Para kay Darem, ito na ang tamang daan upang makaharap niya ang pinuno ng mga mangkukulam na itim. At maya-maya pa'y dumating ang lalaking inuutusan at kasama na ang dalawang babae. Pinakawalan nila ang dalawa na walang sabi-sabi at nagmamadali ang mga ito sa pagtakbo at agad naman silang sinalubong ni Darem ng yakap. "Salamat at hindi nila kayo sinaktan," wika ni Darem. "Daren, nakaharap ko ang kanilang pinuno at ginamitan niya ako ng kapangyarihan. Ginamitan niya ako ng kulam upang mapaamin ako kung sino tayo at ano ang pakay natin. Ngunit mas gustuhin ko pang mamatay kaysa ipapahamak ko kayo. Buti na lang at dumating ang anak ng kanilang pinuno, pinigilan niya ito at iniligtas niya ako," sumbong ni Jhie. "Ang ibig mong sabihin ay hindi ka sinaktan ng lalaki?" "Hindi niya ako sinakt