Episode 5 - Her Parents Were Killed

1433 Words
DALAWANG LINGGO ang nakalipas, isang masamang balita ang napanood ni Daremar sa telebisyon. "Isang kaawa-awang mag-asawa na walang awang pinaslang sa hindi pa kilalang mga armadong kalalakihan. Ayon sa ulat ng mga kapit-bahay ay bigla na lang pumasok ang mga armadong mga kalalakihan na parang may hinahanap ang mga ito. Pagkalipas ng ilang minuto ay umalingawngaw na ang mga putok sa loob ng kubo. Sa ngayon ay wala pang malinaw na dahilan kung bakit pinaslang ang mag-asawa." Ulat ng isang reporter. "Hindi! Hindiiiiiiii!" sigaw ni Daremar at nataranta naman ang kaibigan at si Mrs. Lely. "Bakit, Daren? Ano'ng nangyari?" tanong ni Mrs. Lely. Humagulgol si Daremar. "Jhie, nakita ko sa balita pinatay sila Nanay at Tatay." Patuloy siya sa paghagulgol. "Huh?! Paano nangyari? Baka nagkamali lang ang balita, Daren." "Hindi, Jhie! Sila talaga! Kubo namin iyon, kailangan kong makauwi ngayon. Kailangan kong makita sila Nanay at Tatay!" tugon niya habang patuloy pa rin sa pag-iiyak. "Daren, lakasan mo ang loob mo." Sabay yakap ni Mrs. Lely, yumakap na rin si Jhie. Hindi na nila hinihintay ang pag-uwi ni Aerron. Ipinahatid sila ni Mrs. Lely, papuntang Airport. Ito rin ang nagbigay ng pera para pamasahe nila at siya rin ang sumagot sa gastusin ng pagpapalibing sa mga mga magulang niya. Tinawagan na rin nila ang mga magulang ni Jhie, para maasikaso ang mga bangkay. Sa araw ding iyon ay nakauwi silang dalawa. Gabi na sila dumating sa kanilang baryo, maraming mga kapit-bahay ang nakikiluksa sa kanilang munting kubo. Bahagya siyang napahinto sa labas at halos hindi matanggap ang sinapit ng kanyang mga magulang. Habang papasok siya sa kanilang maliit na bahay ay halos mata ng mga tao ay sa kaniya nakatingin. Natanaw niya kaagad ang magkatabing kabaong ng kaniyang mga magulang. Patakbong lumapit siya at humahagulgol. "Nanaaaay! Taaaaaay." Patuloy sa paghagulgol si Daremar at yakap ang dalawang kabaong. "Patawarin ninyo ako, Nay, Tatay! Pangako, ipaghihiganti ko kayo! Uubusin ko ang mga taong gumawa sa inyo nito. Hindi ako titigil hangga't hindi ko sila mapapatay!" Mga katagang binitawan niya sa harap ng kabaong ng kanyang mga magulang. "Daren," sambit ni Jhie, sabay yakap niya sa kaibigan. Magdamag na hindi nakatulog si Daremar, puno sa galit ang kaniyang puso at isip. Laman pa rin ng isipan niya ang paghihiganti. Sinisisi niya ang kanyang sarili sa mga sandaling iyon. Isang tao lang ang alam niyang may gawa nito. "Pagbayaran mo ito, Amero!" banta niya sa isip. Naisipan muna niya na magpalit ng damit dahil mula pa kagabi ay hindi pa siya nakapagpalit. Papasok na sana siya sa kaniyang kuwarto nang bigla niyang naisip na pumasok muna sa kuwarto ng kanyang mga magulang. Biglang may napansin siyang nagliwanag mula sa ilalim ng higaan at kaniya itong nilapitan. Pagyuko niya ay nakita nito ang isang maliit na kahon at iyon ang pinagmulan ng liwanag. Sa mga sandaling iyon ay nakaramdam siya ng kaunting kaba sapagkat para siyang tinatawag ng liwanag. Dahan-dahan niyang hinila ang kahon at ingat na ingat niya itong binuksan. Pagbukas niya ay biglang nawala ang liwanag at nakita niya ang isang lumang kuwintas at may kasamang maliit na lumang notebook. Binuklat niya ito at agad nakita ang kanyang pangalan at binasa niya ito. "Mahal kong anak, nasaan ka na? Bakit hindi ka na bumalik o nagsulat man lang sa amin ng iyong Tatay? Hindi namin alam kung napahamak ka o kung ano ang kalagayan mo diyan. Pero alam namin ng Tatay mo na kaya mong protektahan ang iyong sarili. Anak, bago kami mawala ng iyong Tatay sa mundong ito ay gusto kong ipagtapat sa iyo ang buong katotohanan sa tunay mong pagkatao. Hindi kami ang tunay mong mga magulang. Daren, ikaw ang laman ng paborito mong kuwento. Ang lagi kong ikinuwento sa 'yo ay ang buong katutuhanan sa pagkatao mo. Anak, ipinagtapat ko ito dahil nitong mga nakaraang buwan. Mula noong nawala ka ay nakarinig kami ng mga bagong balita tungkol sa mga pinapatay at ang pinagbibintangan ay ang ating mga kalahing wakwak. Alam kong muli na namang naghasik ng lagim si Luvzkoxa, at ikaw lang ang makapagpigil sa kaniya. Daren, nasa labing-walong taong gulang ka na, dapat itong kuwintas ay ibibigay na sana namin sa iyong kaarawan bilang regalo, pero hindi ka dumating. Paka-iingatan mo ang kuwintas na ito