Dinala si Jhie sa isang kuwarto at itinali ang dalawang kamay, habang nakahiga ito sa kama. Tinitigan niyang mabuti ang mukha ni Jhie at nagagandahan siya rito. Hinintay ni Vic na magkamalay ito at hindi siya umalis sa tabi at maya-maya pa ay umungol ang dalaga, at kahit malabo ang paningin ni Jhie at nanghihina pa, ay pilit pa rin itong magsalita. "Pakawalan ninyo ako… maawa kayo sa akin..." paanas niyang boses. "Ano ang pakay ninyo sa baryong ito? Bakit ninyo ginulo ang matahimik naming lugar?" kalmado na tanong sa kanya ni Vic. Ngunit pinili pa rin ni Jhie ang manahimik at pilit ipinikit ang mga mata niya. DAHIL ayaw pa ring magsalita si Jhie, napilitang gumamit si Vic, ng kaalaman niya. Hini-hypnotize niya ito at ang bawat niyang tanong ay sinasagot nito "Inuulit ko ano ang pa