Episode 11—Kuweba

1008 Words

"Sa tingin ko, mapagkakatiwalaan natin sila at hindi kalaban, kakampi natin sila," pahayag ni Aerron. Ilang sandali lang ay bumalik ang matandang lalaki at kasama na nito ang asawa niya. "Magandang gabi po!" bati nilang tatlo. "Magandang gabi rin. Maupo muna kayo at ipaghanda ko kayo ng maiinom ninyo," tugon ng matandang babae, at nagpunta na ito sa kusina. Umupo sila Aerron, at umupo rin ang matandang lalaki sa kanilang harapan. "Ako pala si Aerron, siya naman si Jojo, partner ko sa trabaho mga taga-NBI kami. At siya naman si Jhie, kasintahan ng aking partner." Pakilala niya rito. "Ano ang ginawa ninyo sa lugar na ito? Hindi ba ninyo alam na delikado dito?" "Ummm... alam ko Tatang. May sinundan kasi kaming kaibigan namin dito. Nag-alala po kami para sa kanya na baka mapahamak s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD