Sa pagtitig sa kanya ng estrangherong lalaki ay agad siyang kinabahan. Kaba na hindi kayang ipaliwanag. "Darem, siya ang iyong Ama " panimula ni Vic, at nagulat ang lahat sa sinabi niya. "Daremar..." sambit ng kanyang Ama sa mahinang boses, at pumatak ang mga luha nito at agad siyang yumakap. Nagulat man si Darem, ngunit ramdam niya ang dugong dumadaloy sa kanyang buong katawan. Nararamdaman niya ang tinatawag na, 'luksong-dugo' "Pa!" bulalas ni Darem, at tumugon sa yakap ng ama niya. Matagal bago naghiwalay ang kanilang yakapan at ang mga nasa paligid ay napaluha na rin sa eksena. Lalo na sa pustura nito na halatang pinahihirapan nang mahabang panahon. "Pa, buti at buhay ka," wika ni Darem, na walang pagsidlan ng kanyang kaligayahan. "Halika dito Pa, maupo ka muna." Akay niya a