Umalis na ang kanyang Ina at pinalipas muna niya nang ilang minuto at saka siya lumapit sa matandang lalaki. "Kailangan mong makatakas dito," wika ni Vic. "Sino ka?" tanong ng matandang lalaki sa mahinang boses. "Saka ko na ipapaliwanag sa iyo ang lahat, narinig ko ang pinag-uusapan ninyo ng aking Ina, at marami akong gustong itanong sa inyo." "Delikado ang gagawin mong pagtulong sa akin bata, baka ikapahamak mo ito." "Mas delikado ang buhay mo kung magtatagal ka pa dito. At may naghihintay pa sa inyo," turan ni Vic habang tinatanggal ang tali. "Naghihintay? Sino?" pagtataka nitong tanong. "Ang iyong anak!" "Si Daremar? Nagbalik na ang aking anak?" Halos hindi makapaniwala na tanong ng lalaki, na biglang sumigla ang boses. "Oo, nagbalik siya upang maghiganti sa aming lahi," pa