DAHIL nawala saglit sa isip ni Vic, ang labanang iyon ay natamaan siya sa pag-atake ni Darem. At napuruhan ang kaniyang balikat. Saksakin pa sana siya ulit ni Darem, subalit bigla siyang lumipad at lumayo sa dalaga. Nakaramdam ng pagod si Daremar, pagkatapos niyang makipaglaban sa mga mangkukulam na itim. Ngunit minabuti pa rin niyang tiisin ang lahat, ang importante ay makalayo siya sa lugar. Dahil nangamba siya na baka isang batalyon na ang umatake sa kanya, tiyak na hindi na niya ito kayang labanan. Kaya minabuti niyang umiwas muna sa mga kalaban. Dinampot niya ang kanyang backpack at nagmamadaling lumayo sa naturang lugar . SAMANTALA maingat na pumasok si Vic sa kanyang kwarto, dahil baka mapansin ito ng kanyang ina na si Luvzkoxa. Agad niyang tinanggal ang hood na itim at tiningna