag-asawa tungkol sa kanilang mga kalahi. Lumipas ang mga taon may narinig ang mag-asawa na ang kanilang pinuno ay ikinulong ito sa isang kweba sa naturang bayan at hindi pinakain o kahit tubig man lang ayon sa kuwento ay itinali ito. Na ang tanging makatanggal lang ay ang dugo nang nag-iisang apo nito. "Nay, kawawa pala ang pinuno ng mga wakwak siguro ay patay na ngayon ang pinuno," turan ni Daremar. "Hindi namamatay ang pinuno nang mga wakwak kapag hindi niya maisalin ang kaniyang kapangyarihan sa panganay niyang apo," paliwag ni aling Nikka "Nay, nasaan na kaya ang apo ng pinuno ngayon?" tanong ng bata. "Wala ng balita sa mag-asawa kaya wala na rin akong maidugtong sa kuwento." MATULIN ang paglipas ng panahon at nakapagtapos na rin si Daremar sa high school. Kahit mahirap lang ang kaniyang mga magulang ay nakayanan pa rin siyang itaguyod ng mga ito. Ang kaniyang Tatay Gabriel ay araw-araw itong nasa bukirin dahil ito ang kaniyang hanap buhay. Ang Nanay Nikka naman niya ay naglalabada lang sa mga mayayaman nilang kapit-bahay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Innocent Boyfriend(TAGALOG SPG18+)

read
390.2K
bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
349.2K
bc

YOU'RE MINE

read
901.2K
bc

My Secret Agent's Mate

read
118.4K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
328.9K
bc

His Obsession (Tagalog)

read
91.4K
bc

Be Mine Again

read
101.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook