Nagpasya ang magkasintahan na iwanan muna ang dalawa upang makapag-usap sila nang solo. Naglakad-lakad ang dalawa sa 'di kalayuan upang hindi marining ang kanilang pag-uusap. "Ahhh… Aerron, maraming salamat sa tulong mo sa akin, ha. Salamat, dahil kahit alam mong hindi ako natutulad sa inyong mga ordinaryong tao ay hindi mo ako kinasusuklaman. Kahit alam mong delikado ang laban ko ay hindi mo ako pinabayaan." "Darem, kahit ano at sino ka pa ay hindi mangyayaring kasusuklaman kita. Sapagkat alam kong mabuting kang tao. At hinding-hindi kita iiwan sa laban mo." tugon ni Aerron at hinawakan ang kanyang dalawang kamay. "Bakit mo ba ito ginawa, Aerron?" "Dahil mahal kita Darem. Alam kong malayo ang agwat ng edad natin, pero wala naman siguradong masama hindi ba?" Pag-amin nito sa tunay niy