dahil ito ang alaala ng totoo mong mga magulang at totoo mong pagkatao. Mag-iingat ka palagi anak, mahal na mahal ka namin ng Tatay mo." Laman ng sulat. Pagkatapos niya itong basahin ay pabagsak siyang sumandal sa gilid ng papag sabay yakap sa maliit na notebook at kuwintas. Muling siyang napahagulgol dahil hindi siya makapaniwala sa kanyang natuklasan. Hindi niya alam kung paano niya tatanggapin ang buong katotohanan sa kaniyang tunay na pagkatao. Dahil sa malakas niyang iyak ay narinig siya ni Jhie, kaya dali-dali siyang pinuntahan ng kaibigan at hinanap kung saan galing ang kanyang boses. "Daren, tama na baka magkasakit ka pa niyan..." pag-alala nito. "Jhie, may ipagtapat ako sa iyo pero pangako mo na walang sino man ang makaalam nito at sana hindi mo ako kasuklaman. Ikaw na lang ang natitira kong pamilya, sana huwag mo akong talikuran," malungkot niyang panimula sa kaibigan "Huh?! Bakit ano ba iyan, Daren? Ano ang katotohanan at bakit kita kasusuklaman?" naguguluhang tanong nito. "Ito, Jhie. Basahin mo ang sulat ni Nanay." Inabot niya sa kaibigan ang notebook at binasa naman ito ni Jhie. Hindi makapaniwala si Jhie sa kaniyang natuklasan pero hindi naman iyon dahilan upang magbago ang kaniyang pagtingin sa matalik niyang kaibigan. Dahil kapatid na ang turing niya kay Daremar. "Kung ganoon, ikaw pala ang huling wakwak na sinabi sa kuwento ni Nanay? Makakaasa ka, Daren, na itatago natin ang lihim na ito at naniniwala akong mabubuti ang inyong lahi," dagdag pa niya at sabay yakap sa kaibigan. "Salamat, Jhie," maikling tungon niya at gumanti na rin sa yakap. "Ano ang plano mo pagkatapos ng libing nila Nanay at Tatay?" tanong nito. "Hahanapin ko ang aking Lolo, kung saang kuweba siya ikinulong. Jhie, kailangan kong iligtas ang aking Lolo. Dahil siya na lang ang natitira kong kamag-anak. Pagkatapos ay hahanapin ko ang mga pumatay kay Nanay at Tatay. At isusunod ko ang tinatawag nilang Luvzkoxa!" tugon niya. "Ano?! Pero saan mo siya hahanapin, Daren?" "Pupuntahan ko ang lugar kung saan ako nanggaling, doon ako magsisimula sa pagkuha ng impormasyon." "Kung ganoon ay sasamahan na kita," ani Jhie. "Sigurado ka ba, Jhie?" "Oo naman!" MASYADONG apektado si Daremar sa pagkawala ng kaniyang mga magulang. Halos hindi pa rin niya matanggap na dinamay ni Amero ang mga inosente niyang mga magulang. Hindi iniwan ni Jhie ang kaniyang kaibigan at kahit sa anong laban ay nakahanda siyang damayan ito. Dumating ang araw sa paglibing ng mga magulang ni Darem. Hindi nila inaasahan na darating si Aerron at ang kaniyang mestah na si Jojo. Handa ang dalawang lalaki na protektahan sila. Dahil sila ang dahilan kung bakit nadamay ang kaniyang mga magulang. Alam rin nila na hindi titigil si Amero at babalikan silang dalawa. Sapagkat silang dalawa ang testigo sa kaso ni Amero. Pagkatapos ng libing ay malungkot na nakaupo si Darem sa kanilang maliit na sala at nilapitan siya ni Aerron. "Okay ka lang ba?" tanong ng binata. "Hindi!" wala sa isip niyang sagot. "Nandito lang ako para sa iyo," aniya at hinaplos ang kaniyang kamay. "Salamat!" "Gusto mo ng kape?" aok ni Aerron. "Ayaw ko, salamat na lang." "Ano ang balak mo ngayon?" "Maghihiganti sa mga taong pumaslang ng aking mga magulang at sa aking lahi!" Nagulat si Aerron sa kaniyang huling sinabi. "Anong lahi?" "Ang ibig kong sabihin para kina Nanay at Tatay." "Daren, huwag mong ilagay sa iyong mga kamay ang batas, nandito kami na gagawa para sa iyo." "Hindi! Sa akin sila may utang! Sa akin sila may atraso, kaya ako ang maniningil!" Puno sa galit ang puso ni Daremar at wala na siyang pakialam kung ano man ang mangyari sa kanya. Wala na rin siyang pakialam sa tama o mali. Basta isa lang ang gagawin niya ang maghiganti. "Daren, makinig ka! Wala kang laban sa kanila isa ka lang babae at bata ka pa. Sila ay malalaking tao at may mga baril. Ikaw ano?!" galit na sabi ni Aerron. "Huwag mong maliitin ang pagkatao ko, Aerron! Hindi mo pa ako lubusang kilala. Hindi mo alam kung ano pa ang kaya kong gawin!" tugon niya na mas lalong nagpapagulo sa isip ni Aerron. "Bakit ba ang tikas mo, Darem?!" "Hindi ako ang matigas! Ikaw ang makulit! Mas mabuti pa kung bumalik na kayo sa Maynila! Laban ko ito at hindi ko kailangan ang tulong ninyo!" galit niyang pahayag, sabay tayo at lumabas ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